Sunday, September 16, 2007

CANADIAN MISFITS



Ito ang aking documentary mula sa pag-alis ko sa Pilipinas hanggang sa oras na ito, na sumusulat ako sa aking Mac sa bahay.

Lahat tayo, ayaw nating umalis sa piling ng ating mga mahal sa buhay. Masyadong masakit isipin na pupunta ka sa isang lugar na alam mong limitado lang ang makakausap mo. Pare-parehong tao, iisa lang ang pinagmumulan ng pinagkukwentuhan nyo. Kapag wala kang masabing maayos, biglang tatahimik kayon dalawa, tapos awkward moment na. At ang hirap dito, salitang banyaga ang kailangan mong gamitin.

Kaya ayoko na munang pagusapan ang tungkol sa mga iniwan kong pinakamamahal sa Pilipinas.

Mula sa pagcheck-in namin ng mga bagahe, pinapunta na kami sa Gate 5 kung saan maghihintay kami ng pagboard ng eroplano. Natrafic kami sa NLEX nung umaga dahil, as usual, ginagawa na naman sa walang dahilan. Pero ok lang yun kasi di na rin kami masyadong naghintay. Agad na rin namang tinawag ang Flight number namin.

Wow, excited na ko magboard ng eroplano. Hindi ko alam ano ang makikita ko sa loob. Pero sa mga huling linggo ko dyan, napaparanoid ako sa kakaisip na may mangyayaring masama. Nahira na. Pnilt kong alisin sa isip ko yon, pero kusang bumabalik. Natural lang ang pressure. Lalo na at nalalapit ang araw ng pagalis namin sa 9-11 tragedy. Nauna lang kami ng isang araw.

So ayun, Cathay Pacific. Yung nilitrato ko palang eroplano yung sasakyan namin. Sinalubong kami ng mga chinese stewardess sa gates, at welcome na welcome ang mga ngiti nila. Halatang praktisado na na ngumiti sa mga taong iilang segundo lang nilang makakaharap sa buong buhay nila. Nasa gitna pala kami ng eroplano. As in gitna ng eroplano, at gitna din sa loob. Okay lang, inisip ko, tutal hanggang Hong Kong lang naman ganito. Mula Hong Kong ay window seats na. At ako ang nanalo sa Jack-en-Poy namin ng kuya ko kaya makakapag-dokyu ako kung pano ba ang nakikita ng isang tao sa paglipad at pagbagsak ng eroplano. Binalak na lang namin na along the flight, palit na lang kami ng lugar para makita din niya.

Nagwarning na ang stewardess. Lilipad na kami. Doon ko naexperience yung tipong malapit na kong mamatay at nakita ko lahat ng masasayang memories ko sa bansang ito. Hindi mo masasabing ang mahigit dalawampung taon na tinira ko sa Pilipinas ay maikli pa. Masyado nang matagal yon at napamahal na ko sa bansang yan. Masasayang ala-ala. Iiwan na kita, Pilipinas. Masasayang ala-ala. Mula nang bata pa ko, na tumatakbo sa kapitolyo at nagpapalipad ng saranggola, hanggang sa huling event na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay, ang despedida. Andami kong naisip sa dalawang minutong dumaan na sa pint of view ng stewardess ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi pa ako nagpapaalam, Pilipinas, sabi ko sa sarili ko. Kasi sa susunod na makikita kita ay pauwi na ako sa yo.

Tumunog na ang mga makina ng eroplano. Pinipilit pumasok ng kamatayan sa imahinasyon ko. Nililihis ko ang atensyon ko sa comedy naming magkakapatid. Dapat kasi hindi ko na pinanood ang Fight Club ni Brad Pitt at Edward Norton at nakita ko pa yung image na nasirra yung eroplano e. Napaparanoid lang ako.

Nagtaxi na ang eroplano sa runway.

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Paalam sa inyong lahat.

At lumipad na ng paunti-unti ang eroplano papuntang Hong Kong.

Sa labas ng bintana, nakita ko ang mumunting Manila Bay, na nagpaalala sa akin na madalas ko itong tambayan nung college pa ako. Photography, Arts, gala, pasyal, dadaanan ng sasakyan, gumising ng maaga para makita ang sunrise, na sunset pala ang tinitignan sa Manila Bay... ito ang huling nakita ko sa Pilipinas.

Hindi pa ako masyadong na-excite nung sumisilip na ang mga ulap sa bintana. Makikita rin kita mamaya, sabi ko. Tinignan ko ang relo ko. Isang oras na pala ang nakaraan mula nang nagtake off ang eroplano. Pasado alas-dose na. Kung nasa bahay lang ako pinapanood ko yung labanan ni Joey at Willie. Pero tinutok ko na lang ang atensyon ko sa TV sa overhead ko. CSI ang palabas, napanood ko na. Patuloy ang pagpasok ng mga alaala ko. Pinabayaan ko na lang. At least nasasapawan ang takot ko sa kamatayan.

Nilipat ko ang channel sa default Cathay Pacific. Malapit na pala kami. Hong Kong. Tatapak na ko sa unang bansang hindi lupa ng Pilipinas.

"Thank you, Sir!" sabi nung stewardess. Ngumiti ako. Unang apak ko sa Hong Kong.

Isang malaking airpot na naman. Hindi ako masyadong interesado. Gusto ko nang umuwi.

Nagyaya ang mama ko na kumain. Ayos, Hong Kong dining. Pero dun kami kumain sa mga resto na oorder ka lang at iseserve nila sayo sa counter at ikaw ang magdadala sa upuan. Kung matagal iprepare ang inorder mo, maghintay ka sa counter. Ayos a.

Ininom ko yung Coke Zero. At kumain ako ng matabang na turkey sandwich.

Matagal pa ang flight namin. Tatlong oras pa. Sinubukan ko na ang roaming ko. Ayos, nakakatanggap na ko ng messages. Pero hindi ako nakapagsend kaagad dahil inayos ko pa ang settings ng cellphone ko. Inantok-antok akong naghintay sa susunod naming flight. Alas-kwatro kinse, konting oras pa.

naglakad na ko sa airport para labanan ang antok. Puunta ako sa banyo. Habang nagbabasa ako ng mukha, may pumasok na mama. Dali-daling pumunta sa isang cubicle. At doon, nilabas nya ang sama ng loob nya. Kaso yung sama ng loob nya may kasamang hangin. Ayun, parang kumukulog at kumikidlat sa cubicle nya. Natakot ako. Natakot akong makaamoy ng baha. Kaya lumabas na ko.

Saktong alas-kwatro na ko nakarating sa gate namin. Tinignan ko ang monitor, wala pa rin ang eroplano. Tapos ayun na, kung alam nyo yung sa The terminal ni Tom Hanks, yung nagpapalit-palit ang mga words ng mabilis sa itim na board, mabilis umikot-ikot ang mga salita. DELAYED.

Isang oras pa raw darating ang sundo namin.

Natulog na ako. Bahala na.

Pero hindi ako makatulog.

Hinintay ko ang oras. Lumibot ulit ako. Tapos pagbalik ko tumatayo na ang mga tao. Okay, nandito na. At agad kaming pinagboboard.

Window seat. Ayos! Nakaupo na ako nang tumabi na ang kuya ko at pinagusapan namin kung kelan magpapalit. ero pinangunahan kami ng flight attendant. magastop -over muna kami sa Anchorage, Alaska. Ayun naman pala e. tag-isang take-off at landing tayo, ang sabi ko. Pero ayaw na nya. Ako na lang muna raw. O sige, ok lang naman. Niready ko na ang camera ko.

Nakunan ko mula sa pagtaxi namin hanggang sa makita ko na ang mga ulap. Sa liit ng bintana, nahiwagaan ako sa nakita ko. Ganito pala.

Tinignan ko ang in-flight movies. Spider-Man 3, Oceans 13, Next, Mr. Bean's Holiday... meron ding mga series. Sabay-sabay ipapalabas. Palit-palit lang ako ng channels. Limang beses ko atang pinanood ng paputol-putol ang Spider-Man 3, tapos nasa series lang ako. Halos natulog lang ako sa buong flight. Masyado na kong matagal na gising. Ginigising lang ako ng kuya ko pag kakain na. Airplane food. Pag masarap, masarap. Kaso hindi buong meal mo gaganahan ka. Lalo na sa tubig.

**TIP** Kapag sasakay ng eroplano at inalok kayo ng maiinom, kunin nyo ang softdrinks. Hindi ito nagbabago ng lasa. Ang mga juices, tulad ng orange at apple, ay kayo na ang bahalang magrisk.

Sinasamantala ko ang pagaalipusta sa pagkain ko. Kuha ako ng kuha ng inumin. Lagi kong tinatanong sa stewardess kung pwede akong makahingi ng isang ganito at isang ganyan. Kaliit kasi ng baso. kaso mapakla ang laman. Kaya pala.

Nag-alok ng tsaa. Naexcite kami ng kuya ko. Humingi kami ng tag-isa. Nung tinikman namin, kulang na lang isigaw namin ang "TSAA!" sa lasa! Lasang balat ng patatas na hindi hinugasan! Oo alam ko lasa non. Malikot ang kamay ko nung bata pa ko.

***itutuloy pa***

Thursday, August 16, 2007

Monday, August 6, 2007

pumapatak na naman ang ulan sa likod ng bahay...

Ito ay ang langit kaninang hapon.

Isang shot ng mangga nung magsimula ang ulan

Ang hardin kaninang umaga

Ang dating tambayan ni Balbas na ngayon ay kuta na ni Coco

Biktima ng bagyo- Nasalanta si Pakkun at hindi marunong lumangoy

Si manong tinapay trabaho pa rin kahit malakas ang buhos ng ulan

Isang dew shot muna habang tumila ang ulan

Masarap litratuhin ang mga nabasang dahon ng halaman...hehe

Syempre, pag baha walang makain. Eto ako kanina at naghanap ng pansahog sa sinigang ko.

Tuesday, June 19, 2007

09.10.07



Dito sa seminar na ito, natulog lang ako magdamag. Nasa harapan pa ako at tapat ko ang nagseseminar na si Ingrid Walaakongpakialamsaapelyido. Sa sobrang boring, nakakatulog ako at pag tumaas na ang boses nya, pagmulat ng mata ko, nakatitig sya sa akin. Nangyari ata yun ng mga pitong beses. Tapos bandang huli inutusan nya akong magdistribute ng Family Guide to Canada sa mga pamilya. Tapos nung ibibigay na ang certificate na ito, sa unang pagkakataon ng buhay ko, tinawag akong Mr. Rivyir. Sabi ko Rivera. Sabi niya Pohloh Niccohloh Riviyer. Langya, ngumiti na lang ako at inabot ko ang certificate at nakipagshake hands. Walong oras ng pagdurusa...

Tuesday, June 5, 2007

Mga Kampon Ko

Marami tayong mga hobbies at interests. Ako nga lang, nakahanap ng kasiyahan sa pagkokolekta. Pero hindi ko na sila matanggal sa buhayko ngayon. Dumating na sa point na gusto ko man magdecide na ibenta sila, hindi ko makayanan. Sila ay naging parte na ng buhay ko. At sila ay parang naging pamilya ko na rin.

Gusto mo silang makilala? hehe... eto ang iilan sa kanila:


Balbon- Balbas ang pangalan ng aso ko. Syempre, kung magkakaroon man ako ng ibon, Balbas na ibon pa rin ang term. Balbas+Ibon=Balbon. Hehe... Isa syang Philippine Eagle na nacross-breed sa troll. Inayos ko lang ang kanyang buhok. Masarap yakapin lalo na pag matutulog ka. Hindi nakakalipad pero promise, takot na takot si Balbas sa ibon na ito.


Gollum at Doctor Octopus- Malaki ang Gollum ko na ito! As in! 1foot ata ang laki nya at napapalitan ng speagol na ulo. May pindutan sa base na nagsasabi ng iba't-ibang Gollum at Smeagol Phrases. Si Doc Ock, wala lang. nakahandalusay lang nung malitrato ko ang Gollum ko.


Ang Dalawang Butong Bakal- Endoskeletons galing sa pelikulang Terminator 2: Judgment Day. Isang pinadala ni ama at isang binili ko, unopened!


Ang Fell Beast at ang Morgul Lord- medyo napahigpit ako sa budget nung binili ko ito. Pero nung nabuo ko, ayos! Meron na kong sarili kong paniki!



Ang Gobernador- Si Swaseneger ay isa sa mga common names ng mga koleksyon ko. Ito yung kanya Terminator 3 figure. Maraming baril! Tatlo!


Ang Gobernador (Variant Figure)- Kasabay kong binili kasama nung Neo na tumatambling nung unang beses kong pumunta ng Mall of Asia. Marami rin baril! Tatlo rin!


Ang Hardinero- Ito ang matagal kong pinangarap na figure. Mula nung makita ko pa lang sa official site, nagustuhan ko na. At nung mabili ko na sya, nagkaroon na ako ng ibang gustong figure. Hehe... Maraming weapons sa kanyang kabaong. Pero tatlo rin lang ang nahahawakan nya kasi nakadikit ang mga ibang weapons sa loob. Display purposes lang pala. Buti pang ginawa na lang nilang pencil case na may pantasa sa pinagbarilan.


Bumblebee at MG Zeta Ver.2- Matinding mga figures na nagbigay ng panibagong ngiti sa aking mukha. Si Bumblebee ay nabili ko sa Toy Kingdom at napakasayang i-transform. Ang Zeta ay bigay ng isang kaibigan na talaga namang ikinagalak ko. Hindi ko sasabihin kung sino sya to keep his privacy. Baka hingan nyo ng gundam e. hi King!! Anyway, hindi magalaw kasi parang fixed ang mga joints. Buti pa si Bumblebee kaya syang tutukan sa ulo. Hehe..

**PAUNAWA** Hindi talaga umiilaw ang mga nasa dibdib ni Bumblebee. Baka kasi hanapan nyo ng plug.



Neo- Noong una ko makita to sa official site ni McFarlane, sabi ko kailangan makakuha ako nito. Nung nakahanap na ako ng opportunity na makabili, kinuha ko na. Sa lahat ng nakadisplay ko siya ang kakaiba kasi siya ang nakabaliktad. Halata sa mukha nya na nandoon na lahat ng dugo sa ulo nya. May base na kasama na mayroong weird na tentacles ng dikya sa pader. Hehe... mayroon din syang isang M-16 at dalawang .45.


Spawn: Issue 7 Cover Art- Nung pinanood ko ang Live Free or Die Hard (Die Hard 4.0), nakita ko ito na nasira ni Bruce Willis. Iba ang naramdaman ko, sabi ko sa sarili ko, watdahel I gotta get me one of those... at eto na nga... pinalabas din sa CSI sa series ng Miniature Killer... SIKAT!!!


Robocop- Lahat tayo kilala ang Shaider ng mga Kano. Ito si Ginoong Alex Murphy, aka Robocop. Dati ko pa gustong magkaroon ng ganito. Pero ang mahal ng benta sa mga online auction sites!!! MGA WALANG PUSO!!! MGA WALANGYA!!! buti na lang, merong nagbenta ng 900, at hindi pa bukas ha? Me technique lang ako na kapag binalik ko to sa kahon e mukhang hindi binuksan. Pano yon? Bahala kayo. Hehehe...



Obi Wan Kenobi (Jollibee Exclusive)- ito ay ibinigay ni Charis. Astig na figure ng isang Jedi Knight at may pantasa sa likuran ng base. Salamat Charis! At least ngayon kapag nawawala ang pantasa ko pag me ginagawa ako, kukunin ko na lang sa isa sa mga nakadisplay ko. Hehehe... Oo, tulad ng sinabi mo kanina, ididisplay ko ito. Isang regalong nagpasaya sa mga huling sandali ko sa opisina. Salamat ulit Wuwuh!

**PAUNAWA** Hindi talaga umiilaw ang lightsaber ni Obi Wan. Baka kasi hanapan nyo rin ng plug.


Hatake Kakashi- nung nauso ang Naruto, nagustuhan ko ito tapos lumabas nga itong mga figures nya. Hindi kamukha. Pwera itong si Sir Kakashi. Nabili ko ng P1,200. Gawa ng Bandai kaya mahal. Haay... MGA WALANG PUSONG BANDAI!!!


***itutuloy pa***

Friday, June 1, 2007

ANG MAHIWAGANG MUNDO NI GARDO BERSOSA

Gummy Boy

Marami na sa inyo ang may alam sa kwento ko. Ilang beses ko na inulit-ulit para sa inyong katatawanan. Pero walang bago dito. Ito lang ang pinakakumpletong kwentong maiaalay ko sa ibang hindi pa nakakaalam. At eto na, wala ng intro, wala ng palabok, eto na ang buo at in detail na kwento ni Gardo Bersosa.

Matagal nang itinakwil ng magulang ang isang batang napabayaang lumaki sa gilid ng daan. Lumaki siya bilang isang naglilimos sa daan at naranasan ang pait ng mundo sa mga oras na nakikipagaway siya sa ibang batang kalye makuha lang kumain ng iilang piraso ng tinapay na inaamag. In short, sasali siya sa mga pustahan ng mga batang magaaway para manalo ng iilang pirasong makakain.

Dumaan ang isang araw na nangailangan ng isang out of town circus, ang The Travelling Circus, ng mga taong magbubuhat ng mga gamit. Nagoffer sila ng maliit na halaga at kinuha ng bata ang opportunity na ito upang makakain naman sa marangal na paraan. Ngunit siya nga'y nakatulong, nagkamali naman sya ng bubuhatin. Nang maalis nya ang ilang bakal na ginagamit para maitayo ang mga stalls ng mga manghuhula, sumabit ang isang parte ng bakal sa gate ng leon at nakalabas ito. Nilapa na nya ang isang acrobat bago pa ito napigilan.

Nang dalhin sa manager ang taong may sala, sinabi nya dito na sya ang papalit bilang acrobat dahil hindi gagana ang pinakamabiling show ng circus kung kulang ito ng isang tao. Nang tignan nya ang ngayon ay 13 year old na lalake na kamukha ni Hero Angeles, sabi ng manager sa kanya ay, "Ayos naman ang physicality mo. At kamukha mo si Gardo Versoza." At mula noon ay tinanggap nya ang pangalang Gardo Bersosa.

Sa loob ng limang taon, lumaki na bilang isang acrobat si Gardo. Nakuha na nyang pag-aralan lahat ng sikreto ng pagtatrapeze, lahat ng pasirko-sirko, lahat ng pwedeng malaman para maging isang makisig at versatile na performer. Pero hindi na travelling circus ang The Travelling Circus. Kilala na sya bilang The Travelling Circus in San Fernando, Pampanga pero hindi na umalis doon. Kilala na dito si Gardo bilang ang empleyadong palaging huli pumasok. Malayo rin kasi ang tinitirhan nyang apartment mula sa site ng The Travelling Circus. Ito lang naman kasi ang murang paupahan pero maganda na at sulit na sulit ang presyo. Ito ay ang bahay ni Dr. Levy Laundromat, isang doktor ng EENT sa Jose Reyes Memorial sa Sta. Cruz, Manila. Dahil hindi naman sya araw-araw nasa bahay, pinaupa na nya ang isang kwarto kay Gardo halos anim na buwan na ang lumipas. Palaging on-time magbayad si Gardo at naging mabait na sa kanya si Levy. Nagkaroon lang ng conflict sa pagbabayad dahil nais ng manager ng circus na bumili ng bagong damit si Gardo mula sa staff ng circus para naman hindi siya mukhang gusgusin habang nagpeperform. Medyo mahal ang singil kaya hindi muna nagbayad ng dalawang buwang upa si Gardo.

Nang dumating ang araw na ibibigay na ang bagong damit, na sa dating gray and red ay ngayon nang black and red, nahuli na naman as usual si Gardo. Napuno na ang kanyang manager at kanyang tinanggal na ng tuluyan si Gardo. Lalong namroblema sa pagbabayad ng upa si Gardo dahil walang backpay ang circus. Sa pagkakaalam nyang hindi uuwi ng araw na yon si Levy, umalis na sya ng bahay. Ang hindi niya alam ay nakaleave si Levy at nasa tindahan lang at bumibili ng Ligo sardines at itlog para tanghalian nilang dalawa. Nakita sya ni Levy at doon din ay nagalit ng husto sa hindi pagkabayad ng upa. Si Levy ay isang taong mabait by nature. Pero naturuan sya na magbudget ng pera lalung-lalo na yung nakukuha nya sa sariling pagod. Malki ang katawan ni Levy sa dahilang pagji-gym niya sa Lionel's Fitness Gym pero alam nyang kailangan nya ng back-up plan para masingil agad si Gardo. Kaya pumunta siya agad sa garahe nya kung saan tinatago nya ang mga koleksyon nya ng baril at mga kanyon at iba-iba pang armaments, at doon ay kinuha nya ang kanyang washing machine at nilagay sa likod na parang backpack. Mula dito ay tinugis na nya ang kanyang sisingilin.

Sa isang eskenita, nagpahinga muna dito si Gardo. Marahil nakonsensya rin sya dahil naisip nyang dalawang araw na lang ay tatlong buwan na ang upang utang nya. Alam nyang kailangan nyang magbayad dahil wala namang ginawang masama sa kanya si Levy. Narealize nya bigla na nakaapak pala sya ng dinurang chewing gum at sa sobrang dikit nito ay hindi sya nakalakad agad. Paghakbang nya, nakaapak sya ulit! At doon nya narealize na andami palang dinurang chewing gum sa eskenitang yon. Nang sumandal sya sa pader para tanggalin ang gum sa sapatos, meron ding kumapit sa kamay nya. "Yucky!" ang sigaw nya. Mabilisan nyang ipinagpag ang kanyang kamay at tumilapon ang chewing gum sa ere. Natamaan ang isang kable ng kuryente na marupok na rin ang pagkaka-connect dahil sa init ng bilad ng araw. Napatid ito at tinamaan si Gardo ng live wire. Hinimatay sya at nang sya ay tumumba, ang kanyang mga pulso ay natyempuhang madikitan din ng dinurang chewing gum.

Wala pa sa tamang diwa si Gardo ng gisingin sya ng isang binata. Maikli ang buhok at may maskarang itim na katulad ng kay Zorro. Nakadark blue shirt sya na may konting khaki color sa manggas, maong na pantalon at pulang Chuck Taylors. Mayroon din siyang mga linya na tila bumabalot sa kanyang braso na kulay itim. "Mukhang matindi ang pagkakakuryente mo, pare!" nakangiting sabi nito. "Kailangan mo ng ambulansya." at biglang natigilan sa pagsasalita ang misteryosong binatilyo. Bigla syang may pinulot sa tabi ni Gardo, isang itim na cap. "Tignan mo nga naman, hindi porke luma na ang isang bagay, ibig sabihin ay kailangan nang itapon." Piangpag nya ang cap at isinuot, "O pano, one ambulansya on the go!!" At sa isang pikit ng mata ay nawala na ang binatilyo. Nagpunas ng mata si Gardo. Nakakita ba sya ng taong mabilis tumakbo o nagdedeliryo lang sa sinapit? Pinaniwalaan nya ang pangalawa.

Nahirapang tumayo si Gardo at naramdaman nyang sobrang bigat ng kamay nya. Nakatayo na sya pero nakadikit pa rin ang mga kamay nya sa ground. Pinwersa nya at nakita nya na may malagkit syang bagay sa kamay. Akala nya ay may power na sya tulad ng idol niyang si Spider-Man. Pinilit nyang maglabas ng sapot sa kamay nya at sa kahit anong hirap, walang lumabas. Pero nang sinubukan nyang umakyat sa pader, nakaakyat sya. Walang hirap na umakyat, bumaba at minsan ay pagilid na parang talangka sa pader. Nakangiti syang akyat-baba. Inisip nya, siguro dahil hindi sya nakagat ng gagamba kaya hanggang dikit lang ang kaya nya. Ang hindi nya alam ay chewing gum lang ang may kagagawan ng kanyang "powers."

Dahil sa labis na pagkaidol kay Spider-Man, gusto rin nyang mag-swing. Wala na syang ibang magawa para makapaglabas ng sapot, nang may marinig sya sa may likuran nya - ang live wire na tumama sa kanya. At ito ang ginamit nyang paraan para makapagswing sa siyudad ng San Fernando.

Hindi pa sya nakakalayo ay naisip nyang hindi dapat sya makita ng tao. Nagswing pa sya ng konti at nakakita sya ng isang karton na mga damit na ipinapamigay. Iniwan lang ito sa isang kalye para pagpyestahan ng mga nangangailangan. Dito, nakakita sya ng gunting, isang pulang bonnet, maraming benda, kalahating parte ng pulang kumot, maskara ni Batman, isang itim na bonnet na ang butas ay sa mata lang, katulad ng gamit ng mga nangingidnap, itim na goggles, dilaw na kurbata, brown na shades, at itim na sinulid na may isang kubit na karayom.

Kinuha nya ang goggles, gunting, kumot, bonnet na pula at ang sinulid na may karayom.Pagkatapos ay pumunta sya sa isang kalyeng walang tao at malilim. Tinignan nya kung anong meron sya ngayon- Ang bagong damit nya na red and black, ang gwantes nya na gamit pang-trapeze at ang kanyang sapatos. Sinuot nya ang bonnet at minarkahan kung saan ang mata. Nagbutas sya dito at sinuot din ang goggles. Sinabi niya sa sarili nya, "Walang taong binigyan ng kapangyarihan sa mundo. Ako lang. Gagamitin ko ito para maiwasan na ang mga pangyayaring naranasan ko noong bata pa ko sa ibang bata. Para sa'yo 'to, Spider-Man!" Nagsketch sya sa tabi nya ng magandang logo gamit ang isang bato at mula sa kumot ay ginupit nya ang logo na naisip nya. Gawa ito sa dalawang letra: GB na initials ng pangalan nya. Gumawa sya ng isang malaki nito at tinahi sa likod ng kanyang bagong uniform. Gumupit din sya ng isang maliit at tinahi ito sa may dibdib. Sinuot nya ang kanyang gwantes. Tinignan ang sarili sa isang basag na salamin at nagustuhan ang kinalabasan ng kanyang costume. "Bidang-bida ako a!" sabi nya. At doon nya naisip ang kanyang superhero name: Gardong Bayani.


Matapos ang ilang oras nyang pagsuswing, nakarinig sya ng isang tili. Mula sa bubong ng isang bahay, nakita nya kung saan ito nanggaling. Kay Kirsten Dunst!! Nahablot ang bag nya ng isang snatcher at swerte ni Gardong Bayani, patakbo ang snatcher sa direksyon kung saan sya nakatuntong. Ginamit nya ang kable bilang trap at hinablot pataas ang snatcher pagkatapos ay iniwang nakabitin lang doon. Pumunta sya sa kinaroroonan ni Kirsten Dunst at nabigla sya nang kausapin siya nito. "Salamat." ang sabi niya. Napamulagat si Gardong Bayani kahit hindi nakikita. Nagtatagalog si Kirsten Dunst!!! "Anong pangalan mo?" dagdag pa ng artista. Hindi makakibo si Gardong Bayani. Syempre minsan lang siya makakita ng sikat na Hollywood star, nagtatagalog pa. "Basta." ang banggit na lang ni Gardong Bayani, sabay talon pababa ng overpass na kinaroroonan nila. Nakita ni Kirsten Dunst ang logo ni Gardong Bayani. "GB?" ang sabi niya. Pagkakita nya sa bag nya, nakita nya ang gum na mula sa kamay ni Gardong Bayani. "Gum?" sabay tingin sa direksyon na pinaroonan ni Gardong Bayani. Naisip ni Gardong Bayani na nakatulong na sya ng isang tao. Ang sarap ng pakiramdam nya! Pero kailangan muna nyang maging si Gardo dahil nagugutom na sya at hindi dapat makita ng iba ang kanyang alter ego. Kaya tinanggal nya ang goggles at bonnet nya at ang kanyang gwantes. Umupo sya sa isang karinderya at ginamit ang kanyang nahuhuling pera para sa pagkain nya.

"HOLDAP!" biglang sigaw ng isang lasing. "IBbALOT NYONGANG LAHANNANG TILAPIAatemMMBOTIDOnNYO!!!" ang utos pa nya. Hindi alam ni Gardo ang kanyang gagawin! Kung papabayaan lang nya na makuha ang lahat ng tilapia at embotido, kanin na lang ang iseserve sa kanya at sabaw ng tinola. Sinamantala nya ang pagkalasing ng...lasing. Hinataw nya ito ng mangkok sa ulo. Natumba ang lasing at nagsaya ang mga staff ng karinderya. Dinala ni Gardo ang lasing sa Barangay Outpost at doon na ikinulong ang lasing. Pagkabalik ni Gardo sa karinderya, sinalubong sya ng may-ari at sinabing kahit kailan sya kakain doon, hindi na nya kailangang magbayad. Nagpasalamat si Gardo ngunit sinabing sa gabing yon lang nya matatanggap ang pagkamagandang-loob ng may-ari. Sa susunod ay magbabayad na sya. Napangiti ang may-ari at binigyan na lang ng extra soup si Gardo at pinagbayad na lang ng limang piso dahil naghingi pa si Gardo ng tatlong extra rice.

Habang kumakain, napanood nya bigla sa TV si Mike Enriquez. Ininterview nila si Kirsten Dunst! Sabi niya (ni Kirsten Dunst), "Iniligtas po ako ng isang magiting na superhero! Walang kwenta si Tobey!" at tinanong sya ni Mike, "Hello Kirsten? Kirsten? Ako ba'y naririnig mow?" sagot ni Kirsten Dunst, "Ah yes Mike naririnig kita." Tanong ni Mike, "Kilala mo ba ang superhero na tinutukoy mo Kirsten? Kirsten?" at sinabi ni Kirsten Dunst ang pangalan ng kanyang tagapagligtas. "Opo, Mike. Siya si Ga..* " at nilipat ng isang nagtitinda doon ang channel upang manood ng Rounin. Nagwala si Gardo! Pilit nyang pinalipat pabalik pero tapos na ang balita. Malamyang umalis si Gardo sa karinderya. Inis na inis sa biglang labas ng mukha ni Diether kung kailan sasabihin na nationally ang kanyang pangalan. Mula doon ay pumunta na lang sya sa isang eskenita at kumuha ng kahon at doon sya ay nagisip. Nakakuha sya ng ideya at dali-daling umalis.

Kinabukasan, napadaan sya sa isang bangketa na tindahan ng dyaryo. Nakita nya ang pareparehong headline. Iisa lang ang binabanggit na pangalan. Gummy Boy. Inisip nya na ang korni naman ng pangalan ng nasabing headline. Pambata pa dahil "boy" ang nakadugtong. "Oh well.." sabi nya. "Ako na lang ay maghahanap ng maliligtas ko ngayon at mawala na sa isipan ko ang kamoteng Gummy Boy na yan. Enter, Gardong Bayani!" at sinuot na nya ang goggles at bonnet at gwantes nya.

Sa San Fernando Cathedral, may isang taong iniiwasan ang mga tao. Isang taong may washing machine sa likod! Si Levy! Nagbabasa sya ng kopya ng The Industrialist at galit na galit. "Alam ko ang katawan na ito! Alam ko ang kulay ng costume na ito! Alam ko kung sino ka! Gardo Bersosaaaaa.." ang panggigigil na sabi ni Levy. "Magbabayad ka, Gummy Boy." na ang literal na ibig sabihin ay magbabayad talaga sya ng upa. So magbabayad sya talaga.

Nakarinig si Gardong Bayani ng balita na nagkakaroon ng gulo sa may NLEX. Dali-dali syang nagswing papunta doon at pagkalanding nya sa bubong ng isang delivery truck ay hinanap kung saan ang gulo. Nakita nya na nagkaroon ng banggaan sa may bandang unahan pero hindi ito pangkaraniwang banggaan. Parang sinadya ito. At doon ay nakita nya ang isang taong nakatayo sa taas ng nakatumbang Mazda 3- si Levy! Pagdaan ng truck sa kinaroroonan ni Levy, umakyat siya sa may driver at sinabing bilisan lang ang takbo at wag tumigil kung hindi ay kasama syang mamamatay sa pinasalang mangyayari. Kung tumigil ang driver, hindi naman siya mamamatay. Pero iyon ang nais ng author kaya humarurot ang truck sa NLEX ng buong tulin. Umakyat si Levy sa bubong at sinigaw, "Alam mong hindi ka basta-basta makakatakas sa renta mo, Gummy Boy!" Nagulat si Gardong Bayani. "Gummy Boy? Hindi ako si Gummy Bo..." saka lang nya narealize na sya si Gummy Boy na tinutukoy ng madla at sobrang pangit pala ng una nyang naisip na pangalan. Humarap si Levy sa harap ng truck at mula sa tubo ng kanyang washing machine ay may lumabas na dalawang bola na light blue ang kulay.
Pagtama sa daan, nagkaroon ng bako. "Asido!" Ang naisip ni Gummy Boy. Buong tulin na masyado ng takbo ng truck at hindi na mapipigilan ang pagtumba. Nagtatalon si Gummy Boy sa mga dumaraang sasakyan hanggang makatalon sya sa pinakamalapit at pinakamababang kable ng kuryente. Alam nyang hindi dapat masaktan si Levy dahil wala naman siyang kasalanan at may karapatan talaga siyang magalit. Nagswing sya papunta sa direksyon ni Levy para iligtas sya, pero hinablot sya ni Levy sa tagiliran at hinawakan ang kableng hawak ni
Gummy Boy at itinali ito sa paa ni ating bida. Matapos magawa ito, itinapon nya si Gummy Boy sa daan at buong sakit na gumasgas ang likod nya sa bilis ng takbo ng truck. Nang bumaon na ang truck sa mga hukay na ginawa ng asido ni Levy, ginamit nya ang force of motion para makagawa ng arc at gamitin ang projectile para itapon pataas si Gummy Boy.

Nung nasa ere na, nakahablot ng kable si Gummy Boy at ginamit ito pababa papunta kay Levy. Sinalo sya ulit ni Levy at nakadapang dinaganan. Tumayo si Levy at sinakal sa isang kamay si Gardo. Nakita nya ang media at sinigaw, "Eto ang pinagmamalaki nyong bida!" sabay hablot ng bonnet paalis sa ulo ni Gummy Boy. Hinawakan ni Gummy Boy ang mga tubo ng washing machine ni Levy at biglang tumayo. Lumanding si Levy sa washing machine nya na parang salagubang. Sa pagtumba nya, aksidenteng may lumabas na isang asidong bola sa mga tubo at lumipad ito papunta sa mga media. Natamaan ang video camera nila. Iisang video camera lang ang nakakuha sana sa tunay na pagkatao ni Gummy Boy. Kinuha ni Gardo ang bonnet nya. Sinuot nya ulit at sinabi kay Levy na yun na ang huling pagkakataon na maeexpose sya ni Levy sa masa. Sinabi ni Levy, "Wala ka nang susunod pang pagkakataon, Gardo!" at siya'y nagpawala pa ng mga asido. Nagtunaw ito ng konting kable ng truck at nakita na kung ano ang nasa loob. Mga ilegal na paputok na idedeliver sa Bulacan! Pano nalaman na ilegal? Tinignan ni Gummy Boy ang pangalan ng pabrika at nakita ang pupuntahan nito: Dimakabuntis Illegal Explosives. Biglang nagignite ang asido ni Levy at papunta ito sa mga paputok. Kinuha nya si Levy at nagswing palayo sa truck. Pagsabog ng truck, nagkaroon na naman ng force of motion na nagpalipad sa dalawa. Sinabi ni Levy na walang karapatang mabuhay si Gummy Boy at itinutok na naman ang mga tubo ng washing machine. Asido na naman! Humatak bigla ang kable ni Gummy Boy at umikot ito sa poste sabay sipa kay Levy hanggang bumagsak na ito.

Sa pagkabagsak, natanggal ang washing machine sa likod ni Levy. Nakayuko na lang sya na nakahandalusay sa tabi ng isa sa mga nabanggang kotse. Naririnig na ang mga papalapit na sirena ng pulis. May nalaglag na isang makapal na bundle ng pera sa harap nya. "Bayad na siguro ang lahat ng utang ko sayo." Si Gardo. Lahat suot nya maliban ang goggles at bonnet na hawak lang nya sa kanang kamay. Punit na ang likuran ng t-shirt at madumi na ang ilang parte ng katawan at dumudugo ang mga sugat at gasgas nya. Kinuha ni Levy ang pera at sumandal na ulit. Sumandal sa tabi nya si Gardo. Sabi ni Levy, "Alam mo, kung sinabi mong magbabayad ka na kanina pa wala na sanang nasaktan sa 'ting dalawa." At nagtawanan na silang dalawa. "Saan ka nakakuha ng pera?" Tanong ni Levy. "Nung unang gabi kong naging superhero, naisip kong kailangan ko magbayad sa'yo. Kaya nilibot ko ang lahat ng kaibigan ko at nanghiram ako ng pera sa kanila." "Haha.. SUPERHERO? Malayo pa Gardo. Malayo pa. Dapat mayroon ka ring mapormang ending!"

Tumayo na si Gardo at sinuot na ang bonnet at goggles. Hawak na nya ulit ang kable ng kuryente at aalis na sana nang biglang, "Gardo," pagaawat ni Levy. Tumayo ito at inalok ang kamay kay Gummy Boy, nakikipagshake hands. "Salamat. At mukhang sa pagkakakulong ko, walang titira sa bahay. Baka gusto mong tirhan ulit." nakangiting sabi nya. Mariing tinanggap ni Gummy Boy ang shake hands ng kaibigan at umalis na ito.

Matatapos ang kwento na ipinakitang nagbibihis ulit si Gardo. Ngayon ay marami na syang extrang costume. Naisip nya, marahil, wala nang ibang tao sa Pampanga ang gagawa ng ginawa nya. Inuna nya ang kapakanan ng iba bago ang sarili nya. Anumang pagkakamali nya
upang mangyari sa kanya ang bagay na ito ay hindi nya kailanman pagsisisihan. Ito na ang buhay nya. Ito ay ipinagkaloob sa kanya at responsibilidad nya ang ipakitang kaya nyang gawin ito.
EPILOGUE:
Sa isang selda. Madilim.

Nagbibilang ng pera si Levy. Napatigil sya at tinignan lahat ng perang nasa palad nya. Biglang sinarang madiin ang palad at nagngingitngit na naman ng "Gardoooo..." Kulang ng dalawang-daang piso ang ibinayad sa kanya.
"Humanda ka, Gardo Bersosa."





GB2

Gummy Boy: No More


Dalawang taon na mula ng maging Gummy Boy si Gardo Bersosa. Iniisip nya kung tama ba ang pagtatagal niya bilang isang tagapagligtas ng walang bayad. Stressed sya lagi at hindi naman sya nakakakuha kahit anong singko sa pagligtas nya sa iba. Wala na syang nagagawa para sa sarili nya.

Ilang buwan na rin ang nakaraan noong makita nya ulit ang akala nyang dala lang ng hilo niya- ang binatilyong mabilis tumakbo. Nakasama nya ito sa mga panahon na nagliligtas sya at medyo dehado ang kalagayan nya. Ang taong ito ay si Takboy. Wala pang may alam kung pano nya nakuha ang kanyang kapangyarihan. Walang may alam maski si Takboy mismo. Wala rin syang tunay na pangalan, hindi alam ang edad at araw ng kapanganakan. Walang personal na pamilya at kaibigan. Si Takboy, sa panahong ito, ay iba na rin ang mukha. Matagal na mula nang una silang magkita. Mahaba na ang buhok nya. Marami na syang sugat sa katawan. Bulag na ang kanyang kanang mata marahil dahil hindi na nya makontrol ang bilis ng kanyang pagtakbo.

Madalas makasama ni Gardo si Takboy. Kaso may mga oras na nauuna na si Takboy sa pagligtas ng mga nangangailangan. Sya ang may advantage dahil sa tulin nyang kumilos. Hindi ito napapansin ni Gardo nung una. Pero dumating din ang oras na naramdaman nyang hindi na sya kailangan ng tao.

Limang buwan na rin mula ng makakuha sya ng sarili nyang tirahan. Hindi na niya tinuloy ang pagtira kina Levy dahil hindi nawawala ang nararamdaman nyang may banta ang buhay nya sa bahay na yon. Ngayon ay nakaapartment na sya sa Manila at nagaaral na rin in part para makatapos sya kahit simpleng kurso lang.


*** itutuloy pa!



Saturday, May 26, 2007

Gummy Boy: Black



Malamang naiisip mo, naku! Gumaya na lang ito sa Spider-Man 3! Well, oo. Aminado naman ako. Aminado ako na ang Gummy Boy ay ginaya ko lang, obviously, sa Spider-Man. Pero ginaya ko lang ang mga pinoy producers na gumagaya sa mga gawang kano at sasabihing original nilang idea yon. Hindi ako ganon. Hindi ko inaangkin ang idea ni Stan Lee. Ginawa ko lang nakakatawa. Hindi ko rin ginawang itim si GB dahil kakapalabas lang ng Spider-Man 3. Wala lang akong oras dati pero kung alam mo talaga ang history ng character ko, dalawang taon na mula ng gawin ko ang Gummy Boy:Black. At ito ay naisip ko nang mabasa ko ang gawa ni Frank Miller na Spider-Man:Blue at Hulk:Gray. Meaning? Hinango ko lang ang title sa paraan na pagkakagawa ng iba. Oo walang originality, pero sa mga panahon ngayon, kung makakagawa ka naman ng isang bagay na ikatutuwa ng iba at mailalagay mo ang sarili mong istilo para makapagbuhay ng isa pang bagay, ba't hindi mo nga subukan?

ANG KWENTO

Sa mga nakakaalam na sa kwento ng Gummy Boy, read on. Sa mga hindi pa, maaari nyong mabasa ang ilang synopsis at character history dito. Hanapin nyo na lang ang Gummy Boy Chronicles.

Lahat tayo frustrated na sa buhay at one point. Pero may mga responsibilidad tayo na hindi matatakasan. Ang isa sa mga to, na ito rin ang magiging theme ng story, ay time management. Babaw no? Bah, ngayon ka lang ata makakabasa ng comics tungkol sa time management.

Tuluy-tuloy na ang pagtatrabaho ni Gardo sa Manila matapos nyang grumadweyt ng kolehiyo. Dumating ang point na may inaasikaso sya sa probinsya at kinailangan nyang maguwian ng tatlong araw. Along the way, ginagawa din nya ang bagay kung saan sya talagang magaling- ang magligtas ng taong nangangailangan. Pero nung minsang nakauwi na sya ng Pampanga at hindi na nakayanan ng katawan nya, nagpahinga muna sya sandali sa gilid ng bubong ng isang building. Dito na sya nakatulog hanggang abutan na ng dilim. Mga alas sais ng gabi, nagpatunog na ang Pasudeco, isang Sugar Mill ng San Fernando. Kung alam mo ang Pasudeco, magpapamudmod na ito ng mga abo na galing sa mga sinunog na dayami. Maraming ganito ang umuulan everytime nagpoproduce na ng asukal ang factory.

Kumapit ang mga abong ito kay Gardo. Natyempuhan pang maulanan at kumapit ng husto sa damit. Nang magising sya sa kanyang pananaginip ng masama, nalaglag sya sa at sumabit ang paa nya sa kawad ng kuryente at harap harapan sya sa itsura nya ngayon. Isa na syang marungis na tao na may nangingitim na costume. At as usual, kung kilala nyo si Gardo, na akala nya e after all these years ay may kapangyarihan sya, inisip nya na may bago syang costume. In short, hindi sya naglaba at pinabayaan nyang mabantot sya basta alam nyang maporma sya.


Poster concept courtesy of Spider-Man 3

ANG KALABAN

Expect mo na na kasama si Levy sa roster ng kalaban. Pero kung sino talaga ang main? Hehe... Maghintay kayo. Ilalabas ko sya unti-unti sa CX Site. Pero kung gusto nyo ng hint, well, hindi ito si Kamandag o si Jerbax. Hehe, bale nasa mga 23 characters na lang ang pagpipilian nyo.


Poster concept courtesy of Spider-Man 3

Poster concept courtesy of Spider-Man 3

Gummy Boy: Black

Ako si Gummy Boy. At ito ang kwento ko.

Pitong taon.

Tama pa ba ang pagsasakripisyo ng sarili kong buhay sa loob ng mahabang panahon? Oo ilang beses na akong nahirapan sa pagbabalanse ng buhay ko bilang ordinaryong tao at isang taong tumutulong sa mga nangangailangan. Iilan lang sa mga yon ang nagbigay sa akin ng kapalit. Pera, pagkain, damit. Oo, weird mang marinig, may niligtas ako na binigyan ako ng damit. Para akong nasalanta sa bagyo na inalayan ng tulong. At least nadagdagan ang mga duster ng landlady ko. Nagtitinda kasi ng duster sa palengke ang sinalakay ng mga masasamang loob.

Kailangan ko na nga bang isarado ang cabinet ko ng mga costume ko? Kailangan ko na bang hubarin ang mga bonnet at goggles ko? Kailangan ko na bang isakripisyo ang buhay na wala ng ibinigay sa kin kundi sakit ng katawan, sugat, peklat at iba pang marka na magkukuwento sa kin ng mga napagdaanan ko para lang sa ikabubuti ng iba? Ito na ba ang katapusan?

Kailan ba tumigil sa pagligtas ng tao si Superman? Kailan ba tumigil sa pagtulong si Batman? E kahit sa Batman Beyond nandyan pa rin sya kahit nahihirapan na syang magbukas ng gamot nya. Pero ako, konting gulo lang sa pagiisip titigil na ba ako? Si Batman ay tao lang na walang kapangyarihan. Mayaman siya at kaya nyang makamit ang gusto nya gamit ang pera nya. Pero napabayaan nya si Robin at pinatay sya ni Joker. Pati si Batgirl nalumpo dahil na rin kay Joker. Si Spider-Man namatayan ng girlfriend dahil kay Green Goblin. Pero naapektuhan ba sya ng kamatayan ni Gwen Stacy? Si Aquaman natunaw ang kamay pero nagpatuloy pa rin. Bakit ako nagaalangan sa sarili ko ngayon? Isa lang ang alam kong sagot. Dahil silang lahat ay kathang-isip lamang. At ako ay nakatira sa tunay na buhay.

"May bumabagabag sa'yo.." sabi ng tinig na galing sa madilim na parte ng bubong na tinatambayan ko.

"Hehe... Kelan ka ba nagkamali.. Scout?" sabi ko.

"Gardo, ang mga yan ay kailangan maranasan ng tao. Maniwala ka sa kin. Marami na akong nakitang taong kailangan ng tulong. Hindi ko kailanman pinakita ang sarili ko sa kanila. Datapwa't wala silang tulong na nakukuha, sa huli, makakahanap sila ng daan para mabalik ang ngiti sa mukha nila. Ang duda ay hindi nawawala sa tao, Gardo. Pero hindi ibig sabihin nito ay mawawala na ang lahat kapag itinigil mo ang isang bagay na gustong-gusto mong ginagawa."

"Gusto ko to? Scout, wala akong napapala dito. Wala akong maisip na dahilan para magpatuloy pa.."

"Ilang tao na ang humaba ang buhay dahil sa ginawa mo. Ilang tao na ang nagkaroon ng pag-asa dahil sa pagtulong mo. Wala kang mahanap na rason? Isipin mo ang mga ginawan mo ng tulong."

Tama sya. Wala akong dahilan na mahanap kanina dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Nawala na sa isip ko ang mga taong naging parte na ng buhay ko.

"Kung maaari, hihingi sana ako ng payo."

... wala na siya. Lagi nyang ginagawa sa kin ito. May sasabihin sya na kontra sa iniisip mo tapos kapag may naisip ka na wala ka ng pagkakataon para maitanong mo pa sya. Minsan gusto kong tumalon na lang at magpakamatay para dumating sya sa kapakanan ko. Maswerte ako na nakakilala ako sa isa sa mga living guardian angels dito sa mundo. Hindi natin sila kailangan makita. At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagpakita sya sa kin. Napangiti na lang ako. Hindi ako superhero para magpasikat. Hindi ako superhero para malaman ko kung anong klaseng tao ako sa iba. Superhero ako dahil ako ang naatasan ng tadhana na magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga nangangailangan. Superhero ako para ipakita sa mga nawawalan na ng pagasa na walang saysay ang paggawa ng karahasan. Superhero ako dahil ako ang taong magbibigay katotohanan na ang buhay ay hindi kailanman isang comics. Ako si Gummy Boy. At ito ang kwento ko. ..parang yun lang ang intro ko kanina a... hehe... makapaghanap nga ng maliligtas...

Scout

"...ano ba ang isang payo ng isang kaibigan sa isang taong nawawala sa landas?" sabi ng isang misteryosong anino sa kabilang building.
"siya na ba ang susunod nating... paglalaruan? hehehe" sabi pa ng isang may nanginginig at malamig na boses.

"Oo. Tinitingalaan sya ng tao. At nauubos ang pera ni boss dahil tumitigil na ang pagikot ng pera galing sa mga bata natin."

"Heh! Simulan na natin ang laro."

"GARDO!! Halika nga samahan mo ko magyosi.." sabi ng boss ko.

"Yes ser. Kita na lang tayo sa baba ser."

Pagbaba ko, kinakabahan ako. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito.

"Alam mo pare, no pressure ha? Pero ang trabaho dito sa call center, parang hindi para sayo."

"Bakit naman ser?"

"Nakikita mo ba ang stats ng team natin? Isa ka sa mga naghahatak pare e. Prangkahan na lang. Ano ba ang problema?"

Wow hanep. Anong problema? Isa sa mga problema ko ay hindi na ko makatulog dahil sa pagliligtas ko matapos magtrabaho. Minsan pati break ko sa opisina lilibot pa ko makahanap lang ng nangangailangan. Ang problema ko e niligtas kita last week at hindi mo man alam na ako ang gumawa non. Kung alam mo lang siguro na ginawa ko yun suswelduhan mo ko kahit wala akong ginagawa.

"Wala namang problema ser. Nabibigla lang ako sa mga nangyayari."

"Alam mo, Gardo, kailangan mo lang ng konting motivation, konting takot. Makikita mo, kaya mo rin yan. Lahat ng agents natin pasado naman. Ikaw lang ang nahihirapan. Nahihirapan ka bang matulog sa gabi?

Tinignan ko lang sya. Paulit ulit ang hiti't buga sa sigarilyo.
"Alam mo, pare, sabihin mo lang ha? Kung nahihirapan kang magtrabaho, sabihan mo lang ako. Bigyan kita ng chance magrelax. Magpahinga."

Wow. Salamat naman at nagkaroon ako ng pahinga. Mabait naman ang boss ko e.

"Uhm.. ser, pwedeng humingi na ko ng isa ngayon?"

"Bakit?"

"Personal na rason ser." sabay takbo na ko sa mga dumaraang kotse ng pulis at mga firetrucks.

Pitong taon ko ng suot ang itim at pulang kulay. Mga kulay na naging panibagong simbulo ng kaligtasan laban sa masasamang loob. At ngayon, tumanda na tayong pareho, damit ko. Pero hindi mo ko pinalya kahit minsan. Ipinakita mo sa madla na ang kulay mo ang katauhan ko. Ang itsura mo ang imahe ko. At ngayon, kailangan na ulit tayong magtrabaho.

"SUNOOOOOOOOOG!!!! SUNOOOOOOOOOOOOOOOOOOG!!!! SHET SUNOOOOOOG!!!!"
Super Sigaw. Kahit papano nakakatulong sya na lumayo ang mga tao sa pagaakalang may topak sya na nagpapanggap na superhero. Pero kahit pano, kahit normal lang syang taong sumisigaw, malaki na rin ang natutulong nya sa mga panahong ganito.

"GUMMY BOY!! MAY DALAWANG TAO SA LOOB. TULUNGAN MO!!!" sigaw nya sa kin. Sumaludo ako sa kanya para alam niyang narinig ko sya. Swing ng swing papasok sa isang basag na bintana. Hinanap ko agad ang mga tao. Ayun ang isa. Hindi na makahinga. Suffocated sa usok. Sumilip ako sa labas. May jump area na na sinet-up ang mga bumbero. Wla ng oras. Magigiba na ang building. Tinapon ko na ang mama. Nasalo naman ng mabuti ng mga bumbero.

"GUMMY BOY!! YUNG ISANG MAMA!!!" sigaw ni Super Sigaw. Alam ko. At kailangan ko ng magmadali.

Sa sobrang init, nanghina na ko. Inangat ko na ang kalahati ng bonnet ko dahil nahihirapan na akong huminga. Nasunog na ang isa kong gwantes sa kakaiwas sa mga nasusunog na kahoy at kurtina. Mahapdi na ang balat ko sa init ng hangin sa loob.

"GUMMY BOY GUMMY BOY!!! NAKALABAS NA PALA KANINA PA YUNG MAMA!!! NAKALIMUTAN KO LANG!!! NATENSE AKO SOBRA E!!!".. walanghya ka Super Sigaw... Muntikan mo pa akong isakripisyo.

Hindi na ako makahinga sa sobrang kapal ng usok sa loob. Ganito na lang ba? Ito na ba ang sinasabing huling sandali ng buhay ko? Masaya na ba dapat ako para matapos na lahat ng paghihirap ko? Tumumba na ako. Hindi ko na kaya. Nagluluha na ang mata ko sa dami ng usok na nalanghap ko. Ito na nga ang katapusan. Puro usok at apoy na lang ang nakikita ko. Mahapdi na ang balat ko sa init. Unti-unting humihina ang pandinig ko sa ulit-ulit na sigaw ni Super Sigaw sa pangalan ko. Kailangan ko lang malaman kung ano ang huling bagay na makikita ko. At eto na agad. Isang nasusunog na kahoy na babagsak at magtatanggal ng buhay sa katawan ko. Pipikit na lang ako.

"Hindi ko alam na seryoso ka pala sa pagwawalang-bahala mo sa buhay mo."

Scout.. nahihirapan na akong magsalita pero alam ko naipakita ko ang ngiti sa mukha ko at nakita ko sya nang oras na yon. Sobrang laki na ng utang ng loob ko sa'yo kaibigan. Sana isang araw ikaw naman ang mapagalayan ko ng matinding tulong. Salamat.

"ANONG NANGYARI? BAKIT WALA NA SYANG BUHAY? BAKIT Ghdfdhdhghhhfff...ffh?"

"Tumigil ka sa kakasigaw muna. Masama ang lagay nya at nakalanghap sya ng maraming usok. Kailangan nya ng propesyonal na pagaaruga. Pakiusap, Super Sigaw, ikaw na ang bahala sa kanya. Mayroon akong kailangang alamin sa pinagmulan ng apoy na ito." sabi ni Scout. "Teka lang. Sandali. Delikado ito. Mapupwersa ang mga doktor na tanggalin ang panakip-mukha nya. Super Sigaw, pakikuha mo ako ng malaking garapon na maaaring mabasag."

Labing-limang minuto na halos ang nakaraan nang biglang nagkaroon ng masamang reaction ang katawan ni Gardo.

"Wag ka munang bumigay sa akin, Gardo.. SIGAW!! BILISAN MO SA GARAPON NA HINAHANAP KO!"

"SANDALI LANG!! WALA NAMANG GANYANAN!!"

"SINISIGAWAN MO NA NAMAN AKO E IILANG METRO KA LANG??"

"..hindi po bossing.."

"WALA KA BA TALAGANG MAKITANG GARAPON??"

"..wala po bossing.."

"TSK! Ako na lang ang gagawa ng paraan." at nagpunit ng maliit na pirasong tela si Scout sa damit nya. Sa isang kumpas ng kamay at konting bulong, naging isang lobong babasagin ang tela. Sinaksak nya ang maliit na parte ng lobo sa may dibdib ni Gardo at tinapatan ng dalawa nyang kamay. Walang anu-ano ay may bilog na drawing na umilaw sa paligid ng dalawa. Maraming linya, tatsulok, bilog at iba pang hugis ang lumabas na kulay dilaw. Madilim bigla ang paligid. Umangat ang dibdib ni Gardo at biglang may itim na pumasok sa lobo. Naisip ni Super Sigaw na ito ang usok. Pero nang basagin ni Scout ang lobo...

"HOLI SHET!!" sigaw nya. Hindi usok ang laman. Abo.

"Kailangan lang nya ng pahinga. Nawalan sya ng hangin sa ginawa ko. Kailangan nating mabilisang lamnan ng hangin ang mga baga nya."

"Anong gagawin natin? Hihipan ng salit-salit? THAT'S JUST GROSS, MAN!!"

"Hindi na kailangan ang pandidiri mo. Narito na ang taong makakagawa ng mabilisang paglaman ng hangin sa kanya.

"Sa lahat ng oras, hindi ko akalaing pwede palang ikabuhay ng taong ito ang bilis ko." nakangiti ang taong hindi napansin ni Super Sigaw na bigla na lang pala nilang katabi.

"Takboy, nanganganib na ang lagay niya. Bilisan mo na." sabi ni Scout.

"On the go!" at dali-daling tinakbo ni Takboy si Gardo. Iilang segundo lang ay nasa isang lugar na sila na puno ng sariwang hangin.


Norzagaray, Bulacan


"Dumating na ang shipment ko sa wakas. Makakapagbenta na ulit ako ng mga paputok. Lalo na't malapit na ang bagong taon."

William Dimakabuntis. Isang bagong laya na nakulong ng limang taon dahil sa pagbebenta ng ilegal na paputok. Ngayon, nakakuha na sya ng panibagong lisensya para magbenta ng mga paputok anytime of the year. Nangako na siya na hindi na siya magiging kriminal ulit.

"Ano ang mga paputok, kung hindi naman ito magagamit sa kasiyahan ng tao..." sabi ng boses sa dilim.

"Ano ang laro, kung hindi ito gagamitan ng konting kasiyahan, Ruben Padilla..." sabi ng isa pang boses na malamig at nanginginig. Sila ay pawang mga anino lamang na nakatayo sa isang sulok, pero halatang matagal ng nagmamanman.

"Ruben Padilla... matagal ko ng binitawan ang pangalang yan. Kung maaari sana ay wag nyo na akong istorbohin." ani William.

"Alam kong gusto mo ng maging malinis," sabi ng malalim na boses, "..pero alam kong interesado ka rin. Hindi namin sinasabing balikan mo ang nakaraan mo." at may hinagis na bagay mula sa dilim. "Pag-isipin mo ang magiging gamit ng mga laruan mo, Ruben."

Tinignan ni William ang bagay na itinapon. Dyaryo. The Industrialist. Headline si Gummy Boy.

Sa isang madilim na lugar..

"Masaya ako at mapagkakatiwalaan ko kayo sa pagbabalita sa ating target. Sino pa ba ang maaasahan ko kundi ang pinakamagaling sa paghabol sa mga lalaki- ang mga Pakat-suki. At sa mga unang misyon, malaking pasasalamat ko sa inyo, Itaching at Kiss-meh." sabi ng isang hooded figure.

"Maraming salamat, Bossing!" sabi ng dalawang Pakat-suki.

"Pero marami siyang kaibigan. Anong binabalak mo sa mga kakampi nya, Bossing?" sabi ng malamig na boses ni Itaching.

"Ipinadala ko na si Dildora at si Master Sash-sory para espiyahan ang mga kasama niya. Alam na natin paunti-unti kung pano patumbahin ang mga bida ng lugar na ito at babagsak na rin sa wakas ang kabutihan."

"Heh! Magaling ka talagang gumawa ng plano, Bossing!" Sabi ng magalas na boses ni Kiss-meh.

"Kaya nga bossing ako e. Kung ikaw ang pinakamagaling na gumawa ng plano, edi ikaw sana ang bossing..." sabi ni Bossing.

Sila ang mga Pakat-suki. Liga ng mga kinatatakutang bakla. Matindi pa sila sa Tong-bak. Mga naka-cutex na itim at nakajacket na itim na may design ng puso at rosas na pula. Miyembro nito si Bossing, ang pinakakarumaldumal na bakla, may pagkabaliw at walang iniindang lakas-lalake. Ang mga nakilala nyo na, si Itaching, may kulay pulang contact lens, magaling gumamit ng Ka-gay-bunshin technique at Charing-gan technique. Si Kiss-meh, isang baklang kinulayan ng asul ang buong katawan. May hawak na malaking armas na nakabalot ng tissue paper na hugis Schick na shaver. Sobrang laki nito. Mga 7 feet. May contact lens din siya na mukhang mata ng pinakuluuang bangus. Ang dalawa pang nabanggit, si Dildora at Sash-sori. Si Dildora ay may kakaibang bibig. Magaling maghulma ng kung anu-ano sa kanyang bibig. May maangas na muscle control sa panga. Si Sash-sori naman ay magaling gumamit ng mga daliri. Kung paano nya nagagamit ang mga daliri niya, ayoko na malaman.

Ang Pakat-suki ang grupong nilapitan ng mga masasamang loob para patumbahin ang grupo ni Gummy Boy. Sa kanilang sobrang pangangailangan, lumapit sila sa isang grupong hindi nila talaga maintindihan, pero gusto talaga nilang maghimagsik ng lagim kaya hindi na nila inisip kung sino pa ang nilapitan nila.

"Simula mamayang gabi, maraming tao ang mamamatay. Ako ang taong may isang salita.. HAHAHAHAHAHA!!" Kagimbal gimbal ang boses ni Bossing.

***itutuloy pa***

Friday, May 25, 2007

NICE A.S.S. (Annual Summer Swimming) 2007

Every year, nagkakaroon kami ng summer swimming ng barkada ko. Kapag sinabi ng lalabas kami ng CXGM, iisa lang maiisip mo dapat. Bisyo. Well, majorly dapat yun lang. Kasi pagkatapos ng swimming, iinom na at yoyosi. Actually kapag pinaplano palang ang outing na to, halos kalahating porsyento ng oras sa pagpaplano e tungkol sa kung anong "special" na gagawin matapos naming iexercise ang mga kalamnan namin. Syempre kailangan ding iexercise ang baga at atay.

Siguro sa simula pa lang ng aking pagsusulat nito, isa lang ang masasabi ko. Ito ay, kung hindi man, ang pinakamasakit sa ulo na summer outing ng CXGM. Although hindi lahat ng gusto ay napagbigyan, at hindi lahat ng napagbigyan ay naenjoy, at hindi lahat ng naenjoy ay libre, dumating ang outing na ito sa point na masaya naman sa katapusan.


Konti lang kaming nakarating ngayon. Ako, si Runald, si Gara, si Edwin, si Jian, si Benjo, si Jann, si Burny, si Jeff at ang ever present na si Bawc lang ang nakapunta. Bagama't hindi kami nakumpleto, naging fulfilling naman ang stay namin sa resort.
Hindi ito katulad ng usual na outing ng CX, na laging may nangyayaring:

-may dalang isang malaking lalagyan ng tubig si Edwin (Salamat Thumb's Up)
-nagluluto ako ng dinner at almusal
-laging nauunang matulog si Burny -laging nasasaktan si Burny.. hehe -may pabaon si Lyz ng kahit anong pagkaing lalampas sa presyo ng limang litrong diesel
-nagkakanta si Runald sa videoke naririnig sa loob habang nagluluto ako
-lalapitan ka ni Runald at ihaharap sayo ang isang deck ng baraha na bigla na lang mababawas ng isa -magtatakbuhan pag luto na ang pagkain
-may tirang dinner para pulutan sa gabi
-may at least tatlong taong mamalasing hindi matulog
-may tent sa Inuman Session
-ika-cut ka ng kotse ni Edwin pag pauwi na sila at pagkatapos ng dalawang kurap ng mata ay wala na silang bakas sa daan.

Venue. Isa ito sa pinakamalaking judgment call na nangyari. Hindi nakuhang magpareserve sa Alfredo's, na mga tatlong beses pa lang ata kaming nagswimming. Sa ngayon, doon kami sa kasagsagan ng Villa Antonina. Pag nakita mo ang poster, hanep! Mukhang mansion ni Batman na pinagawang resort. Nasa isip ko non, since hindi pa talga ako nakapunta sa lugar, sana ganito talaga kaganda dun... at ganun nga! wala akong masabi sa lugar. Maganda ang ambiance, presko, maporma at mukhang magpapaspa ka sa loob. Parang yung mga commercial lang ni Paolo Bediones. Pagdating namin sa pila, biglang may maraming tao na sumunod sa min! Akala namin sila ang mga na-hire na tribo na magpapakulo ng tubig sa malaking malaking palayok na mayroon ding buo buong sibuyas at carrots at ihuhulog kami isa-isa ng nakapiring ang mata. Pero nalaman namin na isang angkan lang pala sila na lalangoy. Nabendisyon kami agad na sa pila pa lang papasok, nako, isang buong barangay sila na nagenrol kung magkano ang mga cottages. Matapos ang mga tatlumpung minutong kalbaryo, nalaman naming kami ang isa sa mga occupant ng 3rd floor. Konti lang naman ang mga steps e. Para kang si Rocky na umaakyat sa Philadelphia National Museum.

Pagpasok namin sa kwarto, ayos, maganda at malalapad ang kama. Kaso nasa labas ang banyo. Masasabing tama lang ang laki kasi hindi na rin kailangan ng kusina, at may terrace naman para pagambayan at kulang na lang ay ring para makapagbasketball ka na. Yung banyo mukha naman syang ok, pero nung naligo ako ay may salagubang bigla sa loob. Hindi ko alam pano nakapsok yun dun. Pero lumalangoy sya sa may shower room. Alam siguro nyang resort ang napuntahan nya at nagbabutterfly pa sya sa may tubig. Malas na lang nya at takot ako sa mga salagubang. Kaya pinasok ko sa kahon ng sabon at tinapon ko sa basurahan na nasa lob ng cabinet sa baba ng sink. Kasama nya ngayon ang madugong... uhm... basta. Yung kung anumang may dugo yun na nakita ko sa basurahan.

Masasabi kong ok talaga yung part ng terrace na yun. Maluwang at presko.May kasama kang mga matanda sa isang part, at isang gang bang group sa kabila. Hindi ko alam kung ano talaga ang gagawin nun pagpatay ng ilaw, pero mukhang enjoy mavideo yun at ibenta sa dating Editor-In-Chief ng school paper ng DHVCAT. Overlooking din ang buong resort, lalo na yung mapunong bahagi nito sa bandang kanan na hihintayin mo na lang dumungaw ang T-Rex at kakain ng mga bata sa pool. Oo ganun kapuno dun. Kaya kahit mataas na ang araw, marami kang makikitang lilim na lugar. Nung entrance pa lang kasi at nakita namin ang mga daanan, hinihintay na lang namin si Pareng Steve Irwin para pakitaan kami ng mga crocodile nya habang me sting ray sya sa dibdib. Mukhang nasa Pampanga ka lang ng isang minuto at nasa Manila Zoo ka na sa susunod. Pero balik tayo sa terrace. May ihawan din sa may far left, at may parang mahogany na bar table sa far, far left pa, na naging magandang taguan namin ni Benjo nung pinaisip namin kay Bernie na sya na lang ang nagiisang tao sa mundo. Pero mamaya pa yan.

Umulan, nagkayayaang magswimming. Lumakas ang ulan, lalong nagkayayaang magswimming. Syempre common sense na kung ano ang ginawa pagkatapos. Nagyosi. Tapos nung tumigil na ang ulan at hindi na nagyayayaang lumangoy e saka kami bumaba. At hindi ganun katagal bumaba. Ambilis lang. Di ko alam bat di na lang nila naisipang gumawa ng slide mula 3rd floor hanggang sa pool.

At ayun na nga, ginawa na namin ang pinakapurpose ng lugar na yon. Lumangoy na kami. Pero bago yon, nagwarm up muna sa soundtrack ng Baywatch. Feel ko ako si Yasmeen Bleeth nung papunta na ko ng pool. Tapos lumusong na kami. Nagbasa ng buhok, nagbasa ng katawan, sumisid (pwera kay Jeff), nagkahabulan, lahat na. Tapos nilakbay na namin ang iba pang mga pool. Mainit, marumi, magrasa na parang pag pinakuluan mo ang spaghetti noodles sa tubig at nilagyan ng konting mantika at may naaapakan pa kaming kung anong bilog sa ilalim ng pool. May slide oo. Pero hindi man mahihilod ang katawan mo sa ikli ng pagpapadausdos mo. At hindi rin sya katulad ng ibang slide na may tubig para tulungan ka pababa. Yung ngayon ipunin mo ang tubig sa shorts mo at kusa kang hahatakin ng espiritu ng pool.

So ayun, pumunta kami sa original na pool. Mas masaya pala dito di hamak kasi may mga nagsusquirt na tubig na mainit. Hindi ko lang alam kung makina yon o may staff talaga sa baba na magkakatabi tapos jumijinggle lang, pero masaya. At may bar dun sa may dulo. Oo, may bar sa swimming pool. Kaso walang bartender. At walang staff na kukuha ng order mo. So hindi rin bar yun. Tambayan lang siguro ng mga pinulikat. May mga upuan din kasi na parang yung niyayakap na umiikot na mushroom sa Takeshi's Castle. Kaya kung sumisid ka at hindi mo alam na may ganun, malamang tulog ka agad. At nung dumilim na, wow! Umilaw ang pool! Parang may kampon ng kadiliman na biglang aangat sa gitna, na ang taste ay disco colors! Parang naintindihan ko na tuloy kung bakit palaging lapit ng gamu gamo sa kandila. Kasi ganun din ako sa ilaw na yun. Hehe... Parang tatanggalin ang saya sa katawan mo. Pero nung pagtingin ko na lang kay Burny ay bigla sya nabackhand ni Runald sa pisngi. Sumaya ulit ang mundo! Hehe..

Dumating ang oras na napagod na kami at kailangan ng umakyat. Watda? Ang aking mga tsinelas! Ninenok ang aking mga tsinelas!!! NASAN ANG TSINELAS KOOOOH??!! Gusto kong halughugin ang buong resort at hanapin ang tsinelas kong binili pa sa Shaw na halagang 150! Langya, humarurot agad sa isip ko na nakatapak akong uuwi kinabukasan. Parang yung mga mangyan na naglilimos para makabili ng... pagkain... Hindi ko alam kung bakit kada birthday ni Jian, may nawawalan ng tsinelas. Ganun din si Runald last year!
Hindi katulad ng mga dating A.S.S. na ako ay nagluluto, ngayon iba na. Naging waiter si Benjo at Jann. Nung dumating na sila, nagkaroon na ng pag-asa na hindi kami mamamatay sa gutom sa resort na yon. At nagkaroon din ng pagasa ang paa ko na hindi kami uuwi ng nakatapak. Nagpabili ako kay Benjo e. Ang cute pa, yellow na beachwalk. Hehe... at kumain na nga kami. Maraming maraming maraming salamt Benjo sa advance mong pabertdey sa min. Sana nga lang si Jian ay nagpabertdey din. Hehe...

Sa pagsisid namin ulit, nagpaturo nang sumisid si Jeff. Ang galing! Hindi sya gumagalaw! Ni hindi siya lumubog. Syempre to the rescue kami. Alam kasi namin na ang purpose nya para magaral ng pagsisid ay mamboso ng mga babae. Bandang huli, sa wakas! "I touched the floor!" sabi nga nya. Sabay pahapyaw kay Benjo ng "I touched the FLOR!!"... at isa pang "the FLOR!!!"

At siyempre, kailan pa ba nawalan ng Inuman Session ang Nice A.S.S.? Marami ring nangyari dito. At ang masaya, recorded ang last parts ng ating kwentuhan. Hehe... at hindi kailanman makikita ng kahit na sino yun! Pero may isang interesanteng pangyayari na navideo. Ito yung nagCR lang si Burny at paglabas nya, kinain na ng mga elyen ang ibang kaCX. Nawala lahat sila. Ano ang masasabi nya? "Mmmmmmm... What da?"""

Matapos ang isa't kalahating bote ng GSM Blue, maraming kaha ng yosi, isang litson manok, labinlimang stick ng barbecue, ilang pirasong hotdog, century tuna, tatlong boteng Pepsi Max, isang super bottle ng Heinz Ketchup (na sigurado akong hindi malungkot ang pritong ulam nina Benjo sa mga susunod na linggo) at kanin na galing sa donasyon, natapos na ang bakasyon. Para kaming si McArthur na naglakad pauwi, na ngayon ay mas magagaan na ang mga bag namin dahil naubos na ang rasyon.

Level of enjoyment? Ayus lang. Typical na parang lumangoy din kami sa Alfredo's. Yun nga lang, iba pa rin pag kumpleto. Mas maraming tumatawa at mas maraming kasama. In short, mas maraming tsibog, mas maraming yosi, mas mura ang babayaran.

Final question, worth bang bumalik sa Villa Antonina para sa mga susunod na outing? Oo!

And that's Xummer 2007.

Monday, May 21, 2007

Are you watching closely?

Piliin mo ang mga kaibigan mo. Hindi lahat sa kanila ay totoo. Madalas ay may gusto lang silang makuha sa'yo. Minsan gusto lang nila malaman ang mga sikreto mo. Wag mong sabihin ang pinakasikreto mo kahit kanino. Pipilitin ka nila at pupurihin, pero kapag bumigay ka na, wala ka nang kwenta sa kanila. Ang sikretong ito ay hindi nakakamangha sa iba. Kung bakit mo ito sinisikreto ay ang kailangan nila.

Pilipin Politiko

I am an amateur. When it comes to creating so many enemies that we need billions of dollars to protect ourselves, I'm an amateur.

When it comes to paying farmers not to grow food while people in this country starve every day, I'm an amateur.

When it comes to creating a drug policy that makes crack and heroin cheaper than asthma and AIDS medicine, I'm an amateur.

But there's nothing wrong with being an amateur.

* * *

How can you help the poor if you never been poor?

How can you stop crime if you don't know no criminals?

How can you make drug policy if you never smoked a chronic?

-Chris Rock's character, Mays Gilliam, from the movie,Head of State

Lahat ng tao gustong mamuhay sa tahimik na lugar. Mapayapa at yung talagang wala ka masyado iisipin at hindi sasakit ang ulo mo sa ingay na hindi naman talaga kailangan at OA na marinig. Wala akong kilalang tao na gusto ito. Maliban kay Former President Cory Aquino, kay James Yap, kay Joey Marquez at Philip Salvador.


Bata pa ko, naririnig ko na ang panlalait ng ama ko sa mga tumatakbong pulitiko sa bansa. ke lokal o sa mataas na posisyon, sigurado, may sasabihin yan. maaga akong naopen sa katotohanan ng mga nanloloko para lalong makapanloko ng tao, at mga taong naloloko para maloko pa lalo. loko no? pero ganun talaga kaloko ang katotohanan.

Isa sa mga napansin ko ngayong mga araw ay pag papalapit na ang araw ng halalan, may nangiistorbo sa mga kantang pinapatugtog sa radyo na ingay mula sa labas ng bahay. mga jingle ng mga gustong magpahalal na pinipilit ang pangalan nila sa mga sikat o sumikat na kanta sa panahon natin. tapos may message pa sa mga lyrics nila tungkol sa pagdurusa ng bayan, na sila ang dapat iboto, na kung ano ano ang magagawa nila para sa bayan at kung anu-ano pang ek-ek. at ang masakit, mas corny ang tono at mas pilit ang lyrics, mas natatandaan natin.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangan pang ipilit na gawing kanta ang kung anong paragraph na ginawa ng inday ng mga humahabol na taong ito. hindi ko kailanman nabasa sa books ko sa sibika at kultura at hekasi na nagpakawala ng mga karwahe si aguinaldo at me korni syang jingle para maboto syang kaunaunahang presidente ng pilipinas. malay ko ba kung me narinig sina bonifacio ng mga ganitong salita sa tono ng bahay kubo:


Aguinaldo
Kahit munti
ang magagawa sa'yo
ay sari-sari...

***

siguro kahit anong gawin ko hindi ako kailanman magiging senador o anu mang pinapaboto sa isang publikong lugar. buong buhay ko, tatlong beses ko lang nakuhang manominate sa mga posisyon na hindi ko naman kailanman pinangarap. dalawang beses akong class president nung college at seargent at arms ako nung high school. pero pag PRO, ewan ko lang kung may PRO na nagpapaboto ngayon, madalas yun. isa akong utusan. kung ilalagay ko ang sarili ko sa isang posisyon ngayon, sigurado pa sa katotohanan, hindi ako maboboto. kasi una, hindi artista ang tatay ko. hindi rin ako artista. hindi artista ang kahit sino sa direct family ko, at hindi ako boksingero. hindi ako singer, hindi ako sikat, hindi ako utuuto sa mga payo ng iba. hindi ako maboboto kasi ginagamit ko ang utak ko. hindi ako maboboto kasi aminado ako na gagamit ako ng pera ng gobyerno sa sarili kong kagustuhan na hindi tulad ng iba ngayon ay sabing hindi raw nila gagawin yun pero alam naman ng lahat na me kasama ng malawakan at sabsabang kurakot ng pera.hindi ako kailanman maboboto ng kahit anong posisyon kasi wala akong pera at alam ko kung mukha akong gago sa litrato ko na gusto nilang gawing poster ko at marunong akong tumanggi kung alam kong mukha akong kriminal sa magiging poster ko. hindi makikinig ang mga tao sa kin kasi, parang si eddie gil, mukha akong utuuto. hindi katulad ng iba na may sariling makeup artist sa tabi nila. wala talaga akong pakialam sa pagmumukha ko kasi hindi ako yung tipo ng tao na naglalagay ng sun screen lotion pag lumalangoy ako at nagbabakasyon. hindi ako yung type na nagaalmusal ng baka o kung ano mang lalampas sa presyo ng allowance ko nung highschool ang kinakain ko. in short, hindi magtitiwala ang tao sa kin kasi katulad ko lang sila, either kalevel ko sa estado ng buhay o mas mababa ako. hindi nila ko iboboto kasi at one point bago ang eleksyon, pareho kami ng iniisip na dapat ang mabotong leader at co-leader ay yung totoong tao, pero pagdating ng eleksyon ay wala ng pakialam kung sino pa ba ang maboto nya. nawawala ang pagkaderetso ng isip pag naloko na ng mabait raw na tao.

Maraming nagrereact sa mga masasamang tao ngayon. itong mayor na to, kung kelan papalapit na ang eleksyon, saka papagawa ang daan. itong barangay captain, hindi pa tapos ang pinapagawang bahay kaya hahabol pa ng isang term, kaya maglilibre ng swimming sa rest house nya sa laguna para makuha nya ang loob ng tao. itong senador na to, nagaklas dati sa gobyerno, me balak pumatay ng tao pero kailangan nating pagkatiwalaan para sa ikauunlad ng gobyerno. itong isang boksingero, nananalo lagi sa laban. marami na syang commercials na pinagmukha syang gago at pinagtawanan na ng marami at walang matinong edukasyon dati, pero dahil mayaman na sya at namigay na ng insurace, iboto na natin kasi marami naman syang advisers para mapaunlad nya ang lugar natin.

Kailan lang kakapintura lang ng pader namin. malaking halaga ang pagpapapintura ng pader sa labas. I swear. gusto kong irecord ang sinabi kong yon at magbato ng mga radyong may speaker sa mga bahay ng mga naglagay ng poster ng nagpapahalal sa pader namin. at kung nahalal man sila, kami pa rin ang maglilinis nun. kasi, uhm... wala akong mahanap na dahilan kung bakit. basta ganun yun. every election ganyan. gagastusan mo ang mga bagay bagay para mapaganda ang bahay mo, ito namang mga taong ito ang magdudumi. nagbayad sila ng barya para maging kulay mukha ni Ping Lacson ang bagong paint naming pader. pero hindi sila binayaran para tanggalin ang mga yun. siguro kung ako ang maboboto gawin ko ng whole body shot o kaya sukatin ko na ang bahay na pagdidikitan ko para makapagpose ako ng nakahiga at isang malaking poster ang nakalagay dun. mas hanep yun e. at least isahan. hindi yung ulit ulit na mukha ko lang. baka kasi may buntis na dumaan at mapagtripan akong paglihian e. pangit mukha ko at ayaw kong mahawa pa ang kung sinong bata sa face na to. baka madiscover pa ng talent manager at gawing bagong kontrabida sa bagong show ni richard gutierrez. at isa pa, kung sakali man nga, pag papapicture ako gusto ko leeg lang makikita sa kin. kasi leeg wala na sila magagawa. pag may ulo, pwede lagyan ng bigote. pwede lagyan ng sungay. pwedeng gawing duling. pwedeng gawing bungal, pwedeng lagyan ng word balloon, pwedeng gawing darth maul, pwedeng gawing praktisan ng tirador at pellet gun. pwedeng ihian, pwedeng dikitan ng kulangot, pwedeng punitin at gawing pangsiga, pwedeng maging basehan ng baklang nagtatrabaho sa salon ang buhok ko, at pwedeng ipamulot ng tae ng aso ang loose na poster ng mukha ko. masyadong precious ang pagmumukha ko para sa kin. hindi ako matutuwa kung makikita ko ang banners ko na binutas ng sigarilyo ang mata ko at nakangiti pa ko na sabit sabit don. ito lang ang reputasyon ko para pagkatiwalaan ako ng tao.

madalas nating marinig ang pangako ng mga humahabol na to sa mga meeting de avance nila. maraming pangako na madalas ay wala tayong nakikitang natutupad. hindi na bago ang mga ganitong issue sa atin. pangako ko, tatanggalin ko ang baha sa bayang ito! pangako ko! wala ng krimen sa barangay natin!! pangako ko!! wala ng droga, wala ng rape, wala ng ek-ek!!! ulul! kung gagawin mo talaga yan, ipakita mo muna na kaya mong gawin. maraming pera ang gobyerno. kung ibebase ito sa equilibrium ng pamahalaan, kalevel dapat natin ang japan sa kaunlaran ngayon. ang kaso, nasimulan ng mabuksan ang pagiisip ng tao sa katotohanan na madaling yumaman at masarap ang buhay pag pumasok ka na sa pagpopolitika. hindi ko sinasabing lahat ng tao sa politiko ganun. oo maraming magrereact kung sinabi kong may politikong malinis ang kamay. meron din nun! kala nyo... wala nga lang sa pilipinas.

ilang barangay captain na ang pinatay sa probinsya namin. bago pa lang mageleksyon may sinabi na ang isang kilala ko na yang mga nabigyan ng pera na barangay captain papatayin kapag hindi nanalo ang nagpaboto. ayan na nga. siguro parte sa kin hindi na nabigla. pero dinaan na nga sa pandaraya, hindi pa nanalo. malaki na ang nawala sa kanya at hindi na sya natatakot gumamit ng karahasan. siya na lang ang bahalang mangatwiran sa paghusga sa kaluluwa niya.

sa pangangampanya nila, sasabihin nila na dapat, wala ng squatter sa bansa. hehe... dito ako napapahalakhak e. siguro dapat muna nilang pagaralan dito ang life cycle ng squatter. o, ngayon ka lang nakarinig ng life cycle ng squatter no? ganito yun, syempre una hahanap ng lote na mapaggagawan ng bahay yan. once nakatirik na ang bahay nyan, simula na!

LIFE CYCLE NG SQUATTER:

25, pagkatapos gumawa ng bahay, gagawa ng anak.
25, pagkapanganak ng asawa, gagawa ulit ng anak.
26, same as above.
26 and nine months, same as above.
27, maiisip nyang malungkot ang buhay nya kaya yayayain ang buong angkan na makishare sa loteng nakita nya.
27 and five months, makikita na nya araw-araw ang lahat ng kamaganak nya
28, gagawa ng anak
29, sawa na sa dami ng toddlers kaya gagawa ulit ng babies.
30, putok na ang atay dahil sa kaiinom. ibebenta si bunso panggamot.
31, irereplace si bunso. gagawa ng bagong bunso.

.. dito na rin ituturo kay junior ang secrets of being a squatter. ito naman ang bagong generation.

LIFE CYCLE OF A SQUATTER - THE NEW AGE:

from birth to 4 years old, tatae, iihi, maglalaro, sasabat sa mga sasakyan. lahat ng activities na yan sa kalye ginagawa.
5, tutulong na sa magulang sa pagtatrabaho. ito na rin ang future nila. kung nagpedicab driver si tatay, pedicab driver si junior. kung naglalaba si nanay, maglalaba si neneng.
7, sasabak na sa pagtatrabaho.
9, manliligaw na.
13-14, magkakaanak na. laging una yan bago kasal. yung iba gastos pa raw ang kasal kaya bahala na.
15, anak na ulit.

..and the saga continues.

dito mo na makikita ang squatters of the new age. ito yung dadaanan mong lugar sa inyo na amoy bareta ng sabon at uu na pinagsama, amoy lupa na pinagtakpan ng tae ng bata, amoy dumi ng kabayo, puro labahan sa labas, may mga palanggana sa daan, may mga tambay na matanda na walang pantaas at may good morning towel na nakaangkla sa leeg. Maraming bata sa daan at nakikipaglaro kay kamatayan at naghahabulan sa harap ng mga dumadaang sasakyan. may mga babaeng hindi mo alam kung ang tingin sayo e masama o galit lang sila sa nangyayari sa kanila. may mga batang dumudumi sa daan, may mga pintura sa pader na hindi ko kailanman maintindihan kung bakit kahit saang lugar ka naroroon, palaging ang mga nakavandal ay parang sinapian ng mga salita ng bisaya. bawal umehi dito, post no bell... maraming drawing na gawa madalas ng pula at itim na spraycans, maraming dumi sa gilid. hindi ko kailanman nagustuhan ang lugar namin ng may squatter. laging pag dumadaan ang pedicab ko sa munting daan na yon, hindi ko mapigil magisip ng kung bakit nandoon pa sila at kung bakit iisa lang ang amoy ng kanilang lugar. oo, alam kong hindi naman talaga nila kayang mabuhay sa katulad ng pamumuhay nating mga middle-class, pero wala rin tayong magagawa. Siguro kung ako ang nawalan ng pera, ganun din siguro ang way of living ko ngayon. ito ang literal na ibig sabihin ng no choice sa buhay. kung alam mong pinagiisipan ka na ng masama ng iba, wala kang magagawa kundi magtengang-kawali dahil ito lang ang paraan para mabuhay ka. Pero hindi naman ibig sabihin nito na kailangan na ring maggive-up ng pamilya mo. Pare, marami nang paaralan ngayon ang nagbibigay ng libreng edukasyon. Oo marami na sa mga batang palaboy ngayon ang nakakapagaral. pero hindi nila tinatapos ang kanilang pagaaral.

kung meron man lang sanang isang paraan para mapaalam sa kanila na ang edukasyon na libreng ibinigay sa kanila ay ang magaangat sa kanilang pamilya sa darating na panahon, sana makita na natin yon. ang hirap, masyado ng maraming bata ang nakikita ang naging buhay ng kanilang mga magulang. bakit nga ba naman sila kailangan magaral kung nakikita nilang kumikita naman kahit paano ang kanilang tatay para mapakain ang kanyang pamilya? bakit nga ba sila magpapagod magaral kung nakikita nilang tamad ang nanay nila at nagmamahjong lang at tongits sa gabi? kung nakayang magtaguyod ng pamilya ang mga magulang nila sa ganoong klaseng pamumuhay, bakit sila kailangan pang magaral kung ang sarili nilang magulang hindi rin nagtapos? ganitong klaseng pagiisip ang mahirap baliktarin sa mga panahon ngayon.

Nung dati na nakita kong nagkaroon ng second floor ang mga squatter sa min, lalong kumulo ang dugo ko. isa ang lolo ko sa mga assistant ng barangay captain non at alam kong wala silang titulo sa lupa na yon. bakit sila nandon? hindi ko alam. basta alam ko meron na lang tao doon na nakatira na kulay brown ang bahay dahil gawa lang sa tagpi tagping kahoy ang mga pader nila. ano na lang ang naramdaman ko nung naging sementado na ang bahay nila. grabe! tapos lumaki na rin ang pamilya nila. naging single lane ang daan sa harap nila, na lalo pang sumikip dahil dun pa nila pinarada ang mga pedicab nila at doon din naglalaba ang mga nanay sa tabing daan, at doon na rin naglalaro at umuuu ang mga bata.


Ang nakatira doon ay naging kaibigan ng tatay ko. nakasama rin namin sya. lampas isang taon na ng makulong sya sa paggamit ng bawal na gamot. ilang beses na rin syang labas-pasok sa selda. everytime lalabas sya, may maganda na syang napasukang trabaho. ang pinakahuli ay janitor sya sa ospital. maganda na ang nakuha nyang hanapbuhay. pag nagtatrabaho sya samin bilang grass cutter o may pinapaayos kami, lagi syang may bonus. pag pasko, tibatiba sya. Hindi ko kailanman maintindihan kung bakit kung sino pa ang higit na nangangailangan ay siya pang nakakahanap ng pera para lalong sirain ang kung ano na ang napaghirapan nya. ngayon ay nakakulong na sya, at hindi na kailanman makakalabas. at sa dating, mukhang alam kong malapit na syang makaexperience ng reunion sa pamilya nya.

sabi nga ng isang kaibigan ko nung nakasama ko siya, ano pa bang expect mo sa mga batang squatter? walang pinagaralan ang magulang, wala silang pinagaralan. natural na ang mga yan na walang modo. oo naiintindihan ko siya. pero isang parte sa kin umaasa na magiba ang mga batang ito. nakabasa ako ng isang article tungkol sa kanila. wala ng ibang ginawa ang magulang nila kundi maganak ng maganak. alam na nila na mahihirapan silang pakainin ang mga anak nila, gagawa pa sila ng isa. sabi nga ng iba, the rich becomes richer, the poor becomes poorer. lahat ng ito ay sa sarili nilang kapakanan. may mga bagay na akong nagawa na hindi ako proud na ginawa ko. pero alam ko kung pano kontrolin ang sarili ko kapag nakaramdam ako ng urge para gawin ulit ang mga ito. kung naghihirap na ang pamilya mo, wag ka ng gumawa ng dahilan para lalong mamatay ang pagasa ng pamilya mo. kapag mayaman ka na, gumawa ka naman ng paraan at magreachout ka sa mga taong pinandidirihan mo. ang mga walang modong batang ito ang magiging kriminal isang araw at papasok sa bahay mo, pagnanakawan ka, papatay ng ilan sa mga kilala mo. kailangan mong maisip yon. mayaman ka na at matanda. alam mo na ang mga priorities mo. simpleng pagtulong mo sa iba ay para mo na ring pinrotektahan ang syang yaman mo.

***

Legacy. Sabi nila dito, 20% lang ng mga pinoy ang mayayaman. bakit kailangan mo mapabilang sa 80% kung pwede ka naman sumali sa kanila sa halagang pwede ka na maginvest ng small business at konting pagpursigi lang ay mapapalaki mo na? dalawang beses na akong nakapunta sa Legacy na ito. papamanghain ka nila sa mga biglang pagbabago sa buhay nila. laging sasabihin na may kotse na sila sa labas, tatanungin ka kung ano pangarap mo at ipapakita sa harap mo kung kailan mo makakamit ang pangarap mo basta lang makapagdala ka ng maraming tao sa lugar nila. tapos, in the end, sasabihin nila na hindi sila pyramiding scam. oo siguro hindi sila scam, pero pyramiding pa rin. yung sa pangalawa ko, muntikan na naman ako maghagilap ng malaking halagang pera para makasali lang. oo, ganun sila kagaling magkumbinsi. sinabi pa nung isa, kakakuha lang nya nung cheke nya na pwede na ko makabili ng isang magandang gundam. tinanong pako kung unang beses ko. sabi ko hinde. sabi nya, kung nagbigay ka na pala dati, kasama na kitang kumukuha ng tseke ngayon. tangnanaman... iba ang naramdaman ko non. sobrang panghihinayang ko non. pero alam ko na dati pa kung pano tumatakbo ang business na to. or at least nagassume ako ng pinakamaiging paraan para iexplain ko sa sarili ko na walang future sa ganyan. magbibigay ka ng malaking halaga, tapos masasama yon sa pondo ng kumpanya. sa dami ng napapasok na tao sa kanila(hindi lang iisang lugar to. me nakita ako ng ganito sa probinsya), marami ring pumapasok na pera. dyan nakukuha ang hati-hati na ibabayad sayo sa bawat tao na napapasok mo. natututo kang magpilit sa iba na ipusta na nila ang pera nila para yumaman sila. hindi ako pumatol sa ganyan kahit alam kong marami akong kaibigan. ngayon, na halos dalawang taon na ang nakalipas mula nung sinabihan ako nung magaling na bat di raw ako nagapply nung unang beses, tinanong ko yung kaibigan ko kung napano na sya. hindi na raw tinuloy. wala raw mapapunta. pati yung boyfriend nya na naging parang reminder sa cellphone ko na text ng text maya't maya tungkol sa pagbigay ko ng pera, hindi na rin tinuloy. pati yung unang nagpapunta sa kin, hindi na rin tinuloy. bakit? kasi hindi ikaw ang habol nila kundi ang pera mo lang. wala naman silang pakialam sayo e. basta makuha na nila yung halagang makakapagpasaya sana sa mga nasalanta ng bagyo, o makapagbigay ng matamis na ngiti sa mga batang nangangailangan ng silid-paaralan. oo alam ko yung ibang nagbabasa nito may masamang reaction sa mga sinabi ko. aware na ko doon. tawagin nyo na kong tanga sa hindi pagsali, pero kaya kong mabili ang lahat ng gusto ko sa sarili kong paraan. kung gusto kong maging parte ng 80%, yun ay aking pagnanais. wala akong pakialam sa 20% dahil sila ang madalas manakawan, madalas mapatay dahil sa kayabangan o pagpapapansin, madalas masira ang buhay dahil sa kung ano anong nabibili ng pera nila, at madalas mawalan ng pamilya dahil nabubulag na sila sa laki ng pera nila. Hindi porke politiko ka, kailangan mo ipangako na yayaman ang mga taong hahawakan mo. kasi hindi importante na mapayaman mo ang mga pamilya. ang importante ay mapamuhay mo ng matiwasay ang mga nakatira sa lugar na hawak mo.

***

kung alam lang talaga ng humahabol na tao ang kailangan ng bansa, siguro alam na ng tao agad na karapat dapat syang mahalal. kung ako ang tatanungin, hindi rin naman kasi ang pera ang problema sa ating bansa. siguro kung ako ang hahabol, una kong aayusin ang transportasyon. oo. transportasyon. isang maliit na bagay na kapag naayos, magkakaroon na ng chain reaction para sa pagangat ng ekonomiya.

sa ngayon, araw-araw akong naguuwian mula sa trabaho ko dito sa maynila hanggang sa bahay ko sa pampanga. araw-araw. oo nakakapagod, pero hindi ako nagrereklamo. ang nirereklamo ko lang ay, sa ngayon, bakit ata nakalahati na ang bilang ng mga bus na pumupunta sa manila? malaking bilang ng tao ang nakikita ko araw-araw na lumuluwas. dalawang linggo ko nang nakitang parang edsa revolution ang sakayan ng bus sa min. hindi lang yon. aabutin ka ng isang oras para lang umabot sa kokonting distansyang byahe.


tumira ako sa olongapo ng isang taon. sa maniwala kayo't sa hindi, hindi ako kailanman nakaranas ng traffic sa lugar na yon. bakit? kasi sa maraming factor na ginawa nila para sa ikauunlad ng bansa nila. alam natin na isang magandang lugar ang olongapo. at kinabiliban ko dito ang kalinisan ng lugar. disiplinado ang tao. walang traffic. color coded ang mga jeep para hindi lang yung mga basta-basta ang masakyan mo. alerto ka lagi sa ginagawa mo. siguro dapat maging ganito na ang bansa natin.

maraming pera ang bansa. alam natin yun. napupunta lang sa mga naluluklok sa posisyon. alam din natin yun. siguro kung ako ang naboto, gagamitin ko ang pera para bigyan ng sweldo ang mga drivers ng jeep at bus. oo. sweldo. gagawin kong inaapplyang trabaho ang pagiging driver. at bukod doon, mayroon din silang libreng rasyon ng gasolina. kaya nating lahat na isagawa to akala nyo. ganun kayaman ang pilipinas kung walang kurakot. anyway, so yun, kung wala ng inaalalang boundary ang mga driver, wala na silang inaalalang pasahero. wala na yung kada kanto titigil at maghihintay ng labinlimang taon para may sumakay na isang tao. at wala na yung kahit isa na lang ang kulang ay ipagpipilitan pang itambay ang sasakyan nya sa mga lugar na maraming sumasakay. nakakacause ng traffic to bossing. at nakakainit lalo ng ulo ng mga pasahero.

lahat ng mga jeep din, kailangan na rin ipagawa. siguro papagawa kong parang bus type ang mga upuan ng mga jeep. para wala na yung pituhan, waluhan, syaman... wala na. para rin mawala na yung mga nakakairitang tuhod na tatama sayo. wala na rin yung mga hipokritong nakaharang ang tuhod o paa tapos parang walang ibang nakasakay o sasakay sa sinasakyan nila. at may rules na rin akong ipapatupad na hangga't hindi ka pinara ng pasahero, wag kang titigil sa tabi ng daan. at dapat, ito hindi lang mga drivers ang sakop, wag basta basta bumababa sa kahit aling lugar. may mga puj stops. gamitin natin. yung iba kasing abusado, iilang hakbang na lang talaga, papara pa ulit. sigurado nakaexperience ka na nito. yung may pumarang isang tao, after a few feet, papara ang isa. di bale sana kung matanda sya o disabled. pero yung mga tipong matibay pa kay swaseneger, nakakairita na.

isa pang nakakairita yung mrt. oo mabilis na transportation, pero grabe ring makapagpainit ng ulo. bakit ba everytime nasa north avenue station ka, minsan lalampas ang isa o dalawang tren? overheated? hindi siguro. kasi sa taft station hindi ganyan. nasa gitna ang babaan at may choice ka lagi ng sasakya. hindi yung iipunin muna nila ang daan daang tao sa station tapos hahayaang magsiksikan sa loob. hindi lang tatatlo ang stasyon ng tren mga tsong. may mga naghihintay din sa kabila. kung tuluy-tuloy ang production nyo at wala ng hintayan pa, mas giginhawa din ang pakiramdam naming mga pasahero.

Ang transportasyon ang magiging factor ng pagangat. wala ng malelate na empleyado, wala ng magmamadaling makipagsiksikan pa sa lahat ng sakayan. mas gagaan ang loob ng tao at hindi mababawas ang sipag nila sa pagtatrabaho. ganun kalaki ang epekto ng magaang transportasyon. walang problema sa flyovers. kung ano man ang magpapadali ng ating pagunlad, gawin natin. Wala tayong marereklamo kung sasabihin nating masikip sa mata. maliit ang bansa natin kumpara sa america. maliit ang bansa natin kumpara sa japan. kung may mga higanteng nakatira sa mga kontinente, sala nila ang america, kusina ang africa, masters bedroom nila ang russia at bakuran nila ang china. ang pilipinas ay simpleng palaisdaan lamang ng mga alaga nilang pandaca pigmea. ito ang napagkaloob sa tin. kung hindi natin susulitin at uunahin natin ang sarili, wala talagang mangyayaring maganda.

baha. sino ba naman ang hindi pa nakaranas nito? siguro yung mga taong nagtatanim ng kamoteng kahoy noong panahon ng paggawa ng banawe rice terraces naranasan din ito. syempre ano pa ba ang pinakasasabihin ng mga tao kung bakit nangyayari to? e kasi puno na ng basura ang mga kanal. e kasi kulang ang espasyo para palalimin pa ang kanal. e kasi teacher, yung mga puno po pinuputol ng mga bad people tapos wala ng pong sisipsip sa tubig-ulan na bumubuhos.. lahat ng ito ay katotohanan. at lahat ng ito ay gawa ng tao. kung gawa ito ng tao, may paraan din para madivert ito. bakit hindi natin palakihin ang mga kanal? as in yung parang pwedeng magkaroon ng mall ang mga daga? para magkaroon din ng space para dumaloy ng maayos ang tubig. takpan lang ng maayos. magkaroon tayo ng live sewage system. dito na rin iroute ang mga kuryente at iba pang lines natin para walang naaapektuhan tuwing bumabagyo. gumawa ng mga paraan para dumaloy ulit ang mga stagnant water systems natin. may ilog kami sa probinsya. krudo na ang laman. dito na yata kumukuha ng pera ang bansa para makipagtrade sa iba pang bansa. promise! sa sobrang itim maiisip mo ito yung lumalabas dun sa paghuhukay nina bruce willis sa pelikulang armageddon. ganun kaitim. at isipin mo na lang pag malakas ang ulan. hindi na nga umaagos, aapaw pa at maapakan mo. sakit, sakit at maraming sakit pa ang mararanasan. pwede ring ikamatay. kung ibabacktrack mo, maaari mong sabihing, "Uy, namatay ang kapitbahay namin kasi sa balat ng kendi." Maraming pera ang gobyerno. napupunta lang sa maling lugar. nahahawakan lang ng maling kamay.

tag-ulan na. dadami na naman ang lamok nito. makikita mo na naman si mel tiangco na magbibigay ng warning sa publiko na wag magiwan ng mga bagay na makakaipon ng tubig-ulan at pwedeng pagitlugan ng lamok. tapos isang araw sa susunod na linggo papakita na ang toll ng mga namamatay sa iba't ibang sakit. tignan mo nga naman. ang telebisyon ay isa sa mga pinagtutuunang pansin ng mga tao ke mayaman o mahirap. at maganda ang lubusang pagpapahayag ng mga balitang ganito. may warning sa nagbabantang pagmulan ng gastos. anong ginagawa natin? hihintayin lang natin na magkakaroon ng sakit ang isa sa mga kasama natin para matauhan lang tayo. ganyan ba talaga dapat lagi? oo may mga bagay sa loob ng bahay. nandyan si pareng raid at baygon. nandyan din si katol at kulambo. sila ang spada at shield natin laban sa gastos sa ospital at gamot. sa tinagal tagal ng panahon, pilit silang gumagawa ng paraan para maprotektahan ang bahay natin. syempre lalo na yung mga nakatira dito. matagal na panahon na mula ng gumagamit ang mga tao nung bilog na dark brown tapos sasaksakan mo ng green at blue na bala na mukhang v-fresh. kontra ipis. nandyan na rin ang mga ilaw at spray kontra lamok. marami na naimbento. lagi tayong bumibili ng mga bagay na to. pero simple lang ang sinasabi ni mel tiangco. wag tayong magiwan ng mga bagay na pwedeng pagitlugan ng mga lamok. isang simpleng bagay na hindi natin lahat ginagawa. nandyan na ang mga simpleng bagay na makakapagbago sa mundo natin pero hindi tayo aware sa mga ito dahil diverted ang mga atensyon natin sa mga bagay na sa tingin natin ay mas importante.

***

isa pa sigurong makakatulong sa tin ngayon ay ang isa pang business center katulad ng cubao. hindi ko sinabing panibagong business center. ibig kong sabihin ay magpalaki na ng mga lugar na kahit lumuwas ang mga taga-manila sa cebu ay hindi sila manghihiyang. hindi yung lahat na lang ng tao sa bansa naghahanap ng trabaho locally sa manila. maraming lugar dito ang pwedeng pagtayuan ng mga offices. gamitin natin. wag nating ibigay sa squatters. bigyan natin ng mapagtatrabahuhan ang mga squatters at sa gabi ay mayroon silang center na mapagtutulugan. kaya nating gawin to. walang masama sa pagtutulungan. nasa pride lang naman ng tao na magtrabaho na may kasamang mga tao na hindi sa level ng pamumuhay nya. pero kaya namang maovercome ang ganyan. wag sanang makitid ang pagiisip natin. kung gusto nating umangat, matagal nang nasa ating mga kamay ang kapangyarihan para magawa ito.

hindi na natin kailangan ng panibagong rizal, bonifacio o superman. hindi natin kailangan ng mga pangako ng mga nagpopolitiko para lang sila na ang makakuha ng pera ng mamamayan. sabi nga ni V, hindi dapat matakot ang tao sa sarili niyang gobyerno. ang gobyerno ang dapat matakot sa mamamayan nito. buksan natin ang ating isipan. hindi tayo utu-uto para pabayaan lang nating mamuhay tayo sa kahirapan. nasa kamay mo na ang pagbabago, wag mo nang punuin pa ng ibang bagay ang kamay mo. makakamit mo rin ito isang araw. hindi lang isang gabi ang pagbabago. pero mas madali itong makakamit kapag nagtulungan ang lahat ng katulad mo.