Saturday, May 26, 2007

Gummy Boy: Black



Malamang naiisip mo, naku! Gumaya na lang ito sa Spider-Man 3! Well, oo. Aminado naman ako. Aminado ako na ang Gummy Boy ay ginaya ko lang, obviously, sa Spider-Man. Pero ginaya ko lang ang mga pinoy producers na gumagaya sa mga gawang kano at sasabihing original nilang idea yon. Hindi ako ganon. Hindi ko inaangkin ang idea ni Stan Lee. Ginawa ko lang nakakatawa. Hindi ko rin ginawang itim si GB dahil kakapalabas lang ng Spider-Man 3. Wala lang akong oras dati pero kung alam mo talaga ang history ng character ko, dalawang taon na mula ng gawin ko ang Gummy Boy:Black. At ito ay naisip ko nang mabasa ko ang gawa ni Frank Miller na Spider-Man:Blue at Hulk:Gray. Meaning? Hinango ko lang ang title sa paraan na pagkakagawa ng iba. Oo walang originality, pero sa mga panahon ngayon, kung makakagawa ka naman ng isang bagay na ikatutuwa ng iba at mailalagay mo ang sarili mong istilo para makapagbuhay ng isa pang bagay, ba't hindi mo nga subukan?

ANG KWENTO

Sa mga nakakaalam na sa kwento ng Gummy Boy, read on. Sa mga hindi pa, maaari nyong mabasa ang ilang synopsis at character history dito. Hanapin nyo na lang ang Gummy Boy Chronicles.

Lahat tayo frustrated na sa buhay at one point. Pero may mga responsibilidad tayo na hindi matatakasan. Ang isa sa mga to, na ito rin ang magiging theme ng story, ay time management. Babaw no? Bah, ngayon ka lang ata makakabasa ng comics tungkol sa time management.

Tuluy-tuloy na ang pagtatrabaho ni Gardo sa Manila matapos nyang grumadweyt ng kolehiyo. Dumating ang point na may inaasikaso sya sa probinsya at kinailangan nyang maguwian ng tatlong araw. Along the way, ginagawa din nya ang bagay kung saan sya talagang magaling- ang magligtas ng taong nangangailangan. Pero nung minsang nakauwi na sya ng Pampanga at hindi na nakayanan ng katawan nya, nagpahinga muna sya sandali sa gilid ng bubong ng isang building. Dito na sya nakatulog hanggang abutan na ng dilim. Mga alas sais ng gabi, nagpatunog na ang Pasudeco, isang Sugar Mill ng San Fernando. Kung alam mo ang Pasudeco, magpapamudmod na ito ng mga abo na galing sa mga sinunog na dayami. Maraming ganito ang umuulan everytime nagpoproduce na ng asukal ang factory.

Kumapit ang mga abong ito kay Gardo. Natyempuhan pang maulanan at kumapit ng husto sa damit. Nang magising sya sa kanyang pananaginip ng masama, nalaglag sya sa at sumabit ang paa nya sa kawad ng kuryente at harap harapan sya sa itsura nya ngayon. Isa na syang marungis na tao na may nangingitim na costume. At as usual, kung kilala nyo si Gardo, na akala nya e after all these years ay may kapangyarihan sya, inisip nya na may bago syang costume. In short, hindi sya naglaba at pinabayaan nyang mabantot sya basta alam nyang maporma sya.


Poster concept courtesy of Spider-Man 3

ANG KALABAN

Expect mo na na kasama si Levy sa roster ng kalaban. Pero kung sino talaga ang main? Hehe... Maghintay kayo. Ilalabas ko sya unti-unti sa CX Site. Pero kung gusto nyo ng hint, well, hindi ito si Kamandag o si Jerbax. Hehe, bale nasa mga 23 characters na lang ang pagpipilian nyo.


Poster concept courtesy of Spider-Man 3

Poster concept courtesy of Spider-Man 3

Gummy Boy: Black

Ako si Gummy Boy. At ito ang kwento ko.

Pitong taon.

Tama pa ba ang pagsasakripisyo ng sarili kong buhay sa loob ng mahabang panahon? Oo ilang beses na akong nahirapan sa pagbabalanse ng buhay ko bilang ordinaryong tao at isang taong tumutulong sa mga nangangailangan. Iilan lang sa mga yon ang nagbigay sa akin ng kapalit. Pera, pagkain, damit. Oo, weird mang marinig, may niligtas ako na binigyan ako ng damit. Para akong nasalanta sa bagyo na inalayan ng tulong. At least nadagdagan ang mga duster ng landlady ko. Nagtitinda kasi ng duster sa palengke ang sinalakay ng mga masasamang loob.

Kailangan ko na nga bang isarado ang cabinet ko ng mga costume ko? Kailangan ko na bang hubarin ang mga bonnet at goggles ko? Kailangan ko na bang isakripisyo ang buhay na wala ng ibinigay sa kin kundi sakit ng katawan, sugat, peklat at iba pang marka na magkukuwento sa kin ng mga napagdaanan ko para lang sa ikabubuti ng iba? Ito na ba ang katapusan?

Kailan ba tumigil sa pagligtas ng tao si Superman? Kailan ba tumigil sa pagtulong si Batman? E kahit sa Batman Beyond nandyan pa rin sya kahit nahihirapan na syang magbukas ng gamot nya. Pero ako, konting gulo lang sa pagiisip titigil na ba ako? Si Batman ay tao lang na walang kapangyarihan. Mayaman siya at kaya nyang makamit ang gusto nya gamit ang pera nya. Pero napabayaan nya si Robin at pinatay sya ni Joker. Pati si Batgirl nalumpo dahil na rin kay Joker. Si Spider-Man namatayan ng girlfriend dahil kay Green Goblin. Pero naapektuhan ba sya ng kamatayan ni Gwen Stacy? Si Aquaman natunaw ang kamay pero nagpatuloy pa rin. Bakit ako nagaalangan sa sarili ko ngayon? Isa lang ang alam kong sagot. Dahil silang lahat ay kathang-isip lamang. At ako ay nakatira sa tunay na buhay.

"May bumabagabag sa'yo.." sabi ng tinig na galing sa madilim na parte ng bubong na tinatambayan ko.

"Hehe... Kelan ka ba nagkamali.. Scout?" sabi ko.

"Gardo, ang mga yan ay kailangan maranasan ng tao. Maniwala ka sa kin. Marami na akong nakitang taong kailangan ng tulong. Hindi ko kailanman pinakita ang sarili ko sa kanila. Datapwa't wala silang tulong na nakukuha, sa huli, makakahanap sila ng daan para mabalik ang ngiti sa mukha nila. Ang duda ay hindi nawawala sa tao, Gardo. Pero hindi ibig sabihin nito ay mawawala na ang lahat kapag itinigil mo ang isang bagay na gustong-gusto mong ginagawa."

"Gusto ko to? Scout, wala akong napapala dito. Wala akong maisip na dahilan para magpatuloy pa.."

"Ilang tao na ang humaba ang buhay dahil sa ginawa mo. Ilang tao na ang nagkaroon ng pag-asa dahil sa pagtulong mo. Wala kang mahanap na rason? Isipin mo ang mga ginawan mo ng tulong."

Tama sya. Wala akong dahilan na mahanap kanina dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Nawala na sa isip ko ang mga taong naging parte na ng buhay ko.

"Kung maaari, hihingi sana ako ng payo."

... wala na siya. Lagi nyang ginagawa sa kin ito. May sasabihin sya na kontra sa iniisip mo tapos kapag may naisip ka na wala ka ng pagkakataon para maitanong mo pa sya. Minsan gusto kong tumalon na lang at magpakamatay para dumating sya sa kapakanan ko. Maswerte ako na nakakilala ako sa isa sa mga living guardian angels dito sa mundo. Hindi natin sila kailangan makita. At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagpakita sya sa kin. Napangiti na lang ako. Hindi ako superhero para magpasikat. Hindi ako superhero para malaman ko kung anong klaseng tao ako sa iba. Superhero ako dahil ako ang naatasan ng tadhana na magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga nangangailangan. Superhero ako para ipakita sa mga nawawalan na ng pagasa na walang saysay ang paggawa ng karahasan. Superhero ako dahil ako ang taong magbibigay katotohanan na ang buhay ay hindi kailanman isang comics. Ako si Gummy Boy. At ito ang kwento ko. ..parang yun lang ang intro ko kanina a... hehe... makapaghanap nga ng maliligtas...

Scout

"...ano ba ang isang payo ng isang kaibigan sa isang taong nawawala sa landas?" sabi ng isang misteryosong anino sa kabilang building.
"siya na ba ang susunod nating... paglalaruan? hehehe" sabi pa ng isang may nanginginig at malamig na boses.

"Oo. Tinitingalaan sya ng tao. At nauubos ang pera ni boss dahil tumitigil na ang pagikot ng pera galing sa mga bata natin."

"Heh! Simulan na natin ang laro."

"GARDO!! Halika nga samahan mo ko magyosi.." sabi ng boss ko.

"Yes ser. Kita na lang tayo sa baba ser."

Pagbaba ko, kinakabahan ako. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito.

"Alam mo pare, no pressure ha? Pero ang trabaho dito sa call center, parang hindi para sayo."

"Bakit naman ser?"

"Nakikita mo ba ang stats ng team natin? Isa ka sa mga naghahatak pare e. Prangkahan na lang. Ano ba ang problema?"

Wow hanep. Anong problema? Isa sa mga problema ko ay hindi na ko makatulog dahil sa pagliligtas ko matapos magtrabaho. Minsan pati break ko sa opisina lilibot pa ko makahanap lang ng nangangailangan. Ang problema ko e niligtas kita last week at hindi mo man alam na ako ang gumawa non. Kung alam mo lang siguro na ginawa ko yun suswelduhan mo ko kahit wala akong ginagawa.

"Wala namang problema ser. Nabibigla lang ako sa mga nangyayari."

"Alam mo, Gardo, kailangan mo lang ng konting motivation, konting takot. Makikita mo, kaya mo rin yan. Lahat ng agents natin pasado naman. Ikaw lang ang nahihirapan. Nahihirapan ka bang matulog sa gabi?

Tinignan ko lang sya. Paulit ulit ang hiti't buga sa sigarilyo.
"Alam mo, pare, sabihin mo lang ha? Kung nahihirapan kang magtrabaho, sabihan mo lang ako. Bigyan kita ng chance magrelax. Magpahinga."

Wow. Salamat naman at nagkaroon ako ng pahinga. Mabait naman ang boss ko e.

"Uhm.. ser, pwedeng humingi na ko ng isa ngayon?"

"Bakit?"

"Personal na rason ser." sabay takbo na ko sa mga dumaraang kotse ng pulis at mga firetrucks.

Pitong taon ko ng suot ang itim at pulang kulay. Mga kulay na naging panibagong simbulo ng kaligtasan laban sa masasamang loob. At ngayon, tumanda na tayong pareho, damit ko. Pero hindi mo ko pinalya kahit minsan. Ipinakita mo sa madla na ang kulay mo ang katauhan ko. Ang itsura mo ang imahe ko. At ngayon, kailangan na ulit tayong magtrabaho.

"SUNOOOOOOOOOG!!!! SUNOOOOOOOOOOOOOOOOOOG!!!! SHET SUNOOOOOOG!!!!"
Super Sigaw. Kahit papano nakakatulong sya na lumayo ang mga tao sa pagaakalang may topak sya na nagpapanggap na superhero. Pero kahit pano, kahit normal lang syang taong sumisigaw, malaki na rin ang natutulong nya sa mga panahong ganito.

"GUMMY BOY!! MAY DALAWANG TAO SA LOOB. TULUNGAN MO!!!" sigaw nya sa kin. Sumaludo ako sa kanya para alam niyang narinig ko sya. Swing ng swing papasok sa isang basag na bintana. Hinanap ko agad ang mga tao. Ayun ang isa. Hindi na makahinga. Suffocated sa usok. Sumilip ako sa labas. May jump area na na sinet-up ang mga bumbero. Wla ng oras. Magigiba na ang building. Tinapon ko na ang mama. Nasalo naman ng mabuti ng mga bumbero.

"GUMMY BOY!! YUNG ISANG MAMA!!!" sigaw ni Super Sigaw. Alam ko. At kailangan ko ng magmadali.

Sa sobrang init, nanghina na ko. Inangat ko na ang kalahati ng bonnet ko dahil nahihirapan na akong huminga. Nasunog na ang isa kong gwantes sa kakaiwas sa mga nasusunog na kahoy at kurtina. Mahapdi na ang balat ko sa init ng hangin sa loob.

"GUMMY BOY GUMMY BOY!!! NAKALABAS NA PALA KANINA PA YUNG MAMA!!! NAKALIMUTAN KO LANG!!! NATENSE AKO SOBRA E!!!".. walanghya ka Super Sigaw... Muntikan mo pa akong isakripisyo.

Hindi na ako makahinga sa sobrang kapal ng usok sa loob. Ganito na lang ba? Ito na ba ang sinasabing huling sandali ng buhay ko? Masaya na ba dapat ako para matapos na lahat ng paghihirap ko? Tumumba na ako. Hindi ko na kaya. Nagluluha na ang mata ko sa dami ng usok na nalanghap ko. Ito na nga ang katapusan. Puro usok at apoy na lang ang nakikita ko. Mahapdi na ang balat ko sa init. Unti-unting humihina ang pandinig ko sa ulit-ulit na sigaw ni Super Sigaw sa pangalan ko. Kailangan ko lang malaman kung ano ang huling bagay na makikita ko. At eto na agad. Isang nasusunog na kahoy na babagsak at magtatanggal ng buhay sa katawan ko. Pipikit na lang ako.

"Hindi ko alam na seryoso ka pala sa pagwawalang-bahala mo sa buhay mo."

Scout.. nahihirapan na akong magsalita pero alam ko naipakita ko ang ngiti sa mukha ko at nakita ko sya nang oras na yon. Sobrang laki na ng utang ng loob ko sa'yo kaibigan. Sana isang araw ikaw naman ang mapagalayan ko ng matinding tulong. Salamat.

"ANONG NANGYARI? BAKIT WALA NA SYANG BUHAY? BAKIT Ghdfdhdhghhhfff...ffh?"

"Tumigil ka sa kakasigaw muna. Masama ang lagay nya at nakalanghap sya ng maraming usok. Kailangan nya ng propesyonal na pagaaruga. Pakiusap, Super Sigaw, ikaw na ang bahala sa kanya. Mayroon akong kailangang alamin sa pinagmulan ng apoy na ito." sabi ni Scout. "Teka lang. Sandali. Delikado ito. Mapupwersa ang mga doktor na tanggalin ang panakip-mukha nya. Super Sigaw, pakikuha mo ako ng malaking garapon na maaaring mabasag."

Labing-limang minuto na halos ang nakaraan nang biglang nagkaroon ng masamang reaction ang katawan ni Gardo.

"Wag ka munang bumigay sa akin, Gardo.. SIGAW!! BILISAN MO SA GARAPON NA HINAHANAP KO!"

"SANDALI LANG!! WALA NAMANG GANYANAN!!"

"SINISIGAWAN MO NA NAMAN AKO E IILANG METRO KA LANG??"

"..hindi po bossing.."

"WALA KA BA TALAGANG MAKITANG GARAPON??"

"..wala po bossing.."

"TSK! Ako na lang ang gagawa ng paraan." at nagpunit ng maliit na pirasong tela si Scout sa damit nya. Sa isang kumpas ng kamay at konting bulong, naging isang lobong babasagin ang tela. Sinaksak nya ang maliit na parte ng lobo sa may dibdib ni Gardo at tinapatan ng dalawa nyang kamay. Walang anu-ano ay may bilog na drawing na umilaw sa paligid ng dalawa. Maraming linya, tatsulok, bilog at iba pang hugis ang lumabas na kulay dilaw. Madilim bigla ang paligid. Umangat ang dibdib ni Gardo at biglang may itim na pumasok sa lobo. Naisip ni Super Sigaw na ito ang usok. Pero nang basagin ni Scout ang lobo...

"HOLI SHET!!" sigaw nya. Hindi usok ang laman. Abo.

"Kailangan lang nya ng pahinga. Nawalan sya ng hangin sa ginawa ko. Kailangan nating mabilisang lamnan ng hangin ang mga baga nya."

"Anong gagawin natin? Hihipan ng salit-salit? THAT'S JUST GROSS, MAN!!"

"Hindi na kailangan ang pandidiri mo. Narito na ang taong makakagawa ng mabilisang paglaman ng hangin sa kanya.

"Sa lahat ng oras, hindi ko akalaing pwede palang ikabuhay ng taong ito ang bilis ko." nakangiti ang taong hindi napansin ni Super Sigaw na bigla na lang pala nilang katabi.

"Takboy, nanganganib na ang lagay niya. Bilisan mo na." sabi ni Scout.

"On the go!" at dali-daling tinakbo ni Takboy si Gardo. Iilang segundo lang ay nasa isang lugar na sila na puno ng sariwang hangin.


Norzagaray, Bulacan


"Dumating na ang shipment ko sa wakas. Makakapagbenta na ulit ako ng mga paputok. Lalo na't malapit na ang bagong taon."

William Dimakabuntis. Isang bagong laya na nakulong ng limang taon dahil sa pagbebenta ng ilegal na paputok. Ngayon, nakakuha na sya ng panibagong lisensya para magbenta ng mga paputok anytime of the year. Nangako na siya na hindi na siya magiging kriminal ulit.

"Ano ang mga paputok, kung hindi naman ito magagamit sa kasiyahan ng tao..." sabi ng boses sa dilim.

"Ano ang laro, kung hindi ito gagamitan ng konting kasiyahan, Ruben Padilla..." sabi ng isa pang boses na malamig at nanginginig. Sila ay pawang mga anino lamang na nakatayo sa isang sulok, pero halatang matagal ng nagmamanman.

"Ruben Padilla... matagal ko ng binitawan ang pangalang yan. Kung maaari sana ay wag nyo na akong istorbohin." ani William.

"Alam kong gusto mo ng maging malinis," sabi ng malalim na boses, "..pero alam kong interesado ka rin. Hindi namin sinasabing balikan mo ang nakaraan mo." at may hinagis na bagay mula sa dilim. "Pag-isipin mo ang magiging gamit ng mga laruan mo, Ruben."

Tinignan ni William ang bagay na itinapon. Dyaryo. The Industrialist. Headline si Gummy Boy.

Sa isang madilim na lugar..

"Masaya ako at mapagkakatiwalaan ko kayo sa pagbabalita sa ating target. Sino pa ba ang maaasahan ko kundi ang pinakamagaling sa paghabol sa mga lalaki- ang mga Pakat-suki. At sa mga unang misyon, malaking pasasalamat ko sa inyo, Itaching at Kiss-meh." sabi ng isang hooded figure.

"Maraming salamat, Bossing!" sabi ng dalawang Pakat-suki.

"Pero marami siyang kaibigan. Anong binabalak mo sa mga kakampi nya, Bossing?" sabi ng malamig na boses ni Itaching.

"Ipinadala ko na si Dildora at si Master Sash-sory para espiyahan ang mga kasama niya. Alam na natin paunti-unti kung pano patumbahin ang mga bida ng lugar na ito at babagsak na rin sa wakas ang kabutihan."

"Heh! Magaling ka talagang gumawa ng plano, Bossing!" Sabi ng magalas na boses ni Kiss-meh.

"Kaya nga bossing ako e. Kung ikaw ang pinakamagaling na gumawa ng plano, edi ikaw sana ang bossing..." sabi ni Bossing.

Sila ang mga Pakat-suki. Liga ng mga kinatatakutang bakla. Matindi pa sila sa Tong-bak. Mga naka-cutex na itim at nakajacket na itim na may design ng puso at rosas na pula. Miyembro nito si Bossing, ang pinakakarumaldumal na bakla, may pagkabaliw at walang iniindang lakas-lalake. Ang mga nakilala nyo na, si Itaching, may kulay pulang contact lens, magaling gumamit ng Ka-gay-bunshin technique at Charing-gan technique. Si Kiss-meh, isang baklang kinulayan ng asul ang buong katawan. May hawak na malaking armas na nakabalot ng tissue paper na hugis Schick na shaver. Sobrang laki nito. Mga 7 feet. May contact lens din siya na mukhang mata ng pinakuluuang bangus. Ang dalawa pang nabanggit, si Dildora at Sash-sori. Si Dildora ay may kakaibang bibig. Magaling maghulma ng kung anu-ano sa kanyang bibig. May maangas na muscle control sa panga. Si Sash-sori naman ay magaling gumamit ng mga daliri. Kung paano nya nagagamit ang mga daliri niya, ayoko na malaman.

Ang Pakat-suki ang grupong nilapitan ng mga masasamang loob para patumbahin ang grupo ni Gummy Boy. Sa kanilang sobrang pangangailangan, lumapit sila sa isang grupong hindi nila talaga maintindihan, pero gusto talaga nilang maghimagsik ng lagim kaya hindi na nila inisip kung sino pa ang nilapitan nila.

"Simula mamayang gabi, maraming tao ang mamamatay. Ako ang taong may isang salita.. HAHAHAHAHAHA!!" Kagimbal gimbal ang boses ni Bossing.

***itutuloy pa***

Friday, May 25, 2007

NICE A.S.S. (Annual Summer Swimming) 2007

Every year, nagkakaroon kami ng summer swimming ng barkada ko. Kapag sinabi ng lalabas kami ng CXGM, iisa lang maiisip mo dapat. Bisyo. Well, majorly dapat yun lang. Kasi pagkatapos ng swimming, iinom na at yoyosi. Actually kapag pinaplano palang ang outing na to, halos kalahating porsyento ng oras sa pagpaplano e tungkol sa kung anong "special" na gagawin matapos naming iexercise ang mga kalamnan namin. Syempre kailangan ding iexercise ang baga at atay.

Siguro sa simula pa lang ng aking pagsusulat nito, isa lang ang masasabi ko. Ito ay, kung hindi man, ang pinakamasakit sa ulo na summer outing ng CXGM. Although hindi lahat ng gusto ay napagbigyan, at hindi lahat ng napagbigyan ay naenjoy, at hindi lahat ng naenjoy ay libre, dumating ang outing na ito sa point na masaya naman sa katapusan.


Konti lang kaming nakarating ngayon. Ako, si Runald, si Gara, si Edwin, si Jian, si Benjo, si Jann, si Burny, si Jeff at ang ever present na si Bawc lang ang nakapunta. Bagama't hindi kami nakumpleto, naging fulfilling naman ang stay namin sa resort.
Hindi ito katulad ng usual na outing ng CX, na laging may nangyayaring:

-may dalang isang malaking lalagyan ng tubig si Edwin (Salamat Thumb's Up)
-nagluluto ako ng dinner at almusal
-laging nauunang matulog si Burny -laging nasasaktan si Burny.. hehe -may pabaon si Lyz ng kahit anong pagkaing lalampas sa presyo ng limang litrong diesel
-nagkakanta si Runald sa videoke naririnig sa loob habang nagluluto ako
-lalapitan ka ni Runald at ihaharap sayo ang isang deck ng baraha na bigla na lang mababawas ng isa -magtatakbuhan pag luto na ang pagkain
-may tirang dinner para pulutan sa gabi
-may at least tatlong taong mamalasing hindi matulog
-may tent sa Inuman Session
-ika-cut ka ng kotse ni Edwin pag pauwi na sila at pagkatapos ng dalawang kurap ng mata ay wala na silang bakas sa daan.

Venue. Isa ito sa pinakamalaking judgment call na nangyari. Hindi nakuhang magpareserve sa Alfredo's, na mga tatlong beses pa lang ata kaming nagswimming. Sa ngayon, doon kami sa kasagsagan ng Villa Antonina. Pag nakita mo ang poster, hanep! Mukhang mansion ni Batman na pinagawang resort. Nasa isip ko non, since hindi pa talga ako nakapunta sa lugar, sana ganito talaga kaganda dun... at ganun nga! wala akong masabi sa lugar. Maganda ang ambiance, presko, maporma at mukhang magpapaspa ka sa loob. Parang yung mga commercial lang ni Paolo Bediones. Pagdating namin sa pila, biglang may maraming tao na sumunod sa min! Akala namin sila ang mga na-hire na tribo na magpapakulo ng tubig sa malaking malaking palayok na mayroon ding buo buong sibuyas at carrots at ihuhulog kami isa-isa ng nakapiring ang mata. Pero nalaman namin na isang angkan lang pala sila na lalangoy. Nabendisyon kami agad na sa pila pa lang papasok, nako, isang buong barangay sila na nagenrol kung magkano ang mga cottages. Matapos ang mga tatlumpung minutong kalbaryo, nalaman naming kami ang isa sa mga occupant ng 3rd floor. Konti lang naman ang mga steps e. Para kang si Rocky na umaakyat sa Philadelphia National Museum.

Pagpasok namin sa kwarto, ayos, maganda at malalapad ang kama. Kaso nasa labas ang banyo. Masasabing tama lang ang laki kasi hindi na rin kailangan ng kusina, at may terrace naman para pagambayan at kulang na lang ay ring para makapagbasketball ka na. Yung banyo mukha naman syang ok, pero nung naligo ako ay may salagubang bigla sa loob. Hindi ko alam pano nakapsok yun dun. Pero lumalangoy sya sa may shower room. Alam siguro nyang resort ang napuntahan nya at nagbabutterfly pa sya sa may tubig. Malas na lang nya at takot ako sa mga salagubang. Kaya pinasok ko sa kahon ng sabon at tinapon ko sa basurahan na nasa lob ng cabinet sa baba ng sink. Kasama nya ngayon ang madugong... uhm... basta. Yung kung anumang may dugo yun na nakita ko sa basurahan.

Masasabi kong ok talaga yung part ng terrace na yun. Maluwang at presko.May kasama kang mga matanda sa isang part, at isang gang bang group sa kabila. Hindi ko alam kung ano talaga ang gagawin nun pagpatay ng ilaw, pero mukhang enjoy mavideo yun at ibenta sa dating Editor-In-Chief ng school paper ng DHVCAT. Overlooking din ang buong resort, lalo na yung mapunong bahagi nito sa bandang kanan na hihintayin mo na lang dumungaw ang T-Rex at kakain ng mga bata sa pool. Oo ganun kapuno dun. Kaya kahit mataas na ang araw, marami kang makikitang lilim na lugar. Nung entrance pa lang kasi at nakita namin ang mga daanan, hinihintay na lang namin si Pareng Steve Irwin para pakitaan kami ng mga crocodile nya habang me sting ray sya sa dibdib. Mukhang nasa Pampanga ka lang ng isang minuto at nasa Manila Zoo ka na sa susunod. Pero balik tayo sa terrace. May ihawan din sa may far left, at may parang mahogany na bar table sa far, far left pa, na naging magandang taguan namin ni Benjo nung pinaisip namin kay Bernie na sya na lang ang nagiisang tao sa mundo. Pero mamaya pa yan.

Umulan, nagkayayaang magswimming. Lumakas ang ulan, lalong nagkayayaang magswimming. Syempre common sense na kung ano ang ginawa pagkatapos. Nagyosi. Tapos nung tumigil na ang ulan at hindi na nagyayayaang lumangoy e saka kami bumaba. At hindi ganun katagal bumaba. Ambilis lang. Di ko alam bat di na lang nila naisipang gumawa ng slide mula 3rd floor hanggang sa pool.

At ayun na nga, ginawa na namin ang pinakapurpose ng lugar na yon. Lumangoy na kami. Pero bago yon, nagwarm up muna sa soundtrack ng Baywatch. Feel ko ako si Yasmeen Bleeth nung papunta na ko ng pool. Tapos lumusong na kami. Nagbasa ng buhok, nagbasa ng katawan, sumisid (pwera kay Jeff), nagkahabulan, lahat na. Tapos nilakbay na namin ang iba pang mga pool. Mainit, marumi, magrasa na parang pag pinakuluan mo ang spaghetti noodles sa tubig at nilagyan ng konting mantika at may naaapakan pa kaming kung anong bilog sa ilalim ng pool. May slide oo. Pero hindi man mahihilod ang katawan mo sa ikli ng pagpapadausdos mo. At hindi rin sya katulad ng ibang slide na may tubig para tulungan ka pababa. Yung ngayon ipunin mo ang tubig sa shorts mo at kusa kang hahatakin ng espiritu ng pool.

So ayun, pumunta kami sa original na pool. Mas masaya pala dito di hamak kasi may mga nagsusquirt na tubig na mainit. Hindi ko lang alam kung makina yon o may staff talaga sa baba na magkakatabi tapos jumijinggle lang, pero masaya. At may bar dun sa may dulo. Oo, may bar sa swimming pool. Kaso walang bartender. At walang staff na kukuha ng order mo. So hindi rin bar yun. Tambayan lang siguro ng mga pinulikat. May mga upuan din kasi na parang yung niyayakap na umiikot na mushroom sa Takeshi's Castle. Kaya kung sumisid ka at hindi mo alam na may ganun, malamang tulog ka agad. At nung dumilim na, wow! Umilaw ang pool! Parang may kampon ng kadiliman na biglang aangat sa gitna, na ang taste ay disco colors! Parang naintindihan ko na tuloy kung bakit palaging lapit ng gamu gamo sa kandila. Kasi ganun din ako sa ilaw na yun. Hehe... Parang tatanggalin ang saya sa katawan mo. Pero nung pagtingin ko na lang kay Burny ay bigla sya nabackhand ni Runald sa pisngi. Sumaya ulit ang mundo! Hehe..

Dumating ang oras na napagod na kami at kailangan ng umakyat. Watda? Ang aking mga tsinelas! Ninenok ang aking mga tsinelas!!! NASAN ANG TSINELAS KOOOOH??!! Gusto kong halughugin ang buong resort at hanapin ang tsinelas kong binili pa sa Shaw na halagang 150! Langya, humarurot agad sa isip ko na nakatapak akong uuwi kinabukasan. Parang yung mga mangyan na naglilimos para makabili ng... pagkain... Hindi ko alam kung bakit kada birthday ni Jian, may nawawalan ng tsinelas. Ganun din si Runald last year!
Hindi katulad ng mga dating A.S.S. na ako ay nagluluto, ngayon iba na. Naging waiter si Benjo at Jann. Nung dumating na sila, nagkaroon na ng pag-asa na hindi kami mamamatay sa gutom sa resort na yon. At nagkaroon din ng pagasa ang paa ko na hindi kami uuwi ng nakatapak. Nagpabili ako kay Benjo e. Ang cute pa, yellow na beachwalk. Hehe... at kumain na nga kami. Maraming maraming maraming salamt Benjo sa advance mong pabertdey sa min. Sana nga lang si Jian ay nagpabertdey din. Hehe...

Sa pagsisid namin ulit, nagpaturo nang sumisid si Jeff. Ang galing! Hindi sya gumagalaw! Ni hindi siya lumubog. Syempre to the rescue kami. Alam kasi namin na ang purpose nya para magaral ng pagsisid ay mamboso ng mga babae. Bandang huli, sa wakas! "I touched the floor!" sabi nga nya. Sabay pahapyaw kay Benjo ng "I touched the FLOR!!"... at isa pang "the FLOR!!!"

At siyempre, kailan pa ba nawalan ng Inuman Session ang Nice A.S.S.? Marami ring nangyari dito. At ang masaya, recorded ang last parts ng ating kwentuhan. Hehe... at hindi kailanman makikita ng kahit na sino yun! Pero may isang interesanteng pangyayari na navideo. Ito yung nagCR lang si Burny at paglabas nya, kinain na ng mga elyen ang ibang kaCX. Nawala lahat sila. Ano ang masasabi nya? "Mmmmmmm... What da?"""

Matapos ang isa't kalahating bote ng GSM Blue, maraming kaha ng yosi, isang litson manok, labinlimang stick ng barbecue, ilang pirasong hotdog, century tuna, tatlong boteng Pepsi Max, isang super bottle ng Heinz Ketchup (na sigurado akong hindi malungkot ang pritong ulam nina Benjo sa mga susunod na linggo) at kanin na galing sa donasyon, natapos na ang bakasyon. Para kaming si McArthur na naglakad pauwi, na ngayon ay mas magagaan na ang mga bag namin dahil naubos na ang rasyon.

Level of enjoyment? Ayus lang. Typical na parang lumangoy din kami sa Alfredo's. Yun nga lang, iba pa rin pag kumpleto. Mas maraming tumatawa at mas maraming kasama. In short, mas maraming tsibog, mas maraming yosi, mas mura ang babayaran.

Final question, worth bang bumalik sa Villa Antonina para sa mga susunod na outing? Oo!

And that's Xummer 2007.

Monday, May 21, 2007

Are you watching closely?

Piliin mo ang mga kaibigan mo. Hindi lahat sa kanila ay totoo. Madalas ay may gusto lang silang makuha sa'yo. Minsan gusto lang nila malaman ang mga sikreto mo. Wag mong sabihin ang pinakasikreto mo kahit kanino. Pipilitin ka nila at pupurihin, pero kapag bumigay ka na, wala ka nang kwenta sa kanila. Ang sikretong ito ay hindi nakakamangha sa iba. Kung bakit mo ito sinisikreto ay ang kailangan nila.

Pilipin Politiko

I am an amateur. When it comes to creating so many enemies that we need billions of dollars to protect ourselves, I'm an amateur.

When it comes to paying farmers not to grow food while people in this country starve every day, I'm an amateur.

When it comes to creating a drug policy that makes crack and heroin cheaper than asthma and AIDS medicine, I'm an amateur.

But there's nothing wrong with being an amateur.

* * *

How can you help the poor if you never been poor?

How can you stop crime if you don't know no criminals?

How can you make drug policy if you never smoked a chronic?

-Chris Rock's character, Mays Gilliam, from the movie,Head of State

Lahat ng tao gustong mamuhay sa tahimik na lugar. Mapayapa at yung talagang wala ka masyado iisipin at hindi sasakit ang ulo mo sa ingay na hindi naman talaga kailangan at OA na marinig. Wala akong kilalang tao na gusto ito. Maliban kay Former President Cory Aquino, kay James Yap, kay Joey Marquez at Philip Salvador.


Bata pa ko, naririnig ko na ang panlalait ng ama ko sa mga tumatakbong pulitiko sa bansa. ke lokal o sa mataas na posisyon, sigurado, may sasabihin yan. maaga akong naopen sa katotohanan ng mga nanloloko para lalong makapanloko ng tao, at mga taong naloloko para maloko pa lalo. loko no? pero ganun talaga kaloko ang katotohanan.

Isa sa mga napansin ko ngayong mga araw ay pag papalapit na ang araw ng halalan, may nangiistorbo sa mga kantang pinapatugtog sa radyo na ingay mula sa labas ng bahay. mga jingle ng mga gustong magpahalal na pinipilit ang pangalan nila sa mga sikat o sumikat na kanta sa panahon natin. tapos may message pa sa mga lyrics nila tungkol sa pagdurusa ng bayan, na sila ang dapat iboto, na kung ano ano ang magagawa nila para sa bayan at kung anu-ano pang ek-ek. at ang masakit, mas corny ang tono at mas pilit ang lyrics, mas natatandaan natin.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangan pang ipilit na gawing kanta ang kung anong paragraph na ginawa ng inday ng mga humahabol na taong ito. hindi ko kailanman nabasa sa books ko sa sibika at kultura at hekasi na nagpakawala ng mga karwahe si aguinaldo at me korni syang jingle para maboto syang kaunaunahang presidente ng pilipinas. malay ko ba kung me narinig sina bonifacio ng mga ganitong salita sa tono ng bahay kubo:


Aguinaldo
Kahit munti
ang magagawa sa'yo
ay sari-sari...

***

siguro kahit anong gawin ko hindi ako kailanman magiging senador o anu mang pinapaboto sa isang publikong lugar. buong buhay ko, tatlong beses ko lang nakuhang manominate sa mga posisyon na hindi ko naman kailanman pinangarap. dalawang beses akong class president nung college at seargent at arms ako nung high school. pero pag PRO, ewan ko lang kung may PRO na nagpapaboto ngayon, madalas yun. isa akong utusan. kung ilalagay ko ang sarili ko sa isang posisyon ngayon, sigurado pa sa katotohanan, hindi ako maboboto. kasi una, hindi artista ang tatay ko. hindi rin ako artista. hindi artista ang kahit sino sa direct family ko, at hindi ako boksingero. hindi ako singer, hindi ako sikat, hindi ako utuuto sa mga payo ng iba. hindi ako maboboto kasi ginagamit ko ang utak ko. hindi ako maboboto kasi aminado ako na gagamit ako ng pera ng gobyerno sa sarili kong kagustuhan na hindi tulad ng iba ngayon ay sabing hindi raw nila gagawin yun pero alam naman ng lahat na me kasama ng malawakan at sabsabang kurakot ng pera.hindi ako kailanman maboboto ng kahit anong posisyon kasi wala akong pera at alam ko kung mukha akong gago sa litrato ko na gusto nilang gawing poster ko at marunong akong tumanggi kung alam kong mukha akong kriminal sa magiging poster ko. hindi makikinig ang mga tao sa kin kasi, parang si eddie gil, mukha akong utuuto. hindi katulad ng iba na may sariling makeup artist sa tabi nila. wala talaga akong pakialam sa pagmumukha ko kasi hindi ako yung tipo ng tao na naglalagay ng sun screen lotion pag lumalangoy ako at nagbabakasyon. hindi ako yung type na nagaalmusal ng baka o kung ano mang lalampas sa presyo ng allowance ko nung highschool ang kinakain ko. in short, hindi magtitiwala ang tao sa kin kasi katulad ko lang sila, either kalevel ko sa estado ng buhay o mas mababa ako. hindi nila ko iboboto kasi at one point bago ang eleksyon, pareho kami ng iniisip na dapat ang mabotong leader at co-leader ay yung totoong tao, pero pagdating ng eleksyon ay wala ng pakialam kung sino pa ba ang maboto nya. nawawala ang pagkaderetso ng isip pag naloko na ng mabait raw na tao.

Maraming nagrereact sa mga masasamang tao ngayon. itong mayor na to, kung kelan papalapit na ang eleksyon, saka papagawa ang daan. itong barangay captain, hindi pa tapos ang pinapagawang bahay kaya hahabol pa ng isang term, kaya maglilibre ng swimming sa rest house nya sa laguna para makuha nya ang loob ng tao. itong senador na to, nagaklas dati sa gobyerno, me balak pumatay ng tao pero kailangan nating pagkatiwalaan para sa ikauunlad ng gobyerno. itong isang boksingero, nananalo lagi sa laban. marami na syang commercials na pinagmukha syang gago at pinagtawanan na ng marami at walang matinong edukasyon dati, pero dahil mayaman na sya at namigay na ng insurace, iboto na natin kasi marami naman syang advisers para mapaunlad nya ang lugar natin.

Kailan lang kakapintura lang ng pader namin. malaking halaga ang pagpapapintura ng pader sa labas. I swear. gusto kong irecord ang sinabi kong yon at magbato ng mga radyong may speaker sa mga bahay ng mga naglagay ng poster ng nagpapahalal sa pader namin. at kung nahalal man sila, kami pa rin ang maglilinis nun. kasi, uhm... wala akong mahanap na dahilan kung bakit. basta ganun yun. every election ganyan. gagastusan mo ang mga bagay bagay para mapaganda ang bahay mo, ito namang mga taong ito ang magdudumi. nagbayad sila ng barya para maging kulay mukha ni Ping Lacson ang bagong paint naming pader. pero hindi sila binayaran para tanggalin ang mga yun. siguro kung ako ang maboboto gawin ko ng whole body shot o kaya sukatin ko na ang bahay na pagdidikitan ko para makapagpose ako ng nakahiga at isang malaking poster ang nakalagay dun. mas hanep yun e. at least isahan. hindi yung ulit ulit na mukha ko lang. baka kasi may buntis na dumaan at mapagtripan akong paglihian e. pangit mukha ko at ayaw kong mahawa pa ang kung sinong bata sa face na to. baka madiscover pa ng talent manager at gawing bagong kontrabida sa bagong show ni richard gutierrez. at isa pa, kung sakali man nga, pag papapicture ako gusto ko leeg lang makikita sa kin. kasi leeg wala na sila magagawa. pag may ulo, pwede lagyan ng bigote. pwede lagyan ng sungay. pwedeng gawing duling. pwedeng gawing bungal, pwedeng lagyan ng word balloon, pwedeng gawing darth maul, pwedeng gawing praktisan ng tirador at pellet gun. pwedeng ihian, pwedeng dikitan ng kulangot, pwedeng punitin at gawing pangsiga, pwedeng maging basehan ng baklang nagtatrabaho sa salon ang buhok ko, at pwedeng ipamulot ng tae ng aso ang loose na poster ng mukha ko. masyadong precious ang pagmumukha ko para sa kin. hindi ako matutuwa kung makikita ko ang banners ko na binutas ng sigarilyo ang mata ko at nakangiti pa ko na sabit sabit don. ito lang ang reputasyon ko para pagkatiwalaan ako ng tao.

madalas nating marinig ang pangako ng mga humahabol na to sa mga meeting de avance nila. maraming pangako na madalas ay wala tayong nakikitang natutupad. hindi na bago ang mga ganitong issue sa atin. pangako ko, tatanggalin ko ang baha sa bayang ito! pangako ko! wala ng krimen sa barangay natin!! pangako ko!! wala ng droga, wala ng rape, wala ng ek-ek!!! ulul! kung gagawin mo talaga yan, ipakita mo muna na kaya mong gawin. maraming pera ang gobyerno. kung ibebase ito sa equilibrium ng pamahalaan, kalevel dapat natin ang japan sa kaunlaran ngayon. ang kaso, nasimulan ng mabuksan ang pagiisip ng tao sa katotohanan na madaling yumaman at masarap ang buhay pag pumasok ka na sa pagpopolitika. hindi ko sinasabing lahat ng tao sa politiko ganun. oo maraming magrereact kung sinabi kong may politikong malinis ang kamay. meron din nun! kala nyo... wala nga lang sa pilipinas.

ilang barangay captain na ang pinatay sa probinsya namin. bago pa lang mageleksyon may sinabi na ang isang kilala ko na yang mga nabigyan ng pera na barangay captain papatayin kapag hindi nanalo ang nagpaboto. ayan na nga. siguro parte sa kin hindi na nabigla. pero dinaan na nga sa pandaraya, hindi pa nanalo. malaki na ang nawala sa kanya at hindi na sya natatakot gumamit ng karahasan. siya na lang ang bahalang mangatwiran sa paghusga sa kaluluwa niya.

sa pangangampanya nila, sasabihin nila na dapat, wala ng squatter sa bansa. hehe... dito ako napapahalakhak e. siguro dapat muna nilang pagaralan dito ang life cycle ng squatter. o, ngayon ka lang nakarinig ng life cycle ng squatter no? ganito yun, syempre una hahanap ng lote na mapaggagawan ng bahay yan. once nakatirik na ang bahay nyan, simula na!

LIFE CYCLE NG SQUATTER:

25, pagkatapos gumawa ng bahay, gagawa ng anak.
25, pagkapanganak ng asawa, gagawa ulit ng anak.
26, same as above.
26 and nine months, same as above.
27, maiisip nyang malungkot ang buhay nya kaya yayayain ang buong angkan na makishare sa loteng nakita nya.
27 and five months, makikita na nya araw-araw ang lahat ng kamaganak nya
28, gagawa ng anak
29, sawa na sa dami ng toddlers kaya gagawa ulit ng babies.
30, putok na ang atay dahil sa kaiinom. ibebenta si bunso panggamot.
31, irereplace si bunso. gagawa ng bagong bunso.

.. dito na rin ituturo kay junior ang secrets of being a squatter. ito naman ang bagong generation.

LIFE CYCLE OF A SQUATTER - THE NEW AGE:

from birth to 4 years old, tatae, iihi, maglalaro, sasabat sa mga sasakyan. lahat ng activities na yan sa kalye ginagawa.
5, tutulong na sa magulang sa pagtatrabaho. ito na rin ang future nila. kung nagpedicab driver si tatay, pedicab driver si junior. kung naglalaba si nanay, maglalaba si neneng.
7, sasabak na sa pagtatrabaho.
9, manliligaw na.
13-14, magkakaanak na. laging una yan bago kasal. yung iba gastos pa raw ang kasal kaya bahala na.
15, anak na ulit.

..and the saga continues.

dito mo na makikita ang squatters of the new age. ito yung dadaanan mong lugar sa inyo na amoy bareta ng sabon at uu na pinagsama, amoy lupa na pinagtakpan ng tae ng bata, amoy dumi ng kabayo, puro labahan sa labas, may mga palanggana sa daan, may mga tambay na matanda na walang pantaas at may good morning towel na nakaangkla sa leeg. Maraming bata sa daan at nakikipaglaro kay kamatayan at naghahabulan sa harap ng mga dumadaang sasakyan. may mga babaeng hindi mo alam kung ang tingin sayo e masama o galit lang sila sa nangyayari sa kanila. may mga batang dumudumi sa daan, may mga pintura sa pader na hindi ko kailanman maintindihan kung bakit kahit saang lugar ka naroroon, palaging ang mga nakavandal ay parang sinapian ng mga salita ng bisaya. bawal umehi dito, post no bell... maraming drawing na gawa madalas ng pula at itim na spraycans, maraming dumi sa gilid. hindi ko kailanman nagustuhan ang lugar namin ng may squatter. laging pag dumadaan ang pedicab ko sa munting daan na yon, hindi ko mapigil magisip ng kung bakit nandoon pa sila at kung bakit iisa lang ang amoy ng kanilang lugar. oo, alam kong hindi naman talaga nila kayang mabuhay sa katulad ng pamumuhay nating mga middle-class, pero wala rin tayong magagawa. Siguro kung ako ang nawalan ng pera, ganun din siguro ang way of living ko ngayon. ito ang literal na ibig sabihin ng no choice sa buhay. kung alam mong pinagiisipan ka na ng masama ng iba, wala kang magagawa kundi magtengang-kawali dahil ito lang ang paraan para mabuhay ka. Pero hindi naman ibig sabihin nito na kailangan na ring maggive-up ng pamilya mo. Pare, marami nang paaralan ngayon ang nagbibigay ng libreng edukasyon. Oo marami na sa mga batang palaboy ngayon ang nakakapagaral. pero hindi nila tinatapos ang kanilang pagaaral.

kung meron man lang sanang isang paraan para mapaalam sa kanila na ang edukasyon na libreng ibinigay sa kanila ay ang magaangat sa kanilang pamilya sa darating na panahon, sana makita na natin yon. ang hirap, masyado ng maraming bata ang nakikita ang naging buhay ng kanilang mga magulang. bakit nga ba naman sila kailangan magaral kung nakikita nilang kumikita naman kahit paano ang kanilang tatay para mapakain ang kanyang pamilya? bakit nga ba sila magpapagod magaral kung nakikita nilang tamad ang nanay nila at nagmamahjong lang at tongits sa gabi? kung nakayang magtaguyod ng pamilya ang mga magulang nila sa ganoong klaseng pamumuhay, bakit sila kailangan pang magaral kung ang sarili nilang magulang hindi rin nagtapos? ganitong klaseng pagiisip ang mahirap baliktarin sa mga panahon ngayon.

Nung dati na nakita kong nagkaroon ng second floor ang mga squatter sa min, lalong kumulo ang dugo ko. isa ang lolo ko sa mga assistant ng barangay captain non at alam kong wala silang titulo sa lupa na yon. bakit sila nandon? hindi ko alam. basta alam ko meron na lang tao doon na nakatira na kulay brown ang bahay dahil gawa lang sa tagpi tagping kahoy ang mga pader nila. ano na lang ang naramdaman ko nung naging sementado na ang bahay nila. grabe! tapos lumaki na rin ang pamilya nila. naging single lane ang daan sa harap nila, na lalo pang sumikip dahil dun pa nila pinarada ang mga pedicab nila at doon din naglalaba ang mga nanay sa tabing daan, at doon na rin naglalaro at umuuu ang mga bata.


Ang nakatira doon ay naging kaibigan ng tatay ko. nakasama rin namin sya. lampas isang taon na ng makulong sya sa paggamit ng bawal na gamot. ilang beses na rin syang labas-pasok sa selda. everytime lalabas sya, may maganda na syang napasukang trabaho. ang pinakahuli ay janitor sya sa ospital. maganda na ang nakuha nyang hanapbuhay. pag nagtatrabaho sya samin bilang grass cutter o may pinapaayos kami, lagi syang may bonus. pag pasko, tibatiba sya. Hindi ko kailanman maintindihan kung bakit kung sino pa ang higit na nangangailangan ay siya pang nakakahanap ng pera para lalong sirain ang kung ano na ang napaghirapan nya. ngayon ay nakakulong na sya, at hindi na kailanman makakalabas. at sa dating, mukhang alam kong malapit na syang makaexperience ng reunion sa pamilya nya.

sabi nga ng isang kaibigan ko nung nakasama ko siya, ano pa bang expect mo sa mga batang squatter? walang pinagaralan ang magulang, wala silang pinagaralan. natural na ang mga yan na walang modo. oo naiintindihan ko siya. pero isang parte sa kin umaasa na magiba ang mga batang ito. nakabasa ako ng isang article tungkol sa kanila. wala ng ibang ginawa ang magulang nila kundi maganak ng maganak. alam na nila na mahihirapan silang pakainin ang mga anak nila, gagawa pa sila ng isa. sabi nga ng iba, the rich becomes richer, the poor becomes poorer. lahat ng ito ay sa sarili nilang kapakanan. may mga bagay na akong nagawa na hindi ako proud na ginawa ko. pero alam ko kung pano kontrolin ang sarili ko kapag nakaramdam ako ng urge para gawin ulit ang mga ito. kung naghihirap na ang pamilya mo, wag ka ng gumawa ng dahilan para lalong mamatay ang pagasa ng pamilya mo. kapag mayaman ka na, gumawa ka naman ng paraan at magreachout ka sa mga taong pinandidirihan mo. ang mga walang modong batang ito ang magiging kriminal isang araw at papasok sa bahay mo, pagnanakawan ka, papatay ng ilan sa mga kilala mo. kailangan mong maisip yon. mayaman ka na at matanda. alam mo na ang mga priorities mo. simpleng pagtulong mo sa iba ay para mo na ring pinrotektahan ang syang yaman mo.

***

Legacy. Sabi nila dito, 20% lang ng mga pinoy ang mayayaman. bakit kailangan mo mapabilang sa 80% kung pwede ka naman sumali sa kanila sa halagang pwede ka na maginvest ng small business at konting pagpursigi lang ay mapapalaki mo na? dalawang beses na akong nakapunta sa Legacy na ito. papamanghain ka nila sa mga biglang pagbabago sa buhay nila. laging sasabihin na may kotse na sila sa labas, tatanungin ka kung ano pangarap mo at ipapakita sa harap mo kung kailan mo makakamit ang pangarap mo basta lang makapagdala ka ng maraming tao sa lugar nila. tapos, in the end, sasabihin nila na hindi sila pyramiding scam. oo siguro hindi sila scam, pero pyramiding pa rin. yung sa pangalawa ko, muntikan na naman ako maghagilap ng malaking halagang pera para makasali lang. oo, ganun sila kagaling magkumbinsi. sinabi pa nung isa, kakakuha lang nya nung cheke nya na pwede na ko makabili ng isang magandang gundam. tinanong pako kung unang beses ko. sabi ko hinde. sabi nya, kung nagbigay ka na pala dati, kasama na kitang kumukuha ng tseke ngayon. tangnanaman... iba ang naramdaman ko non. sobrang panghihinayang ko non. pero alam ko na dati pa kung pano tumatakbo ang business na to. or at least nagassume ako ng pinakamaiging paraan para iexplain ko sa sarili ko na walang future sa ganyan. magbibigay ka ng malaking halaga, tapos masasama yon sa pondo ng kumpanya. sa dami ng napapasok na tao sa kanila(hindi lang iisang lugar to. me nakita ako ng ganito sa probinsya), marami ring pumapasok na pera. dyan nakukuha ang hati-hati na ibabayad sayo sa bawat tao na napapasok mo. natututo kang magpilit sa iba na ipusta na nila ang pera nila para yumaman sila. hindi ako pumatol sa ganyan kahit alam kong marami akong kaibigan. ngayon, na halos dalawang taon na ang nakalipas mula nung sinabihan ako nung magaling na bat di raw ako nagapply nung unang beses, tinanong ko yung kaibigan ko kung napano na sya. hindi na raw tinuloy. wala raw mapapunta. pati yung boyfriend nya na naging parang reminder sa cellphone ko na text ng text maya't maya tungkol sa pagbigay ko ng pera, hindi na rin tinuloy. pati yung unang nagpapunta sa kin, hindi na rin tinuloy. bakit? kasi hindi ikaw ang habol nila kundi ang pera mo lang. wala naman silang pakialam sayo e. basta makuha na nila yung halagang makakapagpasaya sana sa mga nasalanta ng bagyo, o makapagbigay ng matamis na ngiti sa mga batang nangangailangan ng silid-paaralan. oo alam ko yung ibang nagbabasa nito may masamang reaction sa mga sinabi ko. aware na ko doon. tawagin nyo na kong tanga sa hindi pagsali, pero kaya kong mabili ang lahat ng gusto ko sa sarili kong paraan. kung gusto kong maging parte ng 80%, yun ay aking pagnanais. wala akong pakialam sa 20% dahil sila ang madalas manakawan, madalas mapatay dahil sa kayabangan o pagpapapansin, madalas masira ang buhay dahil sa kung ano anong nabibili ng pera nila, at madalas mawalan ng pamilya dahil nabubulag na sila sa laki ng pera nila. Hindi porke politiko ka, kailangan mo ipangako na yayaman ang mga taong hahawakan mo. kasi hindi importante na mapayaman mo ang mga pamilya. ang importante ay mapamuhay mo ng matiwasay ang mga nakatira sa lugar na hawak mo.

***

kung alam lang talaga ng humahabol na tao ang kailangan ng bansa, siguro alam na ng tao agad na karapat dapat syang mahalal. kung ako ang tatanungin, hindi rin naman kasi ang pera ang problema sa ating bansa. siguro kung ako ang hahabol, una kong aayusin ang transportasyon. oo. transportasyon. isang maliit na bagay na kapag naayos, magkakaroon na ng chain reaction para sa pagangat ng ekonomiya.

sa ngayon, araw-araw akong naguuwian mula sa trabaho ko dito sa maynila hanggang sa bahay ko sa pampanga. araw-araw. oo nakakapagod, pero hindi ako nagrereklamo. ang nirereklamo ko lang ay, sa ngayon, bakit ata nakalahati na ang bilang ng mga bus na pumupunta sa manila? malaking bilang ng tao ang nakikita ko araw-araw na lumuluwas. dalawang linggo ko nang nakitang parang edsa revolution ang sakayan ng bus sa min. hindi lang yon. aabutin ka ng isang oras para lang umabot sa kokonting distansyang byahe.


tumira ako sa olongapo ng isang taon. sa maniwala kayo't sa hindi, hindi ako kailanman nakaranas ng traffic sa lugar na yon. bakit? kasi sa maraming factor na ginawa nila para sa ikauunlad ng bansa nila. alam natin na isang magandang lugar ang olongapo. at kinabiliban ko dito ang kalinisan ng lugar. disiplinado ang tao. walang traffic. color coded ang mga jeep para hindi lang yung mga basta-basta ang masakyan mo. alerto ka lagi sa ginagawa mo. siguro dapat maging ganito na ang bansa natin.

maraming pera ang bansa. alam natin yun. napupunta lang sa mga naluluklok sa posisyon. alam din natin yun. siguro kung ako ang naboto, gagamitin ko ang pera para bigyan ng sweldo ang mga drivers ng jeep at bus. oo. sweldo. gagawin kong inaapplyang trabaho ang pagiging driver. at bukod doon, mayroon din silang libreng rasyon ng gasolina. kaya nating lahat na isagawa to akala nyo. ganun kayaman ang pilipinas kung walang kurakot. anyway, so yun, kung wala ng inaalalang boundary ang mga driver, wala na silang inaalalang pasahero. wala na yung kada kanto titigil at maghihintay ng labinlimang taon para may sumakay na isang tao. at wala na yung kahit isa na lang ang kulang ay ipagpipilitan pang itambay ang sasakyan nya sa mga lugar na maraming sumasakay. nakakacause ng traffic to bossing. at nakakainit lalo ng ulo ng mga pasahero.

lahat ng mga jeep din, kailangan na rin ipagawa. siguro papagawa kong parang bus type ang mga upuan ng mga jeep. para wala na yung pituhan, waluhan, syaman... wala na. para rin mawala na yung mga nakakairitang tuhod na tatama sayo. wala na rin yung mga hipokritong nakaharang ang tuhod o paa tapos parang walang ibang nakasakay o sasakay sa sinasakyan nila. at may rules na rin akong ipapatupad na hangga't hindi ka pinara ng pasahero, wag kang titigil sa tabi ng daan. at dapat, ito hindi lang mga drivers ang sakop, wag basta basta bumababa sa kahit aling lugar. may mga puj stops. gamitin natin. yung iba kasing abusado, iilang hakbang na lang talaga, papara pa ulit. sigurado nakaexperience ka na nito. yung may pumarang isang tao, after a few feet, papara ang isa. di bale sana kung matanda sya o disabled. pero yung mga tipong matibay pa kay swaseneger, nakakairita na.

isa pang nakakairita yung mrt. oo mabilis na transportation, pero grabe ring makapagpainit ng ulo. bakit ba everytime nasa north avenue station ka, minsan lalampas ang isa o dalawang tren? overheated? hindi siguro. kasi sa taft station hindi ganyan. nasa gitna ang babaan at may choice ka lagi ng sasakya. hindi yung iipunin muna nila ang daan daang tao sa station tapos hahayaang magsiksikan sa loob. hindi lang tatatlo ang stasyon ng tren mga tsong. may mga naghihintay din sa kabila. kung tuluy-tuloy ang production nyo at wala ng hintayan pa, mas giginhawa din ang pakiramdam naming mga pasahero.

Ang transportasyon ang magiging factor ng pagangat. wala ng malelate na empleyado, wala ng magmamadaling makipagsiksikan pa sa lahat ng sakayan. mas gagaan ang loob ng tao at hindi mababawas ang sipag nila sa pagtatrabaho. ganun kalaki ang epekto ng magaang transportasyon. walang problema sa flyovers. kung ano man ang magpapadali ng ating pagunlad, gawin natin. Wala tayong marereklamo kung sasabihin nating masikip sa mata. maliit ang bansa natin kumpara sa america. maliit ang bansa natin kumpara sa japan. kung may mga higanteng nakatira sa mga kontinente, sala nila ang america, kusina ang africa, masters bedroom nila ang russia at bakuran nila ang china. ang pilipinas ay simpleng palaisdaan lamang ng mga alaga nilang pandaca pigmea. ito ang napagkaloob sa tin. kung hindi natin susulitin at uunahin natin ang sarili, wala talagang mangyayaring maganda.

baha. sino ba naman ang hindi pa nakaranas nito? siguro yung mga taong nagtatanim ng kamoteng kahoy noong panahon ng paggawa ng banawe rice terraces naranasan din ito. syempre ano pa ba ang pinakasasabihin ng mga tao kung bakit nangyayari to? e kasi puno na ng basura ang mga kanal. e kasi kulang ang espasyo para palalimin pa ang kanal. e kasi teacher, yung mga puno po pinuputol ng mga bad people tapos wala ng pong sisipsip sa tubig-ulan na bumubuhos.. lahat ng ito ay katotohanan. at lahat ng ito ay gawa ng tao. kung gawa ito ng tao, may paraan din para madivert ito. bakit hindi natin palakihin ang mga kanal? as in yung parang pwedeng magkaroon ng mall ang mga daga? para magkaroon din ng space para dumaloy ng maayos ang tubig. takpan lang ng maayos. magkaroon tayo ng live sewage system. dito na rin iroute ang mga kuryente at iba pang lines natin para walang naaapektuhan tuwing bumabagyo. gumawa ng mga paraan para dumaloy ulit ang mga stagnant water systems natin. may ilog kami sa probinsya. krudo na ang laman. dito na yata kumukuha ng pera ang bansa para makipagtrade sa iba pang bansa. promise! sa sobrang itim maiisip mo ito yung lumalabas dun sa paghuhukay nina bruce willis sa pelikulang armageddon. ganun kaitim. at isipin mo na lang pag malakas ang ulan. hindi na nga umaagos, aapaw pa at maapakan mo. sakit, sakit at maraming sakit pa ang mararanasan. pwede ring ikamatay. kung ibabacktrack mo, maaari mong sabihing, "Uy, namatay ang kapitbahay namin kasi sa balat ng kendi." Maraming pera ang gobyerno. napupunta lang sa maling lugar. nahahawakan lang ng maling kamay.

tag-ulan na. dadami na naman ang lamok nito. makikita mo na naman si mel tiangco na magbibigay ng warning sa publiko na wag magiwan ng mga bagay na makakaipon ng tubig-ulan at pwedeng pagitlugan ng lamok. tapos isang araw sa susunod na linggo papakita na ang toll ng mga namamatay sa iba't ibang sakit. tignan mo nga naman. ang telebisyon ay isa sa mga pinagtutuunang pansin ng mga tao ke mayaman o mahirap. at maganda ang lubusang pagpapahayag ng mga balitang ganito. may warning sa nagbabantang pagmulan ng gastos. anong ginagawa natin? hihintayin lang natin na magkakaroon ng sakit ang isa sa mga kasama natin para matauhan lang tayo. ganyan ba talaga dapat lagi? oo may mga bagay sa loob ng bahay. nandyan si pareng raid at baygon. nandyan din si katol at kulambo. sila ang spada at shield natin laban sa gastos sa ospital at gamot. sa tinagal tagal ng panahon, pilit silang gumagawa ng paraan para maprotektahan ang bahay natin. syempre lalo na yung mga nakatira dito. matagal na panahon na mula ng gumagamit ang mga tao nung bilog na dark brown tapos sasaksakan mo ng green at blue na bala na mukhang v-fresh. kontra ipis. nandyan na rin ang mga ilaw at spray kontra lamok. marami na naimbento. lagi tayong bumibili ng mga bagay na to. pero simple lang ang sinasabi ni mel tiangco. wag tayong magiwan ng mga bagay na pwedeng pagitlugan ng mga lamok. isang simpleng bagay na hindi natin lahat ginagawa. nandyan na ang mga simpleng bagay na makakapagbago sa mundo natin pero hindi tayo aware sa mga ito dahil diverted ang mga atensyon natin sa mga bagay na sa tingin natin ay mas importante.

***

isa pa sigurong makakatulong sa tin ngayon ay ang isa pang business center katulad ng cubao. hindi ko sinabing panibagong business center. ibig kong sabihin ay magpalaki na ng mga lugar na kahit lumuwas ang mga taga-manila sa cebu ay hindi sila manghihiyang. hindi yung lahat na lang ng tao sa bansa naghahanap ng trabaho locally sa manila. maraming lugar dito ang pwedeng pagtayuan ng mga offices. gamitin natin. wag nating ibigay sa squatters. bigyan natin ng mapagtatrabahuhan ang mga squatters at sa gabi ay mayroon silang center na mapagtutulugan. kaya nating gawin to. walang masama sa pagtutulungan. nasa pride lang naman ng tao na magtrabaho na may kasamang mga tao na hindi sa level ng pamumuhay nya. pero kaya namang maovercome ang ganyan. wag sanang makitid ang pagiisip natin. kung gusto nating umangat, matagal nang nasa ating mga kamay ang kapangyarihan para magawa ito.

hindi na natin kailangan ng panibagong rizal, bonifacio o superman. hindi natin kailangan ng mga pangako ng mga nagpopolitiko para lang sila na ang makakuha ng pera ng mamamayan. sabi nga ni V, hindi dapat matakot ang tao sa sarili niyang gobyerno. ang gobyerno ang dapat matakot sa mamamayan nito. buksan natin ang ating isipan. hindi tayo utu-uto para pabayaan lang nating mamuhay tayo sa kahirapan. nasa kamay mo na ang pagbabago, wag mo nang punuin pa ng ibang bagay ang kamay mo. makakamit mo rin ito isang araw. hindi lang isang gabi ang pagbabago. pero mas madali itong makakamit kapag nagtulungan ang lahat ng katulad mo.

Sunday, May 20, 2007

Mga Bagay Na Masasabi Ko Sa Buhay

Oras na rin siguro para makagawa ako ng isang article na tulad nito. may mga oras na rin kasi na iniisip ko, nasaan na kaya ang mga kaibigan ko? oo yung iba alam ko kung san napadpad, pero yung iba, na alam kong hindi man ako kilala na, iniisip ko rin saan na sila dinala ng buhay.

This week lang, nakachat ko ang isa kong barkada nung gradeschool at nakuha naming magreminisce sa mga nangyari nung mga totoy pa kami. At nalaman kong nuknukan pala 'ko ng kagaguhan nun. bata pa lang ako, mahilig na ang lahat ng klase ng panghampas sa akin- ratan, sinturon, tsinelas, sapatos, sapatos na may takong, sapatos na ineendorse ni jordan, patpat, kamay, handle ng walis tingting na may hawakan, walis tingting mismo, tambo, dustpan... lahat na naranasan ko. ganun ako kalikot noong bata ako. at pwit pa lang ang target ng mga yon. wala pa ang ibang parte ng katawan.

Halos lahat na ng mga kilala ko, nakagraduate na. yung iba, registered nurse na, yung iba kukuha pa lang. may ibang nagtatrabaho na sa malalaking kumpanya, yung iba, magrereview pa lang para sa engineering. may ibang, tulad ko, e napadpad ng medyo tagilid sa course na kinuha nila nung college, may iba rin naman na marunong nang magpalit ng lampin at magpadede. may gustong mag-aral ulit, may ibang nasa ibang bansa na, may ibang nakaranas nang mag-ibang bansa at ibang nakaranas kung pano madeport. sa panahong ito, halos lahat na ng mga nakasama ko nung nag-aaral pa ko, nag-uumpisa ng isipin kung ano ba kami nung bata pa kami. sigurado at tumpak, mamimis nyan ang bakasyon pag summer at sem break, lalo na pag pasko. yung tipong, hihilata ka lang maghapon, manonood ng tv, magliliwaliw sa mall, magsuswimming ng barkada... tipong magrerelax lang magdamag matapos ang halos ilang buwang pagpipirmi ng utak sa mga pahina ng libro at notebook at mga papel na sinasagutan at iba iba pang mga problemang dulot ng edukasyon. mga problemang lahat ng taong naging estudyante ay dinaranas every schoolyear na nagdaraan. mga problemang automatic at obligadong maexperience ng bawat estudyante. tulad ng pagkuha ng upuan at table sa canteen.

MGA BAGAY NA MASASABI KO NUNG GRADESCHOOL

kailangan talagang magaral ng lahat ng tao. tinuturuan pa tayo ng time management ng ilang teachers para wag raw tayo mawalan ng interes sa pagaaral pag naglalaro tayo o gumagawa ng ibang bagay. hindi ko kailanman sinunod ang sinabi nila. nung grade 4 ako at sa library kami nagkaklase nung nagkalahar samin, pinagawa kami ng table ng time management sa isang one whole sheet of paper. wala akong maisulat kasi alam ko, mapapahiya lang ako sa discussion namin. isipin mo, kung gagawa man ako ng time frame ng isang araw ko, ganito siguro yun:

TIME FRAME NG ISANG ARAW:

AM

5.30 Wake Up
5.31 Sleep again
5.42 Sleep while being hurt by mom's pinch
5.43 Take a bath
5.45 Wear my uniform
5.50 Eat my breakfast
6.00 Wait for my service
7.53 Ride my service
8.19 Apologize for being late (Good Morning teacher, good morning classmates! I'm sorry for being late! *bow*)
12.00 PM Go home.

ngayon, sa isang natural na magaaral, matutulog sya at magaaral na pagkagising o matapos magmeryenda, o meron din na iba ay maglalaro at manonood muna ng TV at magaaral bago matulog. pero kung itutuloy ko man ang schedule ko, ganito na siguro yun:

12.30 Eat lunch
1.00 Watch TV/ Drawing (whichever comes first)
2.00 Watch Mara Clara
3.00 Watch FLAMES
4.30 Watch Ang TV (Idol si Paolo Contis)
5.00 Play outside
6.00 Watch Eye to Eye (Saranghameda, Bo)
6.30 Eat dinner
7.00 Take a bath (Bawi dahil 2 minutes lang naligo nung umaga)
7.30 Watch Captain Planet
8.00 Watch Quantum Leap/ Outer Limits
8.30 Watch McGyver/ Thunder in Paradise
9.30 Watch Simpsons/ Twighlight Zone
9.45 Sleep

pag bakasyon, palitan mo lang ng pagsunod ng utos ng magulang, panonood ng mighty mouse at woodywood pecker, paglalaro sa labas at paghuhukay ng kahit ano sa may likod bahay ang oras ng pasok ko. makulay ang araw ko no? hehe... kaya nga kahit anong premyo ang iaalay sa kin ng nanay ko, hinding hindi ako umaabot kahit top 20 lang ng klase ko. pwera na lang nung highschool. rank 7 ako lagi. kaso 4th section.

problema lagi sa bahay pagkabalik ng papel ko at hindi pasado ang grado ko. laging pinapaskil ng nanay ko ang pad papers namin ng kuya ko pag bagsak ang grado. yun ang mga pinakaunang posters na nakadikit sa dingding namin. mga gradong hindi umabot sa 80+. proud naman kami kahit papano at kahit hindi kailangan. kasi sa gabi ipapractice naman namin ang pagsusulat para hindi mukhang kinalkal ng manok ang sulat namin. at Bible ang sinusulat namin. ganun kami katindi nagtraning.

minsan nang ipinatawag ang mama ko dahil sa isang kalokohang ginawa ko. yung teacher ko nung grade 3 ako, si Ms. Sicat, nagchecheck kasi ng lecture yon. depende sa nasulat mo, bibigyan ka nya ng VG, G, at Inc. sa nalecture mo. at lagi yon! e kaso ako hindi naglelecture talaga. nung sinabi nya na kailangan ng parent's signature sa end ng 4th quarter para sa lecture sa notebook, nagpanic ako. takot ako sa magulang ko e. ang ginawa ko, bumili ako ng red ballpen na panda at ginaya ko ang sulat nya na VG sa notebook ng kuya ko noong grade 3 pa ang kuya ko. nagaya ko nung mga unang parte. kaso nakakasawa palang maglagay ng VG sa lahat ng pages. ganun ang balak ko kasi, pag may VG na, saka ako maglelecture. e nung natapos ko na ang notebook ko sa kakaVG, nangalay na ang kamay ko. hindi na ko nakapaglecture. kinabukasan, akala ko hindi pa kukunin ang mga notebook. lintek, one to one pa ang interview! ako naman kopya ng kopya! tapos nung ako na, nakarami ako ng sulat since R-Rivera pa ko. salamat sa nakaimbento ng alphabetical system. sa dami ng nasulat ko (2 pages), wala na akong choice. mabilisan kong finlip ang mga pahina ng notebook ko para mapakita ang mga VG ngunit alam na ata ni Ms. Sicat ang ginawa ko. bigla nyang inopen mula sa likod at tinanong ako kung ano yung mga VG na nakasulat sa blankong pahina. at hindi raw nya sulat yon! malaki kasing maglagay ng VG si Ms. Sicat. Sinlaki lang ng diyes sentimos ang VG ko. at hindi red panda ballpen ang gamit nya, red pilot sign pen. at ang kapal raw ng mukha ko na VG pa ang nilagay ko. sabagay, hanggang G lang ang nakukuha ko sa kanya. so ayun, pinatawag nga ang magulang ko. wag nyo ng alamin kung ano ang ginawa sa kin ng nanay ko.

isa pang masayang pangyayari kay Ms. Sicat e nung minsang sinabi niyang pupunta sya sa Principal's Office dahil may teacher's meeting daw sila. "Sleep!" ang sinasabi nya para ilapat namin ang ulo namin sa mesa at matutulog, o magkukunwaring matulog. ginagawa nya to pag may bisita sya o kung may pupuntahan para wag kaming magingay at kami naman ay parang sundalo na kahit kumakain ka o tumatae e susundan mo ang opisyal mo. pagalis nya, ayun! tumayo na kaming mga lalake at nagkayayaang magtaguan. hindi ko na matandaan kung sino ang taya non, pero alam ko kung saan ako nagtago. may mga pinagawang cabinet kasi non sa likod ng kwarto para maiwasang maalikabukan ang mga electric fan. at since nakalabas ang mga electric fan at gamit ng buong klase, dun ako nagtago. fool proof plan ang nasa isip ko! sino ba ang magaakala na may magtatago doon. pagpasok ko, madilim pala sa loob ng cabinet. at walang siwang na pagpapasukan ng hangin. tinipid ko na lang ang oxygen na present sa mumunting bartolina na pinasok ko. ngingiti ngiti ako nung una, at puro vibrations lang ng tunog ang naririnig ko sa loob kasi walang mapagpapasukan ng tunog ang lugar na yon. ang ngiti ko, umabot sa pagkairita. oo masyado ako magaling magtago. hindi pa nila ako nahahanap. pero may ideya na namang pumasok sa mumunting sabitan ng pituitary gland ko. at yun ay bubulagain ko ang mga kaklase ko. astig! para isipin nila, o nga no? pwede pala doon magtago. so yun! isa, dalawa... at biglang may nagbukas ng cabinet. ngiti ako siyempre at sa wakas ay nahanap nila kung saan ako. tapos, si Ms. Sicat na pala. naka puting damit at may pulang kwelyo. magaling pala sa taguan si Ms. Sicat...

iba naman ang problema ng tatay ko. ang tatay ko naman, pihikan sa papel ng notebook. lagi nyang tinitignan kung may mga nilecture nga ba kami. ako ang madalas nyang pagbuntungan ng init ng ulo nun kasi mahilig na ako sa art dati pa. laging may nakadrawing na batman at spider-man ang mga pahina ng notebook ko. at ang paghuhusga ng tatay ko ay kakainin ko ang pahina ng notebook ko na may drawing. ginawa ko minsan yun nung dinrawing ko ang megazord sa dalawang pahina ng notebook ko. kasi malaki sya, dalawang pahina agad ang sinubo ko. lasang tuyong balat ng mansanas na may tinta ng blue ballpen(kahit na iisa lang ang lasa ng tinta). tapos hindi lang don natapos ang parusa ko. habang nasa bibig ko ang papel, pinabili pa ko ng dalawang phillip morris. tapos wag ko raw tangkaing tanggalin ang mga papel dahil kilala nya ang nagtitinda (si Aling Alma) at tatanungin kung tinanggal daw ba ang papel sa bibig ko nung bumili ako. ayun tuloy, napagkamalan pa kong gagu ni Aling Alma at hirap na hirap akong bigkasin ang "Pabili po ng dalwang Phillip" sa harap nya. subukan mo. kung hindi ka nahirapan, explain mo sa kin ang ginawa mo. kaya nga iniisip ko kung ano pa ang gagawin ng tatay ko nung college ako. kasi puro drawing na talaga ang notebook ko. Fine arts kasi ang kinuha ko. pero buti na lang hindi na sya nagyoyosi nun. kundi ako lang ang kaisa isang college student na kumakain ng papel.

MGA BAGAY NA MASASABI KO PAG SUMMER VACATION

Isang pinakahihintay ng isang estudyante ang summer vacation. wala ka ng gagawin. maglalaro at gagawa ka lang ng gastos ng halos dalawang buwan. nung dati at wala pang Playstation o PC games na mapagbubuhusan ng oras, at wala pang mall na malilibutan, inuubos ko lang ang oras ko sa bahay. pag walang maganda sa TV (hindi pa uso ang cable noon), hahanap ka na lang ng makakain o maiinom na tamang makakapagpalamig sayo. pag summer vacation na at may buko sa ref, gagawing juice. may melon, gagawing juice. yung mangga at avocado, masarap gawing shake. pag may yelo, gumawa ng halohalo at mais con hielo. kahit hindi na durugin ang yelo makakain lang ng malamig. natatandaan ko nun yung pinsan ko na hinambalos lang ang yelo sa pader at kahit malalaki ang chunks ng yelo na nakuha nya, nilagay nya pa rin dun sa halohalo na ginawa nya. hindi ko na tinanong kung ano pa ang sangkap non. basta painom inom sya ng ilang sabaw at sinisipsip ang yelo. kailangan talaga natin ng lamig kapag summer na. mahirap na magpabook sa resort pag biglaang lakad. syempre ayaw naman ng mga kasama mo na lumangoy pag may araw. magkukulay mandaragat sila. kaya dapat seryosong night swimming ang maganap para naman sulit na may inuman at kwentuhan pa sa gabi. yun nga lang, kailangan na magpakabait at maging butihin kang anak. kasi kung wala ka namang trabaho at wala kang ipon, o kung may ipon ka naman, ayaw mo naman galawin, kailangan ka rin humingi ng pangouting mo. pero once na pinayagan ka na, iisipin mo na lahat ng posibleng mangyari sa outing nyo. sigurado mangingisay ang pisngi mo sa kakatawa. sigurado matatakam ang dila mo sa pagkain na nandon. siguradong sasakit ang vocal chords mo sa kakakanta, ke videoke man o magic sing, o kung wala, gitara. kung wla, palakpak na lang. sumabay na lang sa beat. parang bata na nangaaliw.

sa swimming na ganito minsan nagkakaayos ang mga kaibigang nag-away, nagkatampuhan, nagkasapakan, nagkabasagan ng siko. minsan pinagmumulan din ito ng away, pero madalang lang yon. may mga barkada naman kasi na aawat e. kaya magkakabati rin kayo. kaya nga mas malaki ang ratio nung una ko sinabi. kasi nga magkakabati rin kayo. dito rin namumukadkad ang mga relasyong hindi natin aakalain. magkakatuluyan, dahil sa outing. minsan magkakababy pa.

naaalala ko yung unang swimming na nakasama ko ang mga kaibigan ko sa school. closing party namin yun ng grade 6. excited ako nun. yun kasi ang unang swimming na lalangoy ako ng di ko kasama ang mga magulang at mga kapatid ko. nung pumayag ang mama ko, talon ako. parang 1980's na pelikula. yung magpopause pa ko sa hangin na nakataas ang isang kamay, ala mario, kasi ganun ako kasaya. tapos agad agad akong umakyat sa kwarto para magbaon ng isang brip at shorts na pagsuswimingan ko. nagdala ako ng extrang shorts. boyscout ako e.

binilang ko ang mga araw at ng dumating na, yes! ready!! oo, medyo nagbilang din ako ng panahon at hindi ko binalik yung brip at shorts na kinuha ko sa cabinet. pero dumating na rin to! tapos, ayun, may pool nga. agad naman kaming lumusong ng mga kabarkada ko. medyo lumalayo ako sa adviser ko noon kasi hindi naman talaga ako kursunada non e. sabit lang kasi ako sa section namin. madalas pa syang kumain ng barbeque na kahit sa pool meron syang hawak. baka kasi manundot ng barbeque stick e. masakit ang matusok habang nasa tubig ka. dun rin ako nagpasikat sa mga barkada at mga kaklase ko ng mga moves ko. oo may moves ako sa swimming dati pa. yung ilulubog ko ang ulo ko tapos lulutang ako na parang nalunod. likod lang ang makikita. hindi ko alam kung may pumansin sa kin. ok na ang ganon, kesa sa malaman kong alam nga nila, pinapanood lang akong lulutang lutang don at walang balak tulungan ako. at least pag inisip kong hindi ako napansin, alam kong labs nila ako. yung isa pang move, yung tatambling ako sa ilalim ng tubig. proud ako nun sa naimbento kong style. kaso masakit sa tenga kasi papasukan ng tubig. e syempre bilib sayo ang mga kaklase mo, ulitin mo na di ba? ayun. nalunod lahat ng buhay na bagay sa tenga ko. kung meron man. dapat pinapatent ko ang style na yon kasi nakita ko sa pelikulang Muro-Ami. ginaya na pala ang style ko.

paguwi ko nun, iba na ang kulay ko. kulay kamoteng kahoy na. alam kong nangitim na ko nagsuswimming pa lang ako kasi mahapdi na ang mukha ko.pero ininda ko lang kasi nageenjoy ako. nasa isip ko nun na ayoko na mawalay sa barkada ko kasi halos anim na taon ko rin silang nakasama. pero wala na akong magagawa. nakuha naming naggraduate at wala man sa isang dosena ang nakasama ko sa high school. ok lang yon. parte yan ng buhay.


MGA BAGAY NA MASASABI KO NUNG HIGHSCHOOL

sa high school naman, dito na magtatagpo ang iba't ibang porma ng utak. kung sa gradeschool, halos pambata pa ang gusto, at labanan lang ng talino at pagpapapansin sa teacher, sa high school iba na. pagwapuhan, pagandahan, pabanguhan... saka pa lang ang talino. iba na kasi ang pagiisip dito e. ito na yung time na, uy, dito nagkakilala ang magulang ko sa edad na to. o kaya, uy, nabasa ko ang kwentong ito sa Sweet Valley High, baka mangyari rin sa kin. o kaya ulit, uy! napanood ko na sa FLAMES ito. ito yung part na... mga ganun. in short, nagmamature na tayo. nawawala na ang interes natin sa paglalaro ng sipa, pagpipiko, pagchachinese garter at iba pa. Dito ka na rin kasi magiging aware sa sarili mo. pakshet may taghiyawat ako! o kaya, damn, iba ata ang amoy ng kili kili ko... magiging open ka na sa mga bagay na hindi mo man inisip nung bata ka pa at amoy tipaklong at talahib ka paguwi mo ng bahay. iba ako nung naghigh school ako. dito ko naisipang ibalance ang pagkatao ko at pag-aaral. iba nga lang ang balance sa akin. inuna ko pa rin ang natural kong pagkasiraulo kesa sa magrereview ako paguwi. hindi ko talaga masasabing inunahan ako ng impluwensya ng barkada para maging ganun ako nung highschool. kasi saka ko na lang nakasama ang mga barkada ko ngayon. mga unang parts kasi ng highschool ko, kasama ko ang future valedictorian, salutatorian at mga sumunod pa. so masasabi kong natural talaga akong gago.

Pareho pa rin ang buhay ko nung gradeschool. pagkauwi, manonood ng TV. tapos maghahanap ng magagawa sa labas. may iba nga lang na naupgrade sa pamumuhay ko sa HighSchool. Sa ngayon ay may tambay muna bago umuwi. either kwentuhan o kakain habang nagkukuwentuhan. Dito ko na inaraw araw ang pagkain ng fishball at kwekwek at chicken balls. Dito na rin ako nakakita ng hotdog na kasama sa binebenta ng magpipisbols. dati kasi fishball lang talaga. tapos nagkaroon ng kikiam. at dati piso mo lang apat na ang fishballs mo. ngayon piso mo iisang subo lang at mabibitin ka na ng sobra. Pero ngayon, wais na ko. hindi ako araw-araw katulad ng isang bata na masunurin sa halaga ng nagtitinda. ngayon medyo dinedehado ko na ang magfifishball. pati yung suki kong nagtitinda ng chickenball nakatikim rin sa kin ng panggagantso ko sa presyo. tayong lahat alam natin to. yung kakain ka ng kakain tapos kalahati lang ang babayaran mo. kung ang ilan, gagawin lang to pag nakarami na, ako madalas. as in. minsan masama na ang tingin sa kin nung suki ko. isipin mo yon. suki. masama ang tingin sa kin.

Sa panahong naghighschool ako, dito na nagumpisang sobrang maadik ang kabataan sa anime. so masasabi kong ang genre ng high school namin ay anime. naloko ako sa panonood ng Gundam Wing non. kaya hindi ko binabasa ang mga kuwaderno ko at pinupuno ko lang sila ng mga drawing ng gundams. Pero ito rin naman ang nakapagpaayos sa kin sa pagaaral ko. Labo no? pero totoo ito. bakit? kasi nung minsang pumunta kami ng mama ko sa megamall, nakakita ako ng malaking scale model kit ng paborito kong gundam. may kamahalan, parang nagpakain ka ng dalawampung tao sa Pizza Hut. pero pinangako ko na na aayusin ko ang pagaaral ko kung bibilhan ako non. syempre oo napagbigyan ako. at nagkaroon ako ng una kong model kit. isang Gundam Deathscythe Hell. Sobrang natuwa ako at napaghusayan ko na ang aking pagaaral. sabi ko sa sarili ko tama na ang isang gundam kasi maporma na ang kung anong meron ako at marami na maiinggit sa kin. at tama na dapat ang luho ko kasi nahihiya ako sa mama ko. parang kinailangan ko pa ng kundisyon para magayos ako. pinangako ko sa sarili ko na pagkatapos ng gundam na yon, wala na. to date, labinlima na ang gundam ko. lahat malalaki. pano nangyari yon? minsan mahirap sumunod sa sarili.

Sabi ng mama ko, sa highschool ko na malamang makikilala ang mga kaibigan ko hanggang sa tumanda ako. Masasabi kong totoo nga yon. kasi pag sinabi mong kaibigan, isa sila sa mga unang maiisip mo. siguro dahil dito ang age na maoopen na ang isip natin sa mga bagay na masasabi nating katotohanan. kumbaga dito na tayo magkakaisip. sila na ang makikilala natin sa time na maoopen na tayo sa totoong buhay. kaya masaya ako na ang mga barkada ko ngayon ay mga flip. flip na may saysay kasama.

Nung unang araw ko sa highschool, wala akong kilala. Sobrang nababato ako kasi wala akong makausap kasi nandun ako sa may dulo. Yung mga kilala ko na galing sa gradeschool ayaw ako tabihan. O kaya kasi may ibang mga nakaupo na. Huli rin kasi akong dumating non. Nung dumating ang adviser namin, na unang nakilala ko nung orientation pa, inilagay na kami sa alphabetical order na may combo pa ng parang snake figure para salit-salit pa rin. Nakatabi kong una si Ronald. Seryosong tao to a... Sabi ko. Sinubukan ko kausapin pero laging ilad ang mga sagot. Hindi ko makakasundo ang taong ito. Sinubukan ko kausapin ang katabi nya. Nasa harap ako kaya wala akong choice kundi subukang makipagkaibigan sa mga taong hindi ko kilala. Si Harvy Joy yung isang kinausap ko. Sus... mukhang walang alam. Walang kwenta ang taong ito sa talino ko. Pero kinausap ko pa rin. Mahina na nga mag-isip ang tao papabayaan ko na lang bang walang kausap? Syempre hindi.

Dumating ang oras na ipapakilala namin ang sarili namin sa harap ng buong klase. Dahil nandun ako sa pinakahuling row, isa ako sa mga huling tumayo. May mga hinintay talaga akong talambuhay, usually babae dahil syempre, bata pa ko nun at interesado ako. Hehe... pero nung ako na, hindi ko alam kung bakit, pero sinabi ko yung linya ni Eddie Murphy sa Coming To America na "When you think of garbage, you think of me!" Siguro gusto ko lang talaga makakuha ng tawa. Me nakuha naman ako ng konti. Siguro dahil unang section to, oo, napunta ako sa unang section, hindi sila masyadong interesado sa mga nagpapatawa sa klase. Ayus na ko siguro dito.

Nung nagpakilala na ulit yung adviser namin, si Ms. Sagmit, napangiti ako sa apelyido nya. Sagmit... Rivera! Isagmit mo na ang project mo... Natawa ako kasi ang korni ko magisip nung oras na yun. Pero ingglish teacher pala namin sya. So magaling sya sa speech, phonetics at transitive verbs. I should really learn some foreign language from this beautiful lady, I said to myself. Or else I'm gonna get hit in the buttocks by my father. I mean, it's only ingglish and I can't even pass the subject. I wonder if I will learn anything about foreign languages... Oh well, it's not like I'm going to another country anyway...

Masaya ang unang taon sa high school. Ang susunod na kwento ay ilang beses ng narinig ng mga kaibigan ko, at ilang beses ng nakwento ng maraming tao. Pero for your comfort, ikukwento ko na ulit. Ito ang kwento na adventure ko sa Guidance Office kasama ang mga barkada ko.

Nung may natanggal na mga estudyante sa section namin dahil sobra daw kami sa bilang, may nadagdag naman. Si James Carl. Hindi ko naman siya pinansin dati kasi mukhang ok naman. Narearrange kami ulit kasi nga may mga natanggal. Ngayon malapit sa kin ang mga taong alam kong hindi ko makakabarkada kahit kailan kasi hindi pareho ang vibes namin. Si Ron at si Benjo. Lalo na yung Benjo!! Hindi ko maimagine na magiging kaibigan ko yun! Anyway, ayun, kinausap ko pa rin. Hehe.. tapos nung nandun kami sa class ni Mr. Manuntag, na naging teacher pa ng tito ko at ng tatay ko, at ng kuya ko at ng kapatid ko ring bunso eventually, bilang assignment ay pinagdala kami ng basahan kasi nasa jungle part kami ng paaralan at kailangan namin ng panlinis. Dahil sobrang class-a student ako, alam nyo na. Hindi ako nagdala at nagpawis ako ng walang tigil kinabukasan. Naghingi ako kay Benjo na tapete ata ng mesa nila ang dinala nya kasi anlaki! Masaya ako. Meron akong malinis, maputi at soft na basahan na ready na ibigay kay Mr. Manuntag. Ngayon itong si James Carl, sa hindi ko maintindihang pangyayari, hiniram ang basahan kong malinis, maputi at soft. At ako naman, sa hindi ko rin maintindihang pangyayari, ay ibinigay ko. Wrong choice man. Kasi nakita ko na lang na pinamunas nya ng sapatos nya ang basahan kong malinis, maputi at soft. Nainis ako to the nth power! Hindi na ko nagsayang ng oras at hinablot ko ang aking malinis, maputi at soft na basahan sa kamay nya. Hindi na ito malinis, maputi at soft tulad ng dati. Kulay basahan na ng sapatero na ipinambalot sa morkon na may uling. Wala na akong oras para humingi pa sa iba dahil tapos na ang morning prayer namin. At agad hiningi ang mga basahan!! Kinabahan na ako at nagpawis kasi hindi ko matanggap na magpapasa ako ng basahan ng sapatero na ipinambalot sa morkon na may uling. At wala akong panyo!!! Hindi ko maisip na ipampupunas ko sa mukha ko ang basahan ng sapatero na ipinambalot sa morkon na may uling! Tapos, ayun na, tinawag na kami isa-isa. Nung ako na, inilahad ko kay Ginoong Manuntag ang aking basahan ng sapatero na ipinambalot sa morkon na may uling. Tinignan nya ko. Alam ko ang tingin na yon. Nasa gitna kami ng jungle at alam kong ipapalapa na nya ako sa jaguar nya. Pero hindi. Sinigawan lang ako na bakit ganun ang ipinasa nya ko. Ano raw sa tingin namin ang gagamitin namin don. Sasagot sana ako na dudumihan namin sa paglilinis pero baka mamangha sya sa talino ko. Hinablot nya sa kamay ko ang basahan ng sapatero na ipinambalot sa morkon na may uling at tinapon sa swamp sa likuran. Ngayon hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa basahan ng sapatero na ipinambalot sa morkon na may uling ko, pero malamang nagmukha na yong basahan ng sapatero na ipinambalot sa morkon na may uling na may algae.

Napikon ako kay James Carl mula ng araw na yon. Itinanim ko ang galit ko at araw-araw ay tinawag kong "basahan ng sapatero na ipinambalot sa morkon na may uling" day. Laging masama ang tingin ko sa kanya. Isang araw, sa same class namin kay Manuntag, naghingi si Benjo ng papel sa kin. Wala akong papel nun pero meron akong scratch notebook na gagawin ko sanang scratchbook ko para sa aking dinedevelop na comic character. Alam nyo na, yung mga mumurahing notebook na may artista sa harap. Ibinigay ko sa kanya at nagdrawing siya. Nung nagkaklase na kami, ibinigay nya sa akin ang notebook. Nakadrawing sa loob ang isang caricature ni James Carl. Hahaha.. natawa ako. Walang makapigil sa min nun kasi nasa pinakalikod kami. Kumbaga kung umatake ang mga leopard at king cobra kami ang unang malalapa ni Benjo. Dun na nagumpisa ang "The Notebook." Oo, kami ang may original idea ng "The Notebook." Hiniram lang ni Nicholas Sparks.

Puro James Carl ang dinodrowing namin. Siguro nagsawa na rin si Benjo. Dinagdag niya si Edwin, pointguard daw ng Apalit Air Polluters. Joke kasi kay Edwin nun e may amoy ang kanyang Rexona area. Nagkaroon noon ng rearrangement sa isa namin subject kasi ayaw nung prof namin ang seating arrangement namin. Sa lane ko, ako sa tabi ng bintana, katabi ko si Jessa, tapos si Ronald, tapos si Jesy, tapos si Benjo. Nakikiusap kami araw-araw sa mga babae na kaming mga guys ang magkakatabi muna. Dun na pumasok ni Ronald sa "The Notebook." Inayos nya ang mga characters namin at nagpasok pa ng mga panibagong characters. Umabot sa oras na bili na ako ng bili ng panibagong notebook. Nagkaroon na ng sequel ang notebook namin na ang mga laman ay usually movie posters kuno ng mga spoof movies na characters namin ang bida. Umaabot pa ito sa kabilang section dahil nagkaroon na kami ng fans. Hindi rin lang tungkol sa mga characters namin ang laman nito. Meron ding mga advertisements tulad ng Peni-Chef ni Ronald. Look Ma, no skin!!

Umabot ito kay James Carl, na ngayon ay kilala na bilang Samanong. Sama ng sama, pero manong. Sa mga taong hindi alam ang ibig sabihin ng manong, ito yung... uhm... corny... yung... baduy! yun!! ganun yun! Tapos sama ng sama sa min. Kinuha nya yung recorded tape ko ng COde Red na pinatungan ko ng mga kantang dedicated sa kanya. At kinuha nya ang iilan sa mga notebook namin. Hindi namin alam yun hangga't hindi nya tinapon sa min na may mga pintura na sa mga pahina na parang pinakialaman ni Joker dahil may iba-ibang HaHaHa haHaHA HAHAHAHAhahaAhahaaA... Tapos hinamon nya kami sa harap ni Ms. Sagmit. Iba na ang naramdaman ko non. Hindi ako pumasok sa highschool para kausapin ng adviser ko.

Dumating ang araw na biglang sinabi ni Ms. Sagmit na maguusap kami sa lunchbreak. Ako lang, at siya, at si James Carl. Shet, ako lang ba ang may sala? Pero naging matapang ako. Humarap ako ng buong puso sa adviser ko. Pero nung sinabi lahat ni James Carl ang mga nagawa namin, ayos, speechless ako. Nakikita ko ang mga barkada ko na nakasilip sa bintana. Parang nagiisip ng modus operandi na bubukas bigla ang kisama at bababa si Benjo na nakasuspended wire at hihilain ako patakas dun. Pero sumuko na lang ako. Masyadong mahaba ang listahan ni James Carl. At guilty kami lahat dun.

Pero akala nyo natapos na ang lahat don? Hinde a! Me special operations na nangyayari. Nasira ang mga notebook, oo. Pero hindi lang isandaang piraso ang notebook ang ginagawa sa isang buwan. Bumili pa rin ako ng mga notebook at gumawa pa rin kami. Palihim lahat. Pero ang drawing, pwedeng isikreto. Ang mga salita ng bibig hindi. Nagkalat ang rumors na may mga panibagong edition ang notebook. Pero kahit naman walang may alam nun, dinodrawing pa rin namin sa blackboard pag lunch ang big scale editions ng mga laman e. Hehe... so ayun, nalaman na ulit ni James Carl. At may pangalawang meeting na. Ngayon, ako, si Ronald, at si Benjo na ang kasama. Hanep. Wala na si James Carl. Pero matinding sermon ang inabot namin. Pero sermon talaga yun kasi puro stupid na ang naririnig namin galing kay Ms. Sagmit. Pero pag papakita nya kung ano ang ikinastupid ng mga gawa namin, nangingiti na lang kami. Kahit sobrang tension na ng moment natatawa pa rin kami sa mga ginawa namin. Nadala tuloy ang mga notebook sa Guidance Office.

Matapos non, wala na. Kahit bumili pa ko ng isang notebook, hindi na namin malamnan ng idea. Time to move on na. At kailangan ko ng magaral ng mabuti dahil yung Harvy Joy na yun e medyo nalalamangan na ako sa mga grades. Nakakakuha ako ng average na 80 habang sya e 95. Close fight pa naman e.

Umabot na sa point na unang araw na ng second year namin at hahanapin ko ang section ko. Syempre titignan ko agad sa first section. wala. Shet, wala ako sa first section! Magagalit ang mga magulang ko! Ok lang yan. Third section naman ang kuya ko e. Second section. Wala rin. Hanep. Baka destiny naming maging pareho ng section ng kuya ko. Third, my very trusty section. Wala. Anak ng kalungkutan. Sinabi ko sa sarili ko, pag wala pa ko sa fourth section pangit ako. Ayun! Nandun na ko sa fourth section! Hanep! Saya ko! Pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa magulang ko.

Naging buhay ko nung second year ay maghihintay sa labas ng classroom ng mga higher section kong mga barkada. Mas maaga kami lumalabas sa mga breaks at out kasi obviously, mas kailangan nila ng mas matagal na leksyon. OK lang sa kin yun kasi kung nakikita nila ako na kumakain ng kung ano, gagawa na ng gulo sa loob para lumabas na sila. Dito na kami naopen sa mga relationships. Actually, sila lang. Wala naman akong interes dyan e. hehe..

Siguro nainggit na talaga ako sa mga taong may PlayStation noon. Kasi ang akin lang ay yung family computer na naninira ng kula yng TV e. Sinabi ng mama ko na kapag nagrank 1 ako, bibilhan nya ko ng PlayStation. Doon ko nakita ang advantage ko. Ito ay ang fourth section mga kaibigan. At kung nagayos lang ako ng aking pagaaral, kaya kong lampasuhin ang mga to. Rank 1, here I come!!!

Lumanding ako sa rank 7.

Pero paguwi ko, kung ano ano ang pinagdugtong dugtong ko para maniwala ang mama ko. Sinabi ko ang totoo. Malapit lang ang average ko sa Rank 1 namin. .87 lang ata ang pinagkaiba. Well, 1.87... pero kahit na! To be rank 7 out of 40 people... di ba? not bad! So ayun, isang araw na naliligo ako, nakauwi na ang mga magulang ko galing Megamall. Nakatapis akong nagmano at nagoffer ng tulong para magbuhat ng mga pinamili, pero inabot sa akin ang isang plastic. Mabigat at malaki ang kahon. Iba na ang mukha ko pagsilip ko sa loob. Nakita ko ang mga letrang PlayStation sa kahon. Nagtatalon ako kahit na nakatapis lang ako. Agad agad akong nagbihis at sinet-up namin ng tatay ko ang aking PlayStation Unit.

Noong second year din ako nauso ang cellphone. 3210 ang ipinagmamalaki ng mga mayayaman kong kabatch noon. Inisip ko, please. Ayaw ko naman ng cellphone. Hindi ko kailangan yan. Chaka as if naman na magkakaroon ng colored cellphone balang araw na pwede mong malagyan ng sounds at laro. Sus! Nangarap pa ko.

Naweirdohan talaga ako sa isang teacher ko noon. Ewan, pinagmamalaki nya lahat ng nangyari sa buhay nya. Tapos ipapahula pa nya ng kulay ng brip nya sa yo. Oo. Araw-araw ganun. E sasabihin naman nya na kung anong kulay ng suot nya, yun din ang overalls nya. Ilang beses din nyang tinanong sa exams yun. Ilang beses din akong sumagot ng gray, green, kulay chicharon (na mali) at ang paborito nyang mocha. Pero hanep magdiscuss si Mr. Color Combination. Agad ko naiintindihan kasi kumpleto sya ng visuals mula sa laruan hanggang sa drawing.

Noong third year na ko, fourth section pa rin ako. Hindi ko na patatagalin. Grumadweyt akong fourth section sa highschool. Pero rank 7 lagi. Sumpa ata sa kin e. Dito ko na naexperience ang Prom. Nagarkila kami ng coat and tie ng mga barkada dun sa kaibigan ng mama ko. Nagsisi lang kami kasi parang amoy lupa pa ang mga nakuha namin at may konting libag pa ng bangkay ang mga inner shirts.

Nakasakay kami non sa sasakyan ng barkada ko. Syempre hassle kung nakalongsleeves kami tapos nakapedicab at jeep lang kami papuntang prom. Tapos sobrang pawis kami nun kaya nagpahinga muna kami dun sa bahay nung kaklase namin na malapit lang don. So pumasok na kami. Nakapila ng matagal sa labas at mukha kaming zombie na sinuklayan at pinaliguan sa damit namin. Syempre, yung mga may date, may kasama. Yung may mga syota na, required makasama. Ako solo flight. Aware na ako sa mangyayari sa kin kinagabihan. Nakanganga na lang sa mesa, nagbabantay ng bag at gumagawa ng kung ano anong origami sa mga napkin sa mesa. Pero hindi naman entirely spoiled ang gabi ko kasi maraming pagkain na hindi kinain sa kabilang mesa. Ayun, pinakyaw ko na lang. Although masasabi kong "lonely" ang prom na nangyari sa kin. Kahit kasi yayain ako nararamdaman ko na compassion lang na alok yun e. Sabi ko enjoy na lang sila.

Kinagabihan, natulog kami sa bahay ng kaklase ko. Masaya naman kasi magkakasama kami. Pero langya, sumakit ang tyan ko sa roast beef na pinakyaw ko! Nun ko lang nalaman na wag na wag akong kakain ng baka kapag handaan na ganyan. Kasi every succeeding na kain ko ng ganun sa mga sumunod na okasyon, nagrereklamo ang tyan ko.

So yun na, sabi ko sa kaklase ko maliligo lang ako. Pero hinde! Binendisyunan ko na ang banyo! Mga stealth moves pa ang ginawa ko para wag lang marinig ang mga bagyong lumalabas sa puwit ko. Pero may nakatagong microphone ata sa kubeta nila kasi maski bulilit na hangin lang ilalabas ko, parang nageecho sa yungib ni Big Foot ang tunog. Alam ko narinig nya yun pero wala na lang ako reaction paglabas ko.

Nung nasa kwarto na lahat kami, guluhan na. As usual sa mga magbabarkada na nagoovernight. De film pa ang mga camera nun at hindi namin nadala ang kahit anong camera na binilhan pa namin ng film, kaya ginamit na lang namin nung nagovernight kami. Napagod na lahat lahat, hindi na namin alam kung anong oras kami nakatulog.

Alas sais kinabukasan, maaga akong nagising. Sumilip ako sa baba, gising na rin si Ronald. Sumilip ako sa ibang natutulog, tulog pa rin. Lumabas ako at nilanghap ko ang maalikabok na hangin dahil nasa harap nila ang main road. Hinintay na lang silang gumising.

Paggising ko ulit, nagiinternet sila. Isa sa mga libreng connections ng dial-up dati. Glitch ng system. Kung ano ano na lang ang tinignan namin sa net nun. Tapos, napagusapan na lang namin na manood ng Cast Away ni pareng Tom Hanks. Syempre, ayun, magisa na naman ako sa sinehan, sila may kasama. Pero at least natuwa ako sa pinanood ko. Hehe...

Nung fourth year na ako, lagot na. Ito na yung magsi-CAT na kami. At hindi ko lang alam kung bakit, or dahil lang kaibigan namin yung Provost Marshall, napunta kami sa Elite Forces. Oo, maporma kami tignan. Araw-araw kami nagtetraining at kami ang model platoon kada sabado. Marami ring naakit sa aming angking kagalingan pero bandang huli hindi rin kami nagtagal. May discrimination din naman kasi e. Kami na ang laging napapagod wala naman kaming benefits. So para makakuha kami ng grade, pumasok kami bilang propsmen ng staged play namin na The Little Mermaid. Aamin ako, nung narinig kong Little Mermaid ang gagawin, iba ang naisip ko. Hehe... Pero dun na muna ko sa pagkapropsman ko magkukwento.

Kasama ko pa rin ang barkada kong art oriented. At wala kaming ginawa sa unang linggo na lagi kami pinupullout kundi tumambay at manood ng Little Mermaid na VCD. Tapos, pinaconceptualize sa akin si Sebastian, yung talangkang alimango na lobster na may pagkahipon... Agad ko inisketch ang mga kamay nya dahil gusto ko maipakita na posibleng makagawa ng working claw para sa gaganap na Sebastian, yung talangkang alimango na lobster na may pagkahipon.

Walang nangyari sa pagbabalak ko at nagpintura na lang ako ng payong para gawing jellyfish.

Bandang huli, nakarami na sila. Ako lagi lang ansa canteen, kumakain ng banana cake at kasama pa ko sa Choir kaya hati pa rin ang oras ko. Nagsimula na ang palabas. Pagkatapos ng unang show, na aminado akong palpak, pinagsesermunan kami nung badush na choreographer na sinabing tataas ang grade namin sa english pero hindi naman. Sabi nya ayusin namin ang susunod na palabas kundi... ewan ko... nakalimutan ko na e. Tapos nilagay ako sa tagapaypay nung bubble machine. Hanep! Makakanood ako ng show na mas malapit pa sa first-class seats. Nangawit ako sa kakapaypay oo. At hindi naapprove ang request ko ng electric fan. Magtrabaho naman daw ako.

Along the way, nagkaroon kami ng staged play sa simbahan. Kami ring kasama sa play, pero ngayon may role na kami. Miss Saigon ang ginawa at isa ako sa mga sundalo. Kinailangan ko magyosi at uminom ng beer. Isa lang ang linya namin, "The heat is on, Miss Saigon." Pero narinig namin dun kay badush choreo na kung nahihirapan bigkasin ang mga letters, gamitin daw yung Watermelon na word kasi kumpleto ang buka ng bibig. Malay naming sa mga principal cast lang yun. Kaya nasermunan kami nung paglarga nung practice at kinanta namin ay, "Watermelon, Miss Saigon!!!"

Magandang role ang nadatnan ko sa Miss Saigon. Ako yung sundalong lasing na nanalo ng dalawang babae. Hehe, syempre gentleman ako at hindi ako nangakbay. Pero pinagsisisihan ko rin e. Hehe.. Yung beer namin hindi namin ininom, pero pinangunahan ni Ronald yung iaalog yung bote ng beer at mambasa ng audience.

Pagbalik namin sa Little Mermaid, ayun, may role na ako. Pari na ako na hindi ko dapat alam ang gagawin ko. Madali lang ang role ko kasi hindi ko pa rin alam ang gagawin ko kahit ang role ko ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Ang gulo no? Kahit ikaw siguro hindi mo alam ang gagawin mo pag nabigla kang bigyan ng role na dapat hindi mo alam ang gagawin mo.

Dumating ang time ng pangalawang prom ko. As usual, wala pa rin akong kadate. Pero mas masaya na ako ngayon kasi yung ibang kasama ko wala na rin kasama. At nakasayaw ko na lang sa mga happy sayawan ang mga prof ko. Pag love music na out na ko. Nagpapak na lang ako ng roast beef. Ay shit!!

Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi namin napansin na maaga na kaming mageexam at magpapractice na ng graduation. Ayun na nga, at nandun na kami sa covered court ng high school. Kaming lahat magkakasama doon. Pero wala ang utak ko sa graduation. Kasi nasa college exams na ang pagiisip ko. Nagapply kasi ako sa Ateneo. Pero hindi na tumawag ang admissions department nila. Damn you, Ateneo! Hehe, jok lang... masaya naman ako at nabibisita kita paminsan-minsan pag gusto ko ng tahimik na lugar.

Nung time na nagexam ako sa FEU, hindi ko alam kung papasa ako o hindi. Pero ginawa ko lahat kasi gusto ko mabilis ako matapos at mas excited pa ko lumibot sa mga malls sa Manila kesa sa magcollege ako ng maayos. Nung paglabas ko, nakita ko na ang tatay ko na naghihintay. Tinanong nya ko kung saan ko gusto pumunta. Isa lang ang alam kong lugar- kahit anong mall. Kasi nababaliw ako sa kwento ng kuya ko na nakakita na sya nung Green Goblin na laruan na movie version. Namroblema pa ko kasi P350 yun at P50 lang ang pera ko. Kaya ayun, nagiisip pa ko ng ways para makadiskarte pa ko kay ama ng tatlundaan. Pero nakakuha na ko. Masaya na ko. Hehe..

At graduation na. Nakatoga na ko na puti at excited na ng sobra. Hindi na ito katulad nung graduation ko noong gradeschool na nahuli pa ko at kasabay ko nag-bow ang mga section 1 students. Ngayon iba na. At ito na rin marahil ang huling araw na kasama ko araw-araw ang mga barkada ko. Pero kailangan ko na namang tanggapin ang panibagong katotohanan.

Sa kuhanan namin ng report cards, dinala ko yung polo ko na hindi ko nagamit. Nagdala rin ako ng pentelpen. Pinapirma ko ang lahat ng kilala ko sa polo na yon. Enjoy ako kasi lahat ng mga naging special sa buhay highschool ko nakasulat doon. Ngayon, ang polong yun ay nakasabit sa cabinet ko at dadalhin ko yon sa pag-alis ko ng bansa.

Sa huli, tinignan ko ang mga naging souvenir ko sa highschool. Yung polo ko, mga sulat galing sa mga kaibigan, isang notebook na hindi nakumpleto (nailigtas mula sa Guidance Office), yung Bulletin Board namin na ikinapanalo ng section namin, mga class pictures at iba pang mga treasured memories na talaga namang masarap balikbalikan. Pero ito na ang huli at hindi na ko magha-highschool ulit. Ito na lang ang mga bagay na magpapaalala sa akin na minsan ako ay naging magaaral ng sekondarya at dito ko nakilala ang mga barkada ko.

MGA BAGAY NA MASASABI KO SA COLLEGE

Nung nalaman namin ng kuya ko na mapapaaga pala ang pasukan namin, kinailangan naming maghanap ng isang apartment. Kahit papano na isang linggo na lang ang nalalabi naming bakasyon, naexcite kami kasi magkakaroon kami ng sarili naming tirahan sa Manila. Nakahanap ng ad ang aking ina sa classified ads sa Inquirer at tinawagan kaagad. Noynoy ang pangalan ng sumagot. Titignan daw kinabukasan ng mga magulang ko. Ako naman, ginamit ko na ang mga natitira kong oras sa bakasyon sa paggawa ng mga portfolio ko dahil alam kong kakailanganin ko ito sa pagapply ko sa Fine Arts.

Nung dumating ang oras na unang gabi na namin sa apartment, napakablanko ng nakita naming studio-type na kwarto kasi walang TV, walang kung anong palamuti, walang magawa. Nagtawanan na lang kami ng kuya ko. Walang magawa e. Hehe... kung sanang may mall na itatayo sa malapit mas ok pa. Pero pangarap lang namin yun. Natulog na lang ako ng maaga.

Kinabukasan, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Unang araw ng kolehiyo na ito. Ito na marahil ang huling apat ng taon ko bilang magaaral. At hindi ko alam kung malamig ba ang tubig sa shower pag naligo na ako. Pero nauna na ako sa kuya ko kasi alas syete ang pasok ko. Malamig ang tubig, sobra. Pero ininda ko na lang at kailangan ko maligo at tinatamad akong mag-init ng tubig.

Paglabas ko ng gate, sinunod ko ang sinabi ng kuya ko. Kumanan ako tapos maglakad papuntang Tayuman at doon sumakay ng LRT papuntang Doroteo Jose. Tapos pagbaba ko doon, maglalakad ako papuntang FEU. Isang napakahabang alay-lakad. Ganito ang routine ko araw-araw. Ilang buwan din akong ganon.

7th floor ang ona kong kwarto. Room 701. Dito ko makikilala ang mga taong makakasama ko sa unang pagtapak ko sa kolehiyo. Sira ang elevator kaya tinahak ko na lang ang hagdan. Pagdating ko sa katapusan ng snake road, nakita ko na ang kwarto ko. Marami ng tao. At hinihingal pa ko.

Pagpasok ko, tinignan kaagad ako ng madla. Ako ang pinakakakaiba sa kanila kasi ako lang ang naka-uniform. Ayos a, sana pala sinuot ko na lang ang mga matindi kong Giordano shirts at Lacoste na sapatos. Pero wala na akong magagawa. May iilan namang mga nakauniform e. Kaso babae. Dumeretso ako sa may bintana kasi doon na lang ang may bakante. Sakto lang pumasok ang prof ko. Nagwiwikang banyaga. Hanep, unang subject ko ay ingglish spokens. Hindi na sya nagpadaluy-daloy pa. Natuwa ako kasi walang ek-ek na tatayo ka sa harap at introduce mo ang sarili mo at pano ka konektado sa pamilyang Marcos. Kaso, naghingi sya ng 1/8 sheet of paper at ilagay daw namin ang pangalan namin, section, course at expectations from the subject at professor. Course? Oo, course. Kasi ang mga hati pala sa section ay kung science o non-science ang course mo. So tinignan ko na naman ang mga strangers sa paligid ko at inisip kung anong kalokohan ang kinuha nilang kurso.

Pero hindi yun ang problema ko talaga. WALA AKONG PAPEL!! Malay ko bang kailangan naming magdala ng yellow paper sa unang araw. Nasanay kasi ako na wala namang ginagawang sa unang araw ng pasukan. Tumingin ako sa mga strangers sa likod ko. Alam na kaagad ng isa kung ano ang tingin ko na yon. Sabi nya, hati tayo. Salamat na lang ang nasagot ko tapos nagpakilala na ko. Sabi nya siya si Reggie. Kamukha ni Tobey Maguire pero pinanganak sa Pilipinas. Ayun! Masaya na ako. Pangalan, ok. Section, A1. Hanep ang section ko no? Akala ko unang section ako. Yun pala depende sa enrollment. Pero dun pa rin ako sa matalino ako at unang section ako. Naniwala na ang mga kaibigan ko doon e. Hehe...

Course... Fine Arts... Sarap pakinggan. Maporma at pag may nakakarinig iba ang tingin sayo. Kasi alam nila iba ang dating ng pagiisip mo at magaling ka magdrowing ng nakabold. ehe... Sa expectations kung ano ano na lang ang tinahi-tahi ko.

Ayon, akala ko wala na. Pinasa namin ang mga papel namin tapos rinambol ni prof. Tapos, ngumiti at nagsalita na. Sir Lacsamana ang pangalan. Tapos sabi nya bago raw siya magpakilala, kami muna. Tapos nagbunot na ng mga pangalan. Marami akong tinignan na mga taong galing pa sa iba't-ibang sulok ng bansa. Nag-aral pa sila sa Manila. Iba talaga ang hatak ng lugar na ito. Tapos, yung mga courses nila ang naging problema ko. Ambibigat! Accountancy, MassCom, at kung anu-ano pang nakakadegrade na lang sa pagkatao ko pag sinabi ko sa kanila ang course ko. Mayroon ding valedictorian, salutatorian, tatlutatorian (hindi ko alam kung ano ang tawag sa pangatlo e).. Tapos ako ay pangpito lang, fourth section pa! Meron na may family business, second-course takers, may nagmamanage na ng restaurant, may nagbebenta ng dried mangoes sa bus.. Tapos tinawag na ako. Nanlamig na ang katawan ko. Tapos, tumayo na ako. Buti hindi sa harapan. Tapos tinanong na ako kung ano ang course ko. Lumunok na lang ako. Advertising. Sabi ko. Major ko naman yun e. Medyo nakakahiya na rin kasi kung Fine Arts ang sasabihin ko. Tapos sinabi nga ni Sir, Aah, Fine Arts... tapos tumango ang mga kaklase ko. Alam ko ang mga tango na yun e. Yun ang tango na ibig sabihin ay magagamit ka namin kapag may mga project tayo na kailangan ng drawing. Tapos, nagkaroon na ko ng konting lakas ng loob mula noon kasi wala naman silang pakialam sa akin pagupo ko. Hehe...

Sa college ako nakaramdam ng pagiisa. Wala dito ang mga barkada ko na nahihingan ko ng tulong at suporta kapag may gusto akong gawing mga bagay-bagay. Pero naisip ko, sino pa ba ang tutulong sa kin kundi ang sarili ko di ba? At alam ko marami naman akong magiging kaibigan dito. Panibagong pahina lang to ng buhay ko at kailangan ko itong sulatan ng panibagong kwento.

***itutuloy pa***