Sunday, September 16, 2007

CANADIAN MISFITS



Ito ang aking documentary mula sa pag-alis ko sa Pilipinas hanggang sa oras na ito, na sumusulat ako sa aking Mac sa bahay.

Lahat tayo, ayaw nating umalis sa piling ng ating mga mahal sa buhay. Masyadong masakit isipin na pupunta ka sa isang lugar na alam mong limitado lang ang makakausap mo. Pare-parehong tao, iisa lang ang pinagmumulan ng pinagkukwentuhan nyo. Kapag wala kang masabing maayos, biglang tatahimik kayon dalawa, tapos awkward moment na. At ang hirap dito, salitang banyaga ang kailangan mong gamitin.

Kaya ayoko na munang pagusapan ang tungkol sa mga iniwan kong pinakamamahal sa Pilipinas.

Mula sa pagcheck-in namin ng mga bagahe, pinapunta na kami sa Gate 5 kung saan maghihintay kami ng pagboard ng eroplano. Natrafic kami sa NLEX nung umaga dahil, as usual, ginagawa na naman sa walang dahilan. Pero ok lang yun kasi di na rin kami masyadong naghintay. Agad na rin namang tinawag ang Flight number namin.

Wow, excited na ko magboard ng eroplano. Hindi ko alam ano ang makikita ko sa loob. Pero sa mga huling linggo ko dyan, napaparanoid ako sa kakaisip na may mangyayaring masama. Nahira na. Pnilt kong alisin sa isip ko yon, pero kusang bumabalik. Natural lang ang pressure. Lalo na at nalalapit ang araw ng pagalis namin sa 9-11 tragedy. Nauna lang kami ng isang araw.

So ayun, Cathay Pacific. Yung nilitrato ko palang eroplano yung sasakyan namin. Sinalubong kami ng mga chinese stewardess sa gates, at welcome na welcome ang mga ngiti nila. Halatang praktisado na na ngumiti sa mga taong iilang segundo lang nilang makakaharap sa buong buhay nila. Nasa gitna pala kami ng eroplano. As in gitna ng eroplano, at gitna din sa loob. Okay lang, inisip ko, tutal hanggang Hong Kong lang naman ganito. Mula Hong Kong ay window seats na. At ako ang nanalo sa Jack-en-Poy namin ng kuya ko kaya makakapag-dokyu ako kung pano ba ang nakikita ng isang tao sa paglipad at pagbagsak ng eroplano. Binalak na lang namin na along the flight, palit na lang kami ng lugar para makita din niya.

Nagwarning na ang stewardess. Lilipad na kami. Doon ko naexperience yung tipong malapit na kong mamatay at nakita ko lahat ng masasayang memories ko sa bansang ito. Hindi mo masasabing ang mahigit dalawampung taon na tinira ko sa Pilipinas ay maikli pa. Masyado nang matagal yon at napamahal na ko sa bansang yan. Masasayang ala-ala. Iiwan na kita, Pilipinas. Masasayang ala-ala. Mula nang bata pa ko, na tumatakbo sa kapitolyo at nagpapalipad ng saranggola, hanggang sa huling event na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay, ang despedida. Andami kong naisip sa dalawang minutong dumaan na sa pint of view ng stewardess ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi pa ako nagpapaalam, Pilipinas, sabi ko sa sarili ko. Kasi sa susunod na makikita kita ay pauwi na ako sa yo.

Tumunog na ang mga makina ng eroplano. Pinipilit pumasok ng kamatayan sa imahinasyon ko. Nililihis ko ang atensyon ko sa comedy naming magkakapatid. Dapat kasi hindi ko na pinanood ang Fight Club ni Brad Pitt at Edward Norton at nakita ko pa yung image na nasirra yung eroplano e. Napaparanoid lang ako.

Nagtaxi na ang eroplano sa runway.

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Paalam sa inyong lahat.

At lumipad na ng paunti-unti ang eroplano papuntang Hong Kong.

Sa labas ng bintana, nakita ko ang mumunting Manila Bay, na nagpaalala sa akin na madalas ko itong tambayan nung college pa ako. Photography, Arts, gala, pasyal, dadaanan ng sasakyan, gumising ng maaga para makita ang sunrise, na sunset pala ang tinitignan sa Manila Bay... ito ang huling nakita ko sa Pilipinas.

Hindi pa ako masyadong na-excite nung sumisilip na ang mga ulap sa bintana. Makikita rin kita mamaya, sabi ko. Tinignan ko ang relo ko. Isang oras na pala ang nakaraan mula nang nagtake off ang eroplano. Pasado alas-dose na. Kung nasa bahay lang ako pinapanood ko yung labanan ni Joey at Willie. Pero tinutok ko na lang ang atensyon ko sa TV sa overhead ko. CSI ang palabas, napanood ko na. Patuloy ang pagpasok ng mga alaala ko. Pinabayaan ko na lang. At least nasasapawan ang takot ko sa kamatayan.

Nilipat ko ang channel sa default Cathay Pacific. Malapit na pala kami. Hong Kong. Tatapak na ko sa unang bansang hindi lupa ng Pilipinas.

"Thank you, Sir!" sabi nung stewardess. Ngumiti ako. Unang apak ko sa Hong Kong.

Isang malaking airpot na naman. Hindi ako masyadong interesado. Gusto ko nang umuwi.

Nagyaya ang mama ko na kumain. Ayos, Hong Kong dining. Pero dun kami kumain sa mga resto na oorder ka lang at iseserve nila sayo sa counter at ikaw ang magdadala sa upuan. Kung matagal iprepare ang inorder mo, maghintay ka sa counter. Ayos a.

Ininom ko yung Coke Zero. At kumain ako ng matabang na turkey sandwich.

Matagal pa ang flight namin. Tatlong oras pa. Sinubukan ko na ang roaming ko. Ayos, nakakatanggap na ko ng messages. Pero hindi ako nakapagsend kaagad dahil inayos ko pa ang settings ng cellphone ko. Inantok-antok akong naghintay sa susunod naming flight. Alas-kwatro kinse, konting oras pa.

naglakad na ko sa airport para labanan ang antok. Puunta ako sa banyo. Habang nagbabasa ako ng mukha, may pumasok na mama. Dali-daling pumunta sa isang cubicle. At doon, nilabas nya ang sama ng loob nya. Kaso yung sama ng loob nya may kasamang hangin. Ayun, parang kumukulog at kumikidlat sa cubicle nya. Natakot ako. Natakot akong makaamoy ng baha. Kaya lumabas na ko.

Saktong alas-kwatro na ko nakarating sa gate namin. Tinignan ko ang monitor, wala pa rin ang eroplano. Tapos ayun na, kung alam nyo yung sa The terminal ni Tom Hanks, yung nagpapalit-palit ang mga words ng mabilis sa itim na board, mabilis umikot-ikot ang mga salita. DELAYED.

Isang oras pa raw darating ang sundo namin.

Natulog na ako. Bahala na.

Pero hindi ako makatulog.

Hinintay ko ang oras. Lumibot ulit ako. Tapos pagbalik ko tumatayo na ang mga tao. Okay, nandito na. At agad kaming pinagboboard.

Window seat. Ayos! Nakaupo na ako nang tumabi na ang kuya ko at pinagusapan namin kung kelan magpapalit. ero pinangunahan kami ng flight attendant. magastop -over muna kami sa Anchorage, Alaska. Ayun naman pala e. tag-isang take-off at landing tayo, ang sabi ko. Pero ayaw na nya. Ako na lang muna raw. O sige, ok lang naman. Niready ko na ang camera ko.

Nakunan ko mula sa pagtaxi namin hanggang sa makita ko na ang mga ulap. Sa liit ng bintana, nahiwagaan ako sa nakita ko. Ganito pala.

Tinignan ko ang in-flight movies. Spider-Man 3, Oceans 13, Next, Mr. Bean's Holiday... meron ding mga series. Sabay-sabay ipapalabas. Palit-palit lang ako ng channels. Limang beses ko atang pinanood ng paputol-putol ang Spider-Man 3, tapos nasa series lang ako. Halos natulog lang ako sa buong flight. Masyado na kong matagal na gising. Ginigising lang ako ng kuya ko pag kakain na. Airplane food. Pag masarap, masarap. Kaso hindi buong meal mo gaganahan ka. Lalo na sa tubig.

**TIP** Kapag sasakay ng eroplano at inalok kayo ng maiinom, kunin nyo ang softdrinks. Hindi ito nagbabago ng lasa. Ang mga juices, tulad ng orange at apple, ay kayo na ang bahalang magrisk.

Sinasamantala ko ang pagaalipusta sa pagkain ko. Kuha ako ng kuha ng inumin. Lagi kong tinatanong sa stewardess kung pwede akong makahingi ng isang ganito at isang ganyan. Kaliit kasi ng baso. kaso mapakla ang laman. Kaya pala.

Nag-alok ng tsaa. Naexcite kami ng kuya ko. Humingi kami ng tag-isa. Nung tinikman namin, kulang na lang isigaw namin ang "TSAA!" sa lasa! Lasang balat ng patatas na hindi hinugasan! Oo alam ko lasa non. Malikot ang kamay ko nung bata pa ko.

***itutuloy pa***