Sunday, May 20, 2007

Isa para sa magandang simula

Eto na, nagkaroon na ko ng magandang opportunity para makapagsulat at mapublish ang aking naiisip sa Internet. Hindi ko kailanman naisip na mangyayari ang bagay na to, pero hindi naman ito masyadong special na makakapagbago sa estado ng buhay ng tao ngayon. Ako lang ay masaya na may naaccomplish ako at wholesome sites na ang binibisita ko sa Net. Hehe...

Hindi ko alam kung sino man ang mga makakakita at makakabasa sa blog ko, pero gusto ko lang magkaroon ng panibagong medium para ilabas ang mga salitang hindi ko nalalabas sa bibig ko pag may kasama ako, o mga salitang nababanggit ko lang sa isip ko pag nagpipigil akong makasakit ng tao. Ito ang isip ko. Ito ang isip ko, written-wise.

Malamang, hindi nyo ko kilala. Pareho lang naman ako sa inyo, aking mga mambabasa, kung meron man. Pareho tayong may buhok, mata, ilong, tenga... Pareho tayong may parteng makati sa katawan, pareho tayong may crush na artista, pareho tayong may tinatagong bisyo, pareho tayong nagsisinungaling maangat lang ang sarili, pareho rin lang tayong ayaw na sa init ng Pilipinas at pareho tayong gustong magkaroon ng maraming maraming salapi. Hindi yung salapi na kapampangan term sa extrang daliri sa kamay ha? Salapi na pera. Syempre alam mo na yun. Gusto ko lang sabihin.

Sa ngayon, nandito ako sa opisina. Same day katulad ng iba, nakatunganga sa isang cubicle na hindi akin kaya hindi ko mapersonalize talaga. OK lang yun dahil hindi ko naman habol ang malagay ang isang picture frame at mga stuffed things sa aking desk. Hindi ako ganun klasing tao. Action figures lang ang mga nilalagay ko.

Nandito na ko sa edad na dumarami na ang mga kilala kong matandang tao na namamamatay. Parte na ng buhay yon. Nandito na rin ako sa parte ng buhay na nagsisimula na kong magsisi, or sa mas magaan na salita, magtaka kung bakit ang mga desisyon ko at least mga 5 years ago ay hindi ko talaga pinagisipan. Wala akong pagsisisi. Naiisip ko lang talaga kung ano ang buhay ko kung ibang daan ang tinahak ko.

Ang kursong kinuha ko ay malayo sa mga kursong magpapayaman sa isang tao. Ang kursong kinuha ko ay yung type na mahihirapan kang makakuha ng trabaho. Ito yung kursong pag nakakuha ka ng trabaho e hindi direct na related ang kurso mo. Pero hindi ako nagrereklamo dahil ang mga kaibigang nakilala ko sa kursong ito ay hindi ko kailanman ipagpapalit. Katulad ng mga kaibigan ko nung highschool na hanggang ngayon ay hindi ako talaga nagsasawang makita, hindi rin ako nagsasawang magisip na hindi ako ang ako na nagsusulat ngayon kung hindi dahil sa mga taong nakasama ko these past few years. At malaki na ang pasasalamat ko sa kanila.

Seryoso ako a... wala lang talaga akong maisip na nakakatawa sa ngayon. Masakit na ang ulo ko e. Gusto ko lang maumpisahan ang blog ko dito kaya nagsusulat na ko. Hehe...

At eto ang isa pang masakit sa ulo. Topic dito ang how non-sense ang publicity ng anak ng isang basketball player at ang pinakamaingay na babae sa mundo bukod kay Regine Velasquez. Sino ang hindi sasakit ang ulo... Tapos paguusapan pa yung pelikulang bago ni Regine at Piolo. Grabe, matandang puro retoke at silahis na bading. Kikita sigurado yan!

O sya! Sana masundan ko itong blog ko na ito! Masarap palang isulat ang isip. Try nyo rin!

1 comment:

dan elijah said...

pre galing mu....isang kang alamat ng bubble gum...hahaha...danding hir...